Kabanata VII

10 0 0
                                    

"Wag mo masyadong isipin ang bukas, isipin mo ang ngayon. Dahil ang bukas dadating din yan, itulog mo lang."

–zjampanget


Glaidyl's POV

Ikalawang araw ng klase. Medyo nakakatamad. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi. Iniisip ko yung mga sinabi ni Jonathan sa akin. Is that their way para resbakan ako sa pagbangga ko daw kay Emily? So lame.

Nagbreakfast kami ng mga kaibigan ko sa cafeteria sa baba ng dorm. Pinagtitinginan parin kami pero wala akong pakialam. Bahala silang tumingin at magbulungan.

Unang subject namin ngayon ay Hebology. Ano to? Pwede namang Botany, bakit Herbology pa? Ang dami nilang arte ha.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa room namin. Same room pa rin gaya nung sa History class kahapon. Sa fourth floor parin.

Pagdating namin doon sa room ay umupo ulit kami doon sa pwesto namin. Konti pa lang ang nandoon dahil medyo maaga pa naman.

Maya – maya lang ay dumating ang halos lahat ng kaklase namin. Nagsusulat lang ako ng kung anu – ano sa notebook ko at hindi pinansin ang ingay ng silid. Hanggang sa mas lalo pa itong umingay.

Kaya naman pala. Pumasok lang naman ang the Prime. Anim sila, kasama na doon si Kenneth. Bigla akong napatingin sa kanila at nahagip ng mata ko na nakatingin din si Kenneth sa gawi namin.

Hindi ko siya pinansin bagkus ay lumipat ang tingin ko kay Jonathan na nakatingin din sa akin. Iniwas ko bigla ang aking tingin at nagfocus na lang sa walang kwentang sinusulat ko.

Maya – maya pa ay dumating na ang aming guro. Babae siya na medyo may katandaan na. Bigla namang tumayo ang lahat at bumati.

"Good morning Master Elsa." Bati nilang lahat.

"Good morning. You may take your seat." At umupo naman kami. "I will give you an activity today. You will group yourselves with five members. Simple lang ang gagawin niyo. Nakasulat dito sa papel ang iba't – ibang klase ng halaman. Kung anong halaman ang mapipili niyo ay hahanapin niyo ang kahulugan nito, usage, origin at kung ano pang related sa halaman na ito. Now kayo nang bahala ang pumili ng magiging kagrupo niyo." Unang araw pa lang ng klase namin sa kanya activity agad. Nice ka po.

Paano to? Apat lang kami. Kailangan pa namin ng isang miyembro. Inikot ko ang aking paningin para tingnan kong sino yung wala pang kagrupo at mukhang lahat na sila meron.

Napunta ang paningin ko sa likurang bahagi ng silid. Nandoon ang the Prime at anim sila. May isa pang walang kagrupo sa kanila.

Napako ang paningin ko kay Jonathan. Nakatingin din siya sa akin. Kinausap niya yung naka chestnut brown ang buhok. Ilang sandali pa ay tumingin ulit siya sa akin at akmang lalapit ng biglang pinigilan siya ni Kenneth at kinausap.

Pagkatapos nun, ayun, kagrupo na namin si Kenneth. Ok na siguro to? At least kilala namin yung isa pa naming kagrupo. Pero panigurado, issue na naman to.

Kinuha na namin ang papel kay Master Elsa at pumunta na ng library to do our research. Tiningnan ko ang papel at shit hindi ko mabasa yung nakasulat.

"Ano tong nakasulat dito?!" Tanong ko kay Kenneth.

"You can't read it of course. You're not from here. That's an old way of writing. It reads as 'twin – headed flower'." Sagot niya.

"What?" Naguguluhang tanong ko.

"Malalaman mo rin mamaya." Hindi ko na siya sinagot pa.

Papunta kaming library ngayon at kasabay ko si Kenneth sa paglalakad samantalang yung tatlo ay nauuna sa amin. Mayroon akong naisip at tinanong