Subrang bilis ng panahon kapag masaya at in love ka. For the past few weeks ay bumalik na ang fire ko sa pagsisilbi sa Dios.
Lagi na akong uma-attend ng cell group, fellowship, corporate prayer at active na ako sa Devotional life ko. I take everything seriously dahil gusto ko na ma-save hindi lang si Elizer, pati narin sina Russel at Jona. Last week nga ay sumama ako kay Ate Aya sa pag s-soul win sa iba pang apartment at boarding houses malapit lang sa ISU.
The only thing na nababahala ako ay kay Jona at Russel. Ang dalawang 'yon na hindi ko alam kung anong pinag-awayan dahil hanggang ngayon ay hindi parin pinapansin ang isat-isa. Hindi ko na alam, ayaw naman nilang magsabi saakin ng problema. Tulad ngayon na nakita ko si Jona, mag-isa sa isang sulok ng room.
"Jona. Ayos kalang? Parang ang tamlay mo." Nag-aalala kong sabi sakan'ya.
"Sira." Ngumiti s'ya saakin. Pero alam ko namang peke iyon. Hindi umabot sa mga mata n'ya.
"Ayos lang ako. Hindi lang ako nakatulog kagabi kasi...nagbasa ako ng libro."I bit my lower lip. She's lying. Hindi s'ya mahilig magbasa ng libro.
"Kamusta pala kayo ni Elizer?"
"Ayos lang. He's still the same sweet, caring and childish Elizer na kilala ko. Wala namang nagbago." Ngumiti ako sakan'ya.
"Mabuti 'yan. Masaya ako para sa'yo."
Hindi ko alam kung na malik-mata lang ba ako o may nakita talaga akong namumuong luha sa mga mata n'ya.
Magtatanong pa sana ako kung anong nangyayari pero tinawag na ako ng kasama ko sa film showing namin.
"Bakit?"
"Last two scenes nalang. Sa wakas."
Nakahinga rin ako ng maluwag. Ilang weeks din kaming nag shoot sa kung saan-saan around the campus para sa film namin. Pumunta pa nga kami sa swimming pool para lang dito.
"Sabina itong scene na 'to is kissing scene. Ayos lang ba sa'yo?"
"Huh?" Tinignan ko ang script. Tama nga at kissing scene ang nakalagay doon, ngayon ko lang din nabasa.
"Ano...hindi ba pweding palitan to?"I mean, normal lang naman sa mga artista ang mga kissing scene pero una sa lahat hindi kami artista, saka may boyfriend ako.
Nasabi ko kay Elizer na may film kami ay ako ang iba pero hindi ko naman nasabi na si Elijah ang pares ko.
Baka kasi magselos.
"Hindi pwede, Sab. Wala kasing intimate scene ninyo ni Pres eh, ito na nga lang, sa last part na."
"What's happening here?" Dumating si Elijah at Ira galing sa office ni ma'am. They're both officers sa classroom namin.
"Eh Pres, 'yong last scene kasi sa film natin, kissing scene nyo ni Sab." Ani Jaja.
Kumunot naman ang noo ni Pres saka kinuha sakan'ya ang script.
"Well..." Inayos nito ang salamin.
"If Sabina's not comfortable, we can change it.""Wait...No!" Pumagitna saamin si Ira.
"Kaylangan natin ng scene na 'to. Saka hello, hindi naman necessary na maglapat ang mga labi nyo." Bumaling s'ya kay Pres.
"You'll use your thumb. Hahawakan mo 'yong mukha ni Sabina tapos 'yong thumb mo ang e-cover mo sa lips nya. Don lalapat ang labi mo."Tumingin lang ako kay Elijah, naghihintay kung anong susunod n'yang sasabihin.
"What do you think, Pres?"
He shrugged. "Kung anong gusto ng grupo at ni Sabina, 'yon lang."
Sa huli ay pinilit nila ako kaya naman ay napapayag ako. Basta sinabi ko lang sakanila na gawin 'yong sinabi ni Ira.
Mamayang hapon nanaman ang shooting namin, si Ira, Jaja at Pres ang director at author ng film namin habang si Kobe ang editor. At ako, ito bukod sa pag-acting ay wala na akong masyadong ambag.
YOU ARE READING
Unequally Yoked (Series 1)
EspiritualLiving Stone of Jesus' Ministries #1 Mapagmahal na pamilya, supportive na mga kaibigan at spiritual family na gagabayan ka. Lucky? No... Sabina Enriquez is more than that. She is blessed. Napaka-blessed n'ya dahil alam n'yang ang mga taong 'to ay bi...