Meet
"Gwapo nga, babaero naman. Bakit ganyan nyang mga lalake!? Lalo na kapag alam nilang may itsura sila at may ipagmamalaki, tini-take advantage nila ung mga babae." himutok ni Vicky sa harap ko
Nasa canteen kami ngayon at magkaharap habang tanaw na tanaw namin ang grupo nina Marigold kasama ang ilang lalakeng classmates namin pati na rin ang bagong pasok na si Garrick.
"Hindi naman siguro lahat, V." ani ko sabay simsim sa packed juice na bigay nya
Inirapan naman ako ni Vicky.
"Tsk. Sige! Hindi na lahat! Eh paano mo naman ipapaliwanag ung mga babaeng tini-take advantage din ung chance ng mga lalakeng alam naman nilang nagte-take advantage din sa kanila!?" bwelta nya pagkatapos ay halos ituro na ang grupo nina Marigold kung di ko lang agad binaba ung daliri nya
Sinenyasan ko syang hinaan ang boses pero tuloy-tuloy lang sya.
"Tignan mo yang grupo nina Marigold, kababaeng tao hindi man lang nahihiya sa ginagawa nila! Sa kung sino-sinong lalake nalang lumilingkis parang mga sawa. Ganyan bang grupo ang gusto mong salihan, B?" dagdag nya pa
Nilunok ko muna ang kinakaing sandwich bago sya sinagot.
"Sabi ko naman sayo di ba, natuwa lang ako dahil gusto nilang makipagkaibigan sa akin pero wala talaga akong planong sumali sa grupo nila."
Pero sa kabila ng sinabi ko ay patuloy lang sa pagsasalita si Vicky tungkol sa grupo nina Marigold. Napabuntong-hininga nalang ako.
Hindi naman kasi ang pakikipagkaibigan kina Marigold ang buong maghapong bumabagabag sa akin. Kundi si Garrick. Isang linggo na namin syang classmate pero mukhang di nya ako nakikilala. Pinagmamasdan ko sya at sa tuwing mahuhuli nya ako ay ililihis ko agad ang tingin ko.
Hindi nya ba talaga ako nakikilala? O siguro ayaw nya lang na may makaalam na magkakilala kami. Hayy. Siguro ganun nga. Sino ba naman kasi ako para maging kaibigan ng isang Vasquez?
"Hi, Bella!"
Sabay kaming napalingon ni Vicky nang may marinig kaming tumawag sa pangalan ko at nakita ang magkaibigang sina Limuel at Peter na mga classmate namin. Tinutulak-tulak pa ni Peter si Limuel na may tinatago sa likod nya.
"Oh Limuel! Peter! Bakit? May ipapagawa ba kayong assignment?" tanong ko dahil dalawa sila sa mga nagpapagawa din sa akin ng mga assignments at projects na maayos naman kung magbayad
"Hay nako, B. Hindi assignment ang pakay nyan!" sabat ni Vicky na ikinakunot ng noo ko sa pagtataka
"Ano ka ba, Vicky! Minsan na nga lang pumorma tong si Limuel kay Bella eh." sagot naman sa kanya ni Peter kaya agad syang siniko ni Limuel habang inirapan naman sila ni Vicky "Ang torpe mo kasi, bigay mo na!" baling nya sa kaibigan
Dahil doon kaya muling bumaling sa akin si Limuel. Napakamot pa sya sa ulo nya bago tuluyang nilabas ang tatlong lapad ng tsokolate at nanginginig pang inabot sa akin.
"Ahhh B-Bella, para sayo. Kadadating lang kasi ng tatay ko galing sa Saudi, gusto kitang bigyan bilang pasasalamat na rin sa mga assignment na ginawa mo para sa amin ni Peter."
Gulat man pero naintindihan ko naman ang sinabi nya. Pero sa iniisip kong nais nyang iparating ay mabilis akong umiling para tanggihan ang binibigay nya.
"Hala! Di ko matatanggap yan, Limuel. Binabayaran nyo naman ng maayos ni Peter ung mga pinagawa nyo kaya ok lang." sabi ko pero nagulat ako nang mabilis na kinuha ni Vicky ung mga tsokolate sa kamay ni Limuel
BINABASA MO ANG
Natalya (La Domina #1)
General Fiction"As you can see, I have needs, worst needs. So Mayor Vasquez, do you still take me with my needs or just leave that contract like nothing happened?" -Natalya ××××××××××××××××××××××××××××××××× Maria Isabella Cruz is a selfless, forgiving and an innoc...