Chapter 5

23 0 0
                                    

Transferee







Magkikita kami ulit?

Paulit-ulit ang tanong na yan sa isip ko matapos ang naging pag-uusap namin nung estrangherong nagligtas sa akin kagabi. Ni-hindi nga ako nakatulog ng maayos kahit sobrang gabi na akong nakauwi dahil bukod sa trauma sa tangkang panghahalay sa akin, hindi rin maalis sa isip ko ang mukha ng lalakeng nagligtas sa akin.

I want to see him again. I want to know him, at least his name.

"Hoy, Bella!" kasabay ng pagtawag na yun ay ang malakas na pagtapik sa akin ni ate Feda, ang panganay na anak nina auntie Irina at uncle Fernan "Para kang tanga jan! Bingi ka ba? Hindi mo ba naririnig na kumukulo na ung tubig sa takure!? Susunugin mo pa tong bahay!"

Kalalabas nya lang galing sa kwarto nila ng asawa nyang si kuya Aljon. Kasunod nya nga itong lumabas na wala pang pang-itaas. Ngumiti pa ito sa akin sabay hagod ng tingin sa kabuuan ko na lagi kong ikinaiilang tuwing titingin ito sa akin.

"S-sorry, ate." hinging paumanhin ko habang nagmamadaling patayin ung kalan

"Sa susunod kung tutunganga ka, siguraduhin mo munang nakahanda na ung almusal!" sigaw pang muli ni ate Feda pero napatigil sya nang bigla syang yakapin ng asawa mula sa likod

"Ano ka ba naman, mahal. Mainit na naman yang ulo mo." senswal na sabi ni kuya Aljon na diretsong nakatingin sa akin habang hinahalik-halikan ang leeg ng pinsan ko na agad kong ikinaiwas ng tingin

Dahil doon kaya bigla na naman bumalik sa isip ko ung nangyari sa akin kagabi kaya di ko mapigilan ang panginginig ng kamay habang nagtitimpla ng kanya-kanya nilang mga inumin sa umaga.

"Ihhh. A-ano ba, mahal. Baka makita tayo—hmmm—nila mommy." narinig ko pang nahihirapang sabi ni ate Feda

Gusto kong takpan ang tenga ko pero mas pinagtuunan ko nalang ng pansin ang pagtapos ng tinitimpla kong mga inumin nila dahil sa panginginig ng mga kamay ko. I gulped as I felt my whole body trembles in fear too.

Sanay na ako na napapansin o naririnig ang mahahalay na ginagawa nina ate Feda at kuya Aljon na minsan ay malapit lang sa akin. At kahit sa edad kong ito ay hindi na lingid sa kaalaman ko ang ginagawa nila kaya madalas ay nagbibingibingihan at nagbubulagbulagan nalang ako. Pero dahil yata sa naranasan ko kagabi kaya iba ang pinapakita kong reaksyon ngayon.

Mabuti nalang ay lumayo na sila at pumasok sa sariling kwarto pagkatapos yung sabihin ni ate Feda kaya agad ko ng tinapos ang pagtitimpla ng mga inumin.

Pagkatapos ay inihatid ko na ito sa hapag-kainan kung saan nakahanda na ang niluto kong almusal para sa lahat. Nandun na rin ang bunsong si Ferly na mas matanda lang ako ng dalawang taon. Naka-uniporme na ito katulad ko ngunit abala sa pagtipa ng kung ano sa cellphone nya at si auntie Irina na may katawagan na naman habang lukot ang mukha. Paniguradong ung dealer na naman ng mga paninda nya sa palengke ang problema nya.

Napabuntong-hininga ako at pasimpleng napahaplos sa pisngi. Nararamdaman ko pa rin kasi ang hapdi ng sampal na binigay sa akin ni auntie kanina nang magising sya at maabutan ako. Magkabilang sampal para sa mga gawaing nakaligtaan ko kahapon dahil gabi na ako nakauwi. Tulog man kasi sila nung makauwi ako pero sampal naman ang inabot ko kanina. Masakit talaga at pakiramdam ko ay namamaga na ang pisngi ko dahil bukod sa sampal ni auntie, ay nasampal din ako ng isa sa mga lalake kahapon na nag-iwan pa ng maliit na sugat sa labi ko. Pero walang-wala ang mga pisikal na natamo ko kumpara sa nakakatakot na alaala na yun kagabi na tumatak na sa isip ko. Ayokong may makaalam ng nangyari sa akin dahil sa hiya, pandidiri at takot na nararamdaman ko kaya pinipilit ko nalang na itago ito. Hindi man kasi ganun kabilis mawala ung trauma na naranasan ko pero naniniwala akong balang-araw ay mawawala din ito.

Natalya (La Domina #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon