Daisy
Sabado ngayon at tuwing sabado at linggo ay tumutulong ako sa pwesto ni auntie sa palengke. Ito ang pinakapaborito kong ginagawa sa isang linggo dahil dito ako kumikita dahil binabayaran naman ako kahit papaano ni auntie sa dalawang araw na tinrabaho ko. Usually ay 5:30 ng umaga ako umaalis pero dahil magsi-6 na ako nagising kaya 6:30 na ako nakaalis.
Pagdating ko sa palengke ay dumiretso na ako sa pwesto namin.
"Oh Bella, late ka ngayon ah." bati sa akin ni kuya Ramon sa tindahan ng mga isda na pwesto sa harap namin
"Oo nga, Bellaring. Kanina ka pa inaantay ni Tupe." pagsang-ayon naman ni ate Tess na makakasama ko sa tindahan naman ng mga baboy at manok
Dalawa ang pwesto ni auntie sa parteng ito. Isang tindahan ng iba't-ibang klase ng isda na pinamamahalaan nina kuya Ramon at Tupe. Habang dito naman ako pumepwesto sa tindahan ng mga manok at baboy kasama si ate Tess. Tuwing wala naman ako ay sinasama nya ang anak na si Temarie na mas bata sa akin.
"May usapan kasi kami ni Tupe, ate Tess. Kayo talaga ni kuya Ramon ang issue." tugon ko na ikinatawa nila
Nag-pustahan kasi kami ni Tupe nung isang linggo na kung sino ang pinakamaraming natira sa tinda ang talo. At kung sino man ang mananalo ay manlilibre ng hapunan pag-uwi. Parehas kasi naming paborito ang mga tinda kina mang Fred na sikat na tapsilugan dito sa bayan.
Mas marami kaming naibenta ni ate Tess kaya kami ang nanalo.
Kalaunan ay dumating na si Tupe na may dalang dalawang timba ng tubig na pambalaw namin mamaya. Kasama nya sina Benjo at Carding na kapwa may mga bitbit din ng mga timba. Mga tropa sila ni Tupe na mga trabahador sa kabilang pwesto naman.
"Oh ayan na pala si Tupe! Ayieee!" pang-aasar pa ni ate Tess
Natawa naman kami ni kuya Ramon habang napabusangot naman ang mukha ni Tupe. Mas lalo pa syang nainis nang sinamahan pa nina Benjo at Carding ang pang-aasar ni ate Tess.
"Bat di mo pa kasi pormahan si Bella, Tupe? Tumatawa lang yan si Bella pero type ka rin nyan! Ayieee!" -Carding
"Oo nga! Kaya ka inaasar na Tupe'ng Torpe! Napakatorpe mo boy!" -Benjo
Nagtawanan kaming lahat.
"Manahimik nga kayo! Wala akong gusto kay Bella noh! Mga supot!" bwelta nya sa dalawa
"Gago! Torpe!" huling sigaw naman ng dalawa bago tuluyang umalis
Nang napatawa ako ay tumingin sa akin si Tupe. Inirapan nya ako pagkatapos ay nag-sign language na 'humanda ako mamaya'. Gumanti naman ako at sumagot ng 'ikaw ang humanda' sa pamamagitan din ng sign language.
Marunong kami ng appropriate na sign language na ginagamit para sa mga may kapansanan sa pagsasalita at pandinig. Natutunan ito ni Tupe sa kagustuhan na maintindihan ang nakababatang kapatid na di makapagsalita at makadinig, si Tin-Tin. At dahil may kahiyaan pa noon ang kaibigan ko kaya sinamahan ko syang matuto.
5 years old daw ako ng maaksidente ang papa ko sabi ni mama. Habang 8 years old naman ako nang mawala si mama at mapunta ako puder nina auntie Irina na nakababatang kapatid ni mama. Maganda ang trabaho ng asawa nyang si uncle Fernan na isang seaman. Lumipat sila dito sa mismong bahay namin sa Bulacan na minana ni mama sa lolo't lola ko. Sabi ni auntie ay anak din sya kaya may karapatan din sya sa bahay.
Laking pasasalamat ko na din noon nang tanggapin ako ni auntie sa kabila ng hindi nila pagkakaintindihan ni mama. Lagi kasing pinapaintindi sa akin noon ng mga magulang ko na gaano man kaliit o kalaki, gaano man kasama o kabuti ang nagawa, ay dapat matutong magpatawad.
BINABASA MO ANG
Natalya (La Domina #1)
General Fiction"As you can see, I have needs, worst needs. So Mayor Vasquez, do you still take me with my needs or just leave that contract like nothing happened?" -Natalya ××××××××××××××××××××××××××××××××× Maria Isabella Cruz is a selfless, forgiving and an innoc...