May isang pamilya na nakatira sa baryo Kuliglib kung saan ay pinaliligiran ito ng mga malalaking puno na matatawag na liblib na lugar at nababalutan ng tunog ng kuliglig na napakaingay na animo'y may ipinaparating sa kung sino man ang bago sa lugar na iyon.
Ang pamilyang ito ay binubuo nina Alberto, Maria at ang kanilang bagong silang na anak na si Pina. Doon rin nakatira ang iba pang angkan ni Alberto ngunit medyo may kalayuan sa kanilang tahanan.
Si Maria ay nagmula sa siyudad at may mayayamang magulang, subalit dahil sa pagmamahal niya sa kanyang asawa sumama siya rito. Nasanay na rin ito sa lugar na iyon at natututo ng mga malalalim na Tagalog subalit hindi pa rin niyang makalimutan kung paano mag-English.
Napakasaya nilang namumuhay sa lugar na iyon. Wala na silang mahihiling pa dahil kahit napakasimple lang ng kanilang buhay, animo'y napakayaman na nila dahil sa pagmamahal.
"Mahal ko, alam mo bang ng una pa lang kitang nakita alam kong ikaw na ang buko na hinahanap ko." bungad na sabi ni Alberto habang yakap-yakap siya kay Maria.
"Hindi ko maintindihan ang gusto mong ipabatid sa akin mahal ko. Paano ako naging buko eh tao ako at alam kong nagbubukid ka ng bukohan subalit paano ako ang naging buko mo. Ang ibig mo bang sabihin dahil bilugan ako?" may medyo galit sa tono nito at may mukhang naguguluhan na sabi nito.
"Hindi iyon ang gusto kong ipabatid mahal ko. Ang sinasabi ko lang na ikaw ang BUhay KO." namumulang sabi ni Alberto.
"Ay susko. Ako'y lubha mong pinasaya mahal ko. Mahal na mahal kita pati na rin ang anak nating si Pina." magkayakap sila at pinagmamasdan ang batang natutulog sa kanyang higaan.
"Alam mo ba mahal naalala ko noong may una akong niligawan bago ikaw."
"Oh ano naman ang patungkol roon?" nakakunot na tanong ni Maria.
Napatawa naman si Alberto sa mukha ni Maria na halatang nagseselos agad ito. "Naalala ko lamang ng siya'y aking igapos sa niyog."
"Ay dyusko ka Berto. Bakit mo naman ginawa ang bagay na iyon?"
"Makinig ka muna Maria. Ang dahilan ko kasi kaya ko siya iginapos noon ay dahil sa mga bagay niyang hinihiling sa akin. Akalain mo ba namang ipalangoy sa akin ang buong karagatan, ipaakyat ang napakataas na bundok ng nakapaa at ipasungkit ang mga bituin para raw sa kanya." tumatawa namang sabi ni Alberto. "Alam mo ba kung ano ang sinabi ko sa kanya. Aba ika'y aking igagapos dahil ikaw luka."
Napahalakhak naman si Maria sa sinabi ng asawa.
"Ay mahal labis naman ang kahilingan niyang iyon ay nararapat lamang na igapos mo siya dahil kahit sinong nilalang ay ikamamatay kung gagawin iyon."
Iyan ang usapan nila sa araw-araw. Hindi mawawalan ng tawanan at halakhakan. Napakasaya nilang pamilya subalit mayroong nangyari na hindi nila inaasahan.
Inataki sa puso si Alberto dahil sa sobrang kapaguran at pagpipilit sa sariling matustusan ang pangangailangan ng kaniyang mag-ina. Gumuho ang mundo ni Maria at labis na paghihinagpis ang kanyang nararanasan.
Dumaan ang mga araw at nailibing na rin si Alberto. Halos mawalan na ng tubig ang katawan ni Maria sa kadahilanang walang tigil ang luhang dumadaloy sa kanyang mata.
"Alberto, sino na ang magtataguyod sa amin ng iyong anak? Sino na lang ang magpapangiti sa akin sa araw-araw? Alberto bumalik ka na." umiiyak na sabi ni Maria habang yakap-yakap ang litrato nito.
Dahil sa kanyang paghihinagpis, naisipan niyang halungkatin ang mga libro ng kanyang lola ni Albertong albularyo na yumao na. Humanap siya ng impormasyon patungkol sa muling pagbuhay ng mga patay. At dahil dito, nakalimutan na niyang alagaan ang kanyang anak. Pinabayaan niya ito at hindi inintindi. Naging sanhi ito para magkasakit ang batang si Pina.