Chapter 9

10 0 0
                                    

First










"Garrick. S-san tayo pupunta?"

Nang hindi kasi ako makasagot agad sa pagbati nya ay bigla nalang nya akong hinila. Tumingin ako sa paligid. Mabuti nalang talaga ay kaunti palang ang mga tao. At kaya siguro naabutan ko syang nasa labas ng room kanina dahil wala pang tao sa room.

Hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin. Sinabi nya lang na mag-uusap kami pagkatapos ay hindi na nagdagdagan pa ang sagot na yun. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako. Nagtataka din ako sa nararamdaman dahil sa lahat ng pagkakataong kasama ko sya ay ngayon lang talaga ako kinabahan.

Napakunot ang noo ko nang mapansing papunta kami sa CR kung saan nangyari ang una naming pag-uusap dito sa loob ng school. Hindi ako pumalag dahil akala ko ay sa labas lang kami mag-uusap pero nagulat ako nang dire-diretso syang pumasok sa CR ng mga lalake kasama ako.

"A-anong ginagawa natin dito?" tanong ko nang makita syang ni-lock bigla ung pinto

Pilit kong pinapaintindi sa isip ko na hindi dapat ako kinakabahan dahil may tiwala naman ako kay Garrick at kung may gagawin syang masama sa akin ay dapat ginawa na nya noon pa man. Pero bakit parang iba sya ngayon?

Napaatras ako nang muli syang humarap sa akin. Napansin ko pa ang pagtaas ng isa nyang kilay dahil sa ginawa ko. He smirked but remain leaning against the door.

"I told you, we're going to talk."

"O-ok. Pero bakit dito?" tanong kong muli

Naiilang kasi ako dahil ngayon palang ako nakapasok sa CR ng mga lalake at ayoko ng amoy dito.

"Dahil tahimik. At for sure, walang mang-iistorbo sa atin." sagot nya habang unti-unting lumalapit sa akin na sinasabayan ko rin ng pag-atras kaya mas tumindi ang kaba ko nang maramdaman ko na ang pader sa likod ko

Nakalapit na sya at sa sobrang pakailang at kaba ko ay nanatili lang akong nakayuko. Nakita ko paglapat ng kamay nya sa pader na sinasandalan ko sa may bandang kanang bewang ko habang ung isa nyang kamay ay naramdaman kong inaalis ang ilang takas ng buhok sa mukha ko at inipit sa tenga ko.

"You're very beautiful, Bella. Kaya hindi na ako magtataka kung maraming nababaliw sayo." he said,  and I felt his breath on my neck for every word

Hindi ako makapagsalita. Nag-uumpisa na ring manginig ang buong katawan ko sa sobrang kaba. Kaya nanginginig man ay sinubukan kong ilapat ang mga kamay ko sa dibdib nya para itulak sya pero agad nyang nahuli ang mga kamay ko. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya.

"You're too pure and innocent." sabi nya nang magtama ang mga mata namin

Sinubukan kong bawiin ang mga kamay ko pero hindi nya ito pinakawalan. Naiilang at kinakabahan na ako sa ginagawa nya. Bumabangon din ang takot dahil nag-uumpisa ko na namang maalala ung masamang nangyari sa akin nang una kaming magkita.

"G-Garrick..." tanging nasabi ko habang nakatitig lamang sa mga mata nya

Hindi ko napansing may mga luha na palang tumutulo sa mga mata ko kung hindi nya lang ito pinahid nang pakawalan ang isang kamay ko. Napahinto ako sa pagpalag. Habang ginagawa nya yun ay nakatitig lang din sya sa akin ng seryoso. Tila may binabasa sa mga mata ko. Pero kalaunan ay nawala din bigla ang kaseryosohan sa mga mata nya. Napabuntong-hininga sya at ngumiti. Napapailing at unti-unting napapalitan ang ngiti ng tawa habang bahagyang lumalayo.

"Sorry. I didn't mean to make you cry. Sinusubukan lang kita."

Tumatawa sya habang sinasabi ang mga yun. Napayuko ako dahil sa sobrang kahihiyan at bahagyang pinahid ang mga luha.

Natalya (La Domina #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon