"Jesus, what did I do?!"
I gulped. Umaga na ng mahimasmasan si Saniyah sa pinaggagawa n'ya kagabi.
Hindi muna kami pumasok para samahan s'ya lalo na ngayon dahil umiiyak nanaman s'ya. This time ay alam kong hindi na 'yon tungkol sa ex n'ya. Umiiyak s'ya dahil bumalik na s'ya sa katinuan at naalala ang mga nangyari kagabi. Hindi s'ya nun paawat dahil gusto n'ya na maglasing talaga.
"Ito, sopas. Kaylangan n'ya ito." Dumating si Jona dala-dala ang sopas na ginawa n'ya. Buti nalang at sana'y s'yang magkaroon ng hangover kaya alam n'ya rin ang treatment nito.
"Thank you, Jona. Upo kana."
Bumuntong-hininga ako saka tinignan si Saniyah.
"B-bakit ko 'yon nagawa? Bakit ako uminom? Nalasing ako..." Nag-iwas ako ng tingin dahil sa paghikbi n'ya.
Parang... natatakot narin ako. Saniyah is a strong woman, pero habang nakikita ko s'ya ngayon na umiiyak at nalasing dahil sa isang lalaki...parang may kung anong kaba ang dumapo saakin.
Hindi ko kakayanin kung...kami ni Elizer ang maghiwalay. Ayoko, ayokong mangyari 'yon.
"Mau..."
"Saniyah." Lumapit sakan'ya si Maurene.
"Anong kaylangan mo?""Please... dalhin mo'ko sa simbahan. Ayoko dito, dalhin mo'ko kina Pastor."
Naiiyak akong tinulungan si Maurene sa pag-alalay kay Saniyah.
Dinala namin s'ya sa simbahan, kasama namin si Dani ngayon habang si Sky ay naiwan sa Apartment kasama si Jona para maglinis.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko nang yakapin ni Pastora si Saniyah. She was crying and sobbing at para itong batang nagsusumbong sa magulang.
"Sabina." I looked at Maurene beside me.
"Mau."
"Ngayon na ang oras para sabihin mo sa boyfriend mo na isa kang disciple. Na si Jesus ang priority mo at hindi s'ya."
Hinarap n'ya ako, subrang seryoso ang mukha at halatang nasasaktan para kay Saniyah."Tell Elizer that you want a man who will guide you to get closer to God. I-OVE mo o ipaintindi mo. Ikaw na bahala."
Napabuga ako ng hangin. Parati ko nalang sinasabi na kaylangan kong i-win si Elizer pero hindi naman ako kumikilos dahil... natatakot ako sa magiging reaction n'ya.
"You always included him in your prayers right?"
"Oo, Mau." Tumango ako.
"You pulled down every spirit na nakakapit sakan'ya?" Muli akong tumango.
"Then he's ready, Sabina." Hinawakan n'ya ang kamay ko.
"Don't be afraid. The Holy Spirit is with you.""Paano kung..." I gulped. "Kung..."
"Sabina, anong sabi ni Pastor? Wag kang negative dahil mag ma-manifest talaga kung 'yan ang iisipin at sasabihin mo."
"Pero..." Yumuko ako. Natatakot ako.
"Kung anong man ang mangyari. Always remember na may uuwian ka."
Nang sabihin 'yon ni Maurene ay hindi na ako mapakali.
Pinalipas ko pa ang isang linggo, sinabayan ko ang prayer ko ng fasting.
Oo, nag fasting ako para sakan'ya.
Natatakot ako sa magiging reaction n'ya.
Natatakot ako sa mga sasabihin n'ya.
Natatakot ako na baka mag-iba ang tingin n'ya saakin.Pero tama si Dani, darating din naman sa puntong sasabihin ko kay Elizer, bakit ko pa papatagalin?
YOU ARE READING
Unequally Yoked (Series 1)
SpiritualLiving Stone of Jesus' Ministries #1 Mapagmahal na pamilya, supportive na mga kaibigan at spiritual family na gagabayan ka. Lucky? No... Sabina Enriquez is more than that. She is blessed. Napaka-blessed n'ya dahil alam n'yang ang mga taong 'to ay bi...