Picture
Alas sais ng umaga nang akma na akong lalabas ng kwarto na nakaligo at naka-uniporme na. Maghahanda ako ng almusal para sa buong pamilya na araw-araw kong ginagawa. Saktong pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ay naabutan ko si uncle Fernan na nakatayo at nakahawak din sa doorknob ng pinto ko na tila akma nya itong bubuksan pero naunahan ko lang.
"Uncle? " tanong ko habang nakatingin din sa akin na mukhang gulat din tulad ko "Magandang umaga po. Ano pong sadya nyo? "
Mukhang nahimasmasan naman sya at napakamot sa batok habang bahagyang natatawa.
"Hahaha! Gigisingin sana kita, iha. Pero mukhang mas nauna ka pa yatang nagising sa akin."
"Opo, uncle. Nakasanayan ko na po para hindi ma-late sa school. Bakit po? May kailangan po ba kayo?"
Nakapagkamustahan na rin kasi kami kahapon nang dumating ako galing sa school habang busy ang magkakapatid sa mga pasalubong ng tatay nila. Tinanong nya ko sa kung anong nangyayari sa buhay at pag-aaral ko pero pili lang ang mga naisagot dahil nakikinig din sa amin si auntie.
Ngumiti sya sa akin at inabot ang kamay ko.
"Oo. May ibibigay ako sayo. Hindi ko nabigay kahapon kasi alam mo naman ang mga pinsan mo baka magselos." nakangiti nyang ani pagkatapos ay hinila na ako pababa "Doon tayo sa sala."
Nauna syang maupo sa sofa at minuwestra ang kandungan nya habang nakangiti pa rin.
"Halika ka na dito, Bella. Upo ka."
Nanlaki ang mga mata ko at umiling. Hindi na rin kasi ako bata kaya nakakahiya ng kumandong pa, siguro ay nasanay lang si Uncle katulad ng dati na kinakandong nya ako tuwing inaalo kapag naaabutan nyang inaaway ako nina ate Feda at Yna. Pilit akong ngumiti para hindi sya ma-offend.
"Uhm. Di na ho, uncle. " ani ko
"Ay sorry. Hindi ka na pala bata. Pagpasensyahan mo na ang uncle mo at tumatanda na. Nakakatuwa pa naman noon nang kinakandong kita noong maliit ka pa." napakamot sya sa batok at natawa "Di bale, halika nalang at tumabi ka sa akin. May sasabihin ako sayo."
Sinunod ko sya. Lumapit ako sa sofa kung saan sya nakaupo at dahil maluwag naman kaya umupo na ako sa kanan nya.
"Kamusta ka na?" tanong nya pagkatapos ay umusod pakanan sa akin "Kinakamusta kita ulit at gusto kong tapat kang sumagot kung may problema ba dito sa bahay o sa pag-aaral mo dahil alam kong pili lang sinagot mo kahapon dahil takot ka pa rin sa auntie mo. Mabait naman ang auntie mo, may topak lang minsan."
Natawa sya.
"Ok lang naman po talaga, uncle." Naalala ko ung problema ko at sa pamilyang toh, si uncle lang ang laging nakikinig sa akin. Sa kanya ko lang din nasasabi ang mga achievements ko.
Every two years ay umuuwi si uncle at isang taon ang tinatagal nya sa Pilipinas bago bumalik muli sa barko. Pero nung umuwi si uncle one year ago para sa kasal ni ate Feda ay isang buwan lang ang tinagal nya dito at bumalik na ng barko na inabot naman ng halos tatlong taon bago sya nakauwi ngayon.
"Sa katunayan po ay candidate ako sa mga top students ng klase namin." magalang na sabi ko
Lumawak naman ang ngiti nya at inakbayan ako na medyo ikinagulat ko. "Wow! Ang galing mo talaga, Bella! Di ako nagkamaling pinayagan kitang mag-aral!"
Nawala ang pagkailang ko at napangiti sa sinabi nya. Mabait si uncle. Simula ng bata pa ako ay lagi na nya akong pinagtatanggol mula sa pananakit ni auntie. Kapag nandito rin sya ay hindi ako masyadong nauutusan ng magkakapatid dahil paniguradong sesermonan sila ni uncle.
BINABASA MO ANG
Natalya (La Domina #1)
General Fiction"As you can see, I have needs, worst needs. So Mayor Vasquez, do you still take me with my needs or just leave that contract like nothing happened?" -Natalya ××××××××××××××××××××××××××××××××× Maria Isabella Cruz is a selfless, forgiving and an innoc...