Chapter 7

54 5 3
                                    

"Raine mag-usap naman tayo please"

"Lash pwede ba wala ako sa mood"

"Ano bang problema mo?"

"Ano yung problema ko?" kumuha ako ng lakas"Lash ikaw yung problema!"

"Hindi ko naiintindihan Raine"

"Matagal na kitang gusto di mo ba napapansin?"

"Oh Raine bat"

"Pwede ba Lash layuan mo nalang ako"

"Raine wag mong gawin sakin to"

"At bat naman? Masyado nakong nasasaktan"

"Kasi matagal na din kitang gusto Raine" natigilan ako sa sinabi niya. "Raine will you be my girlfriend?" Di na siya nagpasikot sikot pa at inangkin na niya ang mga labi ko. Napapikit nalang ako s ginawa niya. Napalatamis ng mga halik niya at nararamdaman kong natatamisan rin siya.

Tinanggal na niya ang mga labi niya sa labi ko.Unti unti kong binubuka ng mga mata hanggang nagulat nalang ako

"Hi sweetheart"

Unti unti kong minumulat ang mga mata ko at napakasakit ng ulo ko. "Fuck!" habang minamasahe. Panaginip lang pala lahat. Nasa labi ko na ang mga labi ni Lash pero bat ganun? Nakakapagtaka dahil biglang lumitaw ang mukha nang lalaking yun sa panaginip ko? At ang nakakapagtaka ay kung nasaan ako ngayon.

"FUCK nasan ako?" Pano kung nakidnapped ako? Di na ba ako makakapag-aral? Napakaganda ng lugar ng bahay nato para sa isang bihag na tulad ko. Kanina ko pa pinagmamasdan ang silid at napatigil nalang ako nung nakita ko ang mga damit ko kagabi na nakasampay sa doorknob ng kwarto. Nagulat nalang ako dahil wala manlang ako kahit saplot.

Nanginginig ako sa sobrang takot. "Anong nangyari?" Wala nakong maalala dahil nilamon ako ng kalasingan kagabi. Ganun bako kalasing at diko na alam ang nangyari? Napakasakit ng ulo ko at wala nakong magagawa dahil ginusto ko naman. Bumangon ako sa pagkakaupo sa kama at pinalibot sa akin ang kumot na siyang tumatakip sa aking katawan.

Pumunta ako sa malaking window glass at laking gulat ko dahil nasa mataas ako ng building na halos makita mo na ang buong syodad.

Where am I?

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at para na akong statue sa kawalan.

"You're awake"

That voice! Pamilyar sakin yun. No it can be!

Humarap ako sa pinaggagalingan ng boses at tumingin ako sa mga mata niya. Yung mga matang ulit yun, my eyes dropped to his kissable lips and starts to admire him and down to his abs. Napakagwapo naman ng lalaking to. Wala siyang suot pantaas at mapapalamon ka nalang talaga sa mga pandesal nito. Basa ang mga buhok nito dahil siguro naligo ito kanina. There was a smile on his face dahil napansin ata nito na kanina ko pa siya pinagmamasdan.

Humakbang siya papalapit sakin at wala akong ginawa kundi hintayin nalang siya. Bat siya andito?

Habang hawak hawak parin na nakapalibot ang kumot sa akin bigla ko nalang inisip kung bat ako andito, kung bat wala nakong saplot? May nangyari ba?

Huminto siya sa harapan ko. "Breakfast?"

"Ha-hah? Ba-bat?" Pautal utal Kong pagkakasabi. Napakahot niya ngayon shit!

"Masakit paba ang ulo mo?"

"Hi-hindi na" diko mapigilan ang di mapakali. Dali dali kong kinuha ang mga damit ko na nakasabit sa door knob.

Lumapit siya sakin."Where are you going?"

Akmang aalis nako pero hinila niya ako palapit sa kanya. Dumako ang mga kamay ko sa dibdib nito at nararamdaman ko ang pagtibok ng kanyanh puso.

Inalis ko bigla ang mga kamay sa dibdib niya ng mabilis. Dahil sa kilos na ginawa ko, until unting bumababa ang kumot na napakalibot sa akin.

"Ahm shit" hihilahin ko na sana pero inunahan niya ko at siya mismo ang humila nito. Buti nalang at di ito nahulog.

