Chapter 4

25 0 0
                                    

WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS MATERIAL SUCH AS VIOLENCE AND SEXUAL ASSAULT THAT MAY BE HARMFUL OR TRAUMATIZING FOR READERS.

READER DISCRETION IS ADVISED.





Savior








10 years ago...

"Oh Bella, anak, nandyan ka pa pala? Mabuti at nagche-check muna kami ng mga silid bago kami magsara. Muntik na kitang masarahang bata ka."

Naglilipit na ako ng mga gamit nang dumating si Tatay Celso, ang guard ng school. Alanganin akong napangiti dito.

"Pasensya na ho Tay Celso, andami ko lang talagang kailangang tapusin para bukas." magalang na hinging-paumanhin ko bago tuluyang lumabas ng library

Napabuntong-hininga naman ang gwardyang may katandaan na at napailing.

"Nasaan nga po pala si Kuya Benjie, bakit kayo lang po?" tukoy ko sa kasama nyang guard din ng school

Pinatay na nito ang ilaw sa library kung saan ako galing at sunod na binuksan ang flashlight na hawak.

"Nasa gate, nagbabantay. Ako muna ang nagprisentang mag-check ngayon. Hay nakong bata ka, gabi na. Bilisan mo na't sasamahan na kita pababa pero mag-iingat ka kasi hanggang gate lamang ako." sabi nito habang naglalakad kami pababa

Tama ito. Gabi na nga. Ni-hindi ko na nga alam kung anong oras na. Hindi ko namalayang madilim na pala sa labas. Ok lang naman kasi sa akin ang maglakad sa dilim ng mag-isa dahil ilang beses na rin naman akong umuwi nang gabi, ang tanging nakakakaba lang ay ung tiyahin kong maaabutan sa bahay. Panigurado kasing sesermunan at matinding sabunot at sampal na naman ang aabutin ko mula dito. At kahit pagod na, wala naman akong choice kundi tapusin ang mga gawaing-bahay na aabutan ko kada uuwi galing school. Di naman kasi ako maka-tanggi dahil baka palayasin lang ako ng mga ito.

Napailing ako. Ayoko. Ayoko silang iwan dahil sila nalang ang natitirang pamilya ko at tumutulong sa akin.

"Maraming salamat ho, Tay Celso. Wag kayong mag-alala, kaya ko na ho ito hanggang sa amin. Mag-ingat din po kayo ni Kuya Benjie." nginitian ko ang matanda na mapaglarong ginulo naman ang buhok ko

"Ikaw din, Bella. Mag-iingat ka." si Kuya Benjie

Napatango at napangiti ako.

Malapit ako sa mga staff sa school pero si Tay Celso ang pinaka dahil nakakakwentuhan ko ito minsan pati na rin ang asawa nitong si Nay Nyrna na araw-araw pumupunta sa school para maghatid nang tanghalian kay Tay Celso. Kinukwentuhan nila ako ng buhay nila kaya nalaman kong nagsipag-asawa na ang mga anak nila kaya madalas ay ang dalawa matanda nalang.

Nanay Nyrna also told me how they met and fell in love that makes me really admire their relationship. And also makes me wish that maybe someday, someone could also look at me like how Tay Celso look at his wife with full of love. Kaya nga hindi ko na hinahangad ang marangyang buhay eh, ang tanging gusto ko lang ay isang simpleng buhay kasama ang taong mamahalin ko at ang magiging mga anak namin.

Gusto kong magkaroon ng sarili at kumpletong pamilya balang-araw. Di ko mapigilang mapangiti habang iniisip yun.

"Napaka-bait mo talagang bata, Bella, anak. Na kahit inaabuso ka na ay iniinda mo pa rin ang lahat. Nag-aalala ako sayo dahil baka kung ano na namang gawin sayo ng tiyahin mo." mababakas ang lungkot sa boses ni Tay Celso

Hindi ko naman sya masisise kung ganon ang iniisip nya dahil totoo naman. Malaki ang utang na loob ko sa pamilya ni auntie kaya tiis-tiis muna ako hanggang sa makapagtapos ng pag-aaral.

I sighed. Ayoko ng mag-alala pa sa akin si Tay Celso kaya ngumiti nalang ako sa kanila ni kuya Benjie at nagpaalam na.

Hindi ito ang unang beses na naglakad ako sa madilim na kalsada pauwi sa bahay namin dahil may mga poste ng ilaw naman sa bawat kanto kaya di masyadong nakakatakot at karaniwan ay hindi pa ako nawawalan ng mga kasabay. May ilang mga tao pa naman kasing dumadaan sa kalsadang ito. Pero bakit tila iba ang pakiramdam ko ngayon. Nakakapagtakang wala man lang kasi akong kasabay kahit ni-isang tao ngayon. Idagdag pa na ilang metro pa muna ang lalakarin ko bago umabot sa susunod na poste ng ilaw.

Natalya (La Domina #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon