Stolen
"Bella?" rinig kong tawag sa pangalan ko nang makapasok ako ng school
Napalingon ako dito at nakita si Vicky. Suot nya ang isang kulay pink na eleganteng ball gown. Napangiti ako nang mapagmasdan sya. Napakaganda ng bestfriend ko. Habang sya naman ay nanlalaki ang mga mata habang papalapit sa akin.
"B? Maria Isabella Cruz?" pinagmasdan nya ako mula ulo hanggang paa. Tumango ako. "Wow! B, sinong nag-ayos sayo!? Hindi kita nakilala. Ang ganda-ganda mo!" sabi nya habang nakatakip pa ang kamay sa sariling bibig
Natawa ako.
"Kapatid ng asawa ni ate Tess, ung kasamahan ko sa palengke. Tsaka sobrang ganda mo din, V! Bagay na bagay sayo ung ayos mo ngayon!" masiglang sagot ko habang hinahaplos ang buhok nyang sinadyang ikulot ang dulo
"Talaga!? Hahaha! Syempre kailangan paghandaan toh." tumatawang aniya pero mamaya-maya ay nakita ko ang bakas ng lungkot at pagka-irita sa mukha nya "Kaso ung inspirasyon ko para mag-ayos ng bongga, di naman yata pupunta. Tss."
Dahil doon kaya biglang dumaan sa isip ko ung nabanggit sa akin ni Ethan kahapon. Akmang itatanong ko na sana kay Vicky ang tungkol dito nang biglang in-anunsyo na kailangan ng bumalik sa pila dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na. Kaya nagpaalam na sa akin si Vicky bago ko pa mabanggit ang tungkol sa lalakeng sinasabi ni Ethan.
Napabuntong-hininga na lamang ako at naglakad na rin patungo sa pwesto ko. Hindi naman din ako nahirapang hanapin ang partner ko sa gitna ng dagat ng mga estudyante dahil bago pa ako makalapit sa kanya, ay may grupo na ng kababaihan ang naaktuhan kong paalis galing sa pagpapa-picture kasama sya. Classmates nya yata ang iba doon dahil nakita ko si Yna na isa sa grupo. Nang makaalis ako ay tsaka ako lumapit sa kanya.
"Bella?" tila manghang tanong nya
Ngumiti naman ako at pabirong tinapik sya sa braso. "Ikaw ah! Ang dami mo palang fans. Kapag sumikat ka, wag kang makakalimot ah!" pabirong ani ko na ikinangiti nya
"Ikaw pa ba, makakalimutan ko?"
Napatawa nalang kami parehas pagkatapos ay sinaktuhan na ng pagsisimula ng event.
Naging maganda at matagumpay naman ang naging takbo ng buong ball katulad nang napag-praktisan noong mga nakaraang araw. Naging masaya din ako at hindi pinagsisihang kahit papaano ay naranasan ko ito sa tanang buhay ko.
Nang matapos ang pormal na sayawan ay nagtuloy-tuloy na ang pagpapatugtog ng iba't-ibang genre ng kanta. Kaya hindi na napigilan pa ang mga estudyante na magkasiyahan lalo na sa parte ng event na pinakahihintay nila.
Sa sobrang pagod ko sa pakikipagsayaw kahit na naka-flat shoes lang ako ay hindi ko na napagbigyan pa ang ilang kakilala na maisayaw ako. Nakaka-guilty rin silang tanggihan lalo na't sobrang bait nilang mag-approach sa akin. Kaya para maiwasan na ang mga ito dahil sumasakit na rin ang mga paa ko ay minabuti kong umalis muna sa quadrangle kung saan ginaganap ang ball.
Medyo malaki ang school namin kaya kasyang-kasya sa malawak na quadrangle namin ang lahat ng estudyante na sumali ng ball. Mabilis akong kumilos at naglakad na patungo sa likod ng isang building na nasa tabi lang ng quadrangle at sa likod ng building na yon makikita ang maliit na playground na madalas pinupuntahan ng mga pre-school at elementary students ng school namin.
Medyo rinig pa naman dito ang music at ingay galing sa ball. Minabuti kong dito nalang magpahinga dahil malapit lamang ito sa venue at para alam ko kung sakaling kailangan ko ng umuwi. Bawal pa kasing umuwi hangga't hindi pa tapos ang event para na rin sa seguridad ng mga estudyante.
Umupo ako sa isa sa mga swing at tinanggal pansamantala ang mga sapatos na suot.
"Hayy salamat."
Napangiti ako nang sa wakas ay medyo guminhawa ang nararamdaman ng mga paa ko. Medyo maliit na din kasi ang suot kong sapatos dahil pinaglumaan ko na ito at wala akong choice kundi ito ang isuot dahil ito lang ang sapatos kong babagay sa suot. Bukod kasi dito, ay tanging sapatos pang-school at tsinelas lang ang meron ako.
BINABASA MO ANG
Natalya (La Domina #1)
General Fiction"As you can see, I have needs, worst needs. So Mayor Vasquez, do you still take me with my needs or just leave that contract like nothing happened?" -Natalya ××××××××××××××××××××××××××××××××× Maria Isabella Cruz is a selfless, forgiving and an innoc...