Ngumiti siya."That was close"

Inilayo ko ang sarili ko sakanya
"Bat ako andito?"

Binuksan niya ang closet niya at kumuha ng towel. "You were drunk remember?"

Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Lasing talaga ako at ang mas malala may nabunggo akong sasakyan.

"Anong ginawa mo sakin?"

He chuckled."Masyado ka atang lasing kagabe that's why di mo alam ginawa natin" naglalakad na naman siya palapit sa akin habang pinupunasan ang buhok nito.

"A-anong?" Pinagkrus ko mga kamay ko na parang tinatakpan ang mga dibdib ko. "Wag mong sabihing?"

Ngumiti siya, at unti unti itong nawawala dahil parang nagseryoso ito at napapaatras nalang ako sa paglapit niya hanggang sa napasandal ako sa dingding. Nilagay nito ang dalawa nitong kamay sa ding ding para matrap ako.

Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Napakagwapo niya, napakabango at napakahot. Tumigil ka Raine.

"Relax sweetheart, wala akong ginawa sayo, I just removed your clothes and cleaned you that's all"

Hinubaran ba niya ko? Wala pang nakakagawa nun bukod sakin.

"Dress up, kakain pa tayo". Tinalikuran na niya ko at binuksan ang pintuan.

Kinapo ang dibdib."Anong nangyayari?" Bat ako nagkakaganito? Bakit gustong gusto ko kapag napakalapit niya sakin? Raine. Stop.

Mabilis kong isinuot ang mga damit ko. I'm wearing a red strapless dress, above the knee ito kay medyo maiilang ako pag haharap ako sakanya para kumain. Pagkatapos ng nangyari sainyo haharap kapa sakanya?

Namula ang mga pisngi ko dahil naaalala ko ang embarrassment na ginawa ko kagabi. Siya mismo ang naghubad sa mga damit ko, napakaawkward naman kung kaya ko pang humarap sakanya.

Pero nagugutom nako, di ako kumain kagabi,  at mas lalo pakong papayat pag di na naman ako kakain. Kahit ayaw kong humarap sakanya, wala akong magagawa dahil mamamatay naman ako sa gutom.

Lumabas ako sa kwarto, napakalaki ng condo, mga mamahaling frames, furnitures, at mga chandeliers. Gaano ba kayaman ang lalaking to?

Hinanap ko ang kusina, at hanggang sa may maamoy ako ng napakasarap dahilan para sundan ko ang amoy.

And then nakita kona ang lalaki, he is topless and wearing a sweatpants. My eyes settled on his muscles, gosh bat ba napakahot. Nandun parin ako nakatitig sa mga muscles niya hanggang bumaba ng mga mata ko sa
Pwet. Hot

"Are you just going to stare me like that?" He chuckled.

Humarap siya sakin habang hawak hawak ang nakaplatong pancakes. Mukhang nagluluto ito.

Then pinagtitigan niya ko ng madilim. He stepped closer to me hanggang ito naman ako, walang balak umatras, gustong gusto ko kapag napakalapit niya sakin. Diko alam pero dahil narin siguro ganun siya makatitig sa unang pagkikita namin sa beach.

Napakagwapo naman niya. He is topless kaya naman dahan dahan kong pinagmamasdan ang mga pandesal nito. Wala nakong pakialam kung nakikita na niya kong pinagmamasdan ang mga abs nito,  basta ang akin kilangan kong makita kung gaano kaattractive ang lalaking to.

"Eyes on here sweetheart". And with that I'm back to reality. Diko alam kung anong nangyayari sa akin pero isa lang ang alam ko, this guy is gorgeous and sexy.

Binalik ko ang pagkakatitig sakanya. "Ahm ba-bat ako andito?"

He smiled."Let's eat first". Ipanatong niya ang pancake na dala sa counter at dun ko lang napansin na madami pala siyang niluto. Bacon, fried eggs, hotdogs, and the pancakes.

At dun nagtatapos. Yeah Chapter 7 pero ang sipag mo paring basahin. Thank you guys💞❤️ sana tuloy tuloy. Atsaka sa grammar aysus HAHAHA di ako masyadong magaleng sa grammar na yan but my readers are very smart naman kaya alam na nila kung ano yung mga point ko dun hehehe Abs pala hah? Loveyouall 💞🙈

The Cop Who Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon