Birthday
"Oh. Pandagdag. Di man malaki pero sana makatulong."
Mula sa nililinisan kong mga paninda ay lumipat ang tingin ko sa kamay ni Tupe na may inaabot sa aking nakarolyong tig-iisang daan. Ilang segundo akong pabalik-balik ng tingin sa kanya at sa inaabot nya kaya nang mainip ay tuluyan na nyang kinuha ang kamay ko at nilagay doon ang pera.
Sandali ko muna itong tinignan sa kamay ko bago binuklat sa pagkakatupi. Nagulat ako nang makitang sampung nakarolyong isang daan yun.
"Ba't parang gulat na gulat ka? Parang ngayon lang kita pinahiram ng pera ah." kunot na kunot ang noo ni Tupe na mukhang na-offend ata sa reaksyon ko
"Tupe ano ka ba!? Isang libo tong binibitawan mo sakin! Hindi ko matatanggap toh!"
Inabot ko itong muli sa kanya pero inirapan lang ako ng magaling kong kaibigan bago tinalikuran. Pero bago pa sya makalakad palayo ay hinawakan ko na sya sa braso para pigilan.
Pinapahiram nya naman kasi ako ng pera dati pa kapag kailangan ko. Pero maliliit na halaga lang yun kaya nababayaran ko kaagad. At ang isang libong piso ay napakalaking halaga na para sa amin na maliit lang ang kinikita sa araw-araw lalo na ay may sinusuportahan at pinag-aaral pa syang kapatid.
"Hindi ko matatanggap toh, Tupe!"
"Tsk. Mas magagalit ako, Bella kapag hindi mo tinanggap yan. Tsaka may ipon ako, parte lang yan ng ipon ko para samin ni Tin-tin." ani nya
Ayoko syang magalit pero nahihiya pa rin ako. Napayuko nalang tuloy ako. "Sobrang salamat, Tupe. P-pero matagal ko pa tong maibabalik sayo. Kaya huhulog-hulugan ko nalang."
Napaiwas sya ng tingin at bumulong. "Kahit ikaw nalang sana ang mahulog."
Hindi ko naintindihan ang sinabi nya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya at naabutan syang nakaiwas ng tingin. "Huh? Anong sabi mo?"
Napalingon naman sya sa akin na medyo gulat ang expression ng mukha pero agad din yung nagbago nang kumunot na naman ang noo nya.
"W-wala! Mahulog ka sana jan! Ang bingi mo!" sagot nya pagkatapos ay tinalikuran na naman ako
Hala, galit na naman sya. Napailing ako. Daig pa ata ng kaibigan ko ang mga babae kapag may buwanang dalaw.
Pero bago pa sya makalayo ay lumingon syang muli sakin at nagsalita. "Advance birthday gift ko na din yan sayo sa sabado." aniya bago tuluyan ng naglakad paalis
Napangiti naman ako at tinawag sya pero hindi na lumingon ang suplado kong kaibigan. Natawa ako sa sarili. Kung di pa ipapaalala ni Tupe, di ko na talaga maaalala na kasabay din pala ng Valentine's Day at Valentine's Ball namin ang birthday ko.
"Mukhang pinahiram ka ni Tupe ah!" narinig kong ani ate Tess na kababalik lang
Nagmeryenda kasi sila ni kuya Ramon sandali. Ngumiti ako sa kanya.
"Nahihiya nga ako eh. Ang laki ng pinahiram nya, te." sagot ko
"Hay nako, Bellaring! Nahiya ka pa dun, eh halos ibigay na nga nun lahat sayo ng kaya nya. Hindi mo lang tinatanggap."
Napaisip ako sa sinabi ni ate Tess dahil hindi ko talaga maintindihan. "Ano pong ibig nyong sabihin, te Tess?"
Tumawa sya. "Napaka-inosente mo talaga, Bellaring! Basta makiramdam ka nalang!" aniya habang tumatawang sinusuot muli ang apron "Sya nga pala, nag-reply na ung kapatid na bakla ni Ramon na nagta-trabaho sa parlor. Napakiusapan namin na sya na ang mag-aayos sayo sa Sabado ng libre!"
BINABASA MO ANG
Natalya (La Domina #1)
Ficção Geral"As you can see, I have needs, worst needs. So Mayor Vasquez, do you still take me with my needs or just leave that contract like nothing happened?" -Natalya ××××××××××××××××××××××××××××××××× Maria Isabella Cruz is a selfless, forgiving and an innoc...