PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League of Angels
AiTenshi
Dec 10, 2019
YEAR 2030
Ito ang unang pag kakataon na nakita kong namula ng husto ng kalangitan, ang hangin ay may halong iyak ng kung anong nakakatakot na nilalang na nag mumula kung saan. Tumatama ang kidlat sa lupa at nag dudulot ito ng pag malalakas na pag sabog, batid kong hindi ito ordinaryong kidlat dahil kulay berde ito imbis na kulay na dilaw. Walang katapusan ang pag yanig at pag buka ng lupa, umaangat ang mga lava sa pinaka kailaliman nito. At sa isang kisap mata ang lahat ay sumabog at unti unting nabura. Ito ang pag huhukom ng mga Diyos gamit ang kanilang kapangyarihan.
Malakas ang hangin noong mga oras na iyon, nililipad ang aking bandana sa bewang habang nag aapoy ang aking buong katawan. Sa aking tabi ay sina Jorel na nakatanaw sa pinaka itaas ng kalangitan habang nag liliwanag ang kanyang itim na kalasag. Si Nai na may hawak na dalawang malaking baril at si Ace na kinakalkula ang masamang atmospera ng mundo..
Lahat ay nakatayo sa isang mataas na gusali habang pinag mamasdan ang unti unting pag kasira ng mundo. "Ang pinakamalakas na enehiya ay nag mumula sa Sirius, ang pinaka maliwanag na bituin sa kalangitan na may distansiyang 8.611 light years. Mayroon ring dalawang pwersang nag mumula sa mga bituing Canopus na may 309.8 light years at Arcturus na may 36.66 light years. Ang dalawa pwersa ay malabo, hindi ko mahanap ngunit batid kong nasa paligid lang ito." ang wika ni Ace habang nag liliwanag ang kanyang salamin sa mata na may mga lumalabas na data.
"Kung ganoon ay ako na ang bahala sa pwersa nasa Sirius. Nardo at Nai kayo na ang bahala sa Dalawa pang pwersa." ang wika ni Jorel.
Tango ang aking isinagot sa kanya. Ganoon rin si Nai na ang liwanag likuran at lumabas ang kanyang pakpak..
Palipad na sana kami noong biglang may kung anong liwanag ang lumabas sa gilid ng gusali. Isa portal na kulay pula at nag liliyab ng husto. Dito ay lumabas ang isang malakas na pwersang hindi pamilyar sa amin. Kasabay nito ang pag lakad ng isang lalaking may kapa na yari sa tubig, nakasuot ng pinag halong berde at asul na kalasag. May hawak na sibat na may tatlong tulis.
Lumakad ang lalaking iyon sa amin at nag liwanag rin ang kanyang katawan. Tumingin siya sa amin at batid namin na ito ay kanyang pag bati kaya naman tumango kami bilang sukli. Matagal ko nang naririnig kay Gun na may isa pang taga pag ligtas na hinubog ng karagatan batid ko siya ang tinutukoy nito.
Patuloy pa rin ang pag yanig ng paligid..
Halos nasira ang lahat at kakaunting buhay na lamang ang natitira sa planeta. Kung mag papatuloy ito ay halos wala nang matitira dito. Kailangan na itong pigilan bago pa mabura ang lahat..
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
FantasyAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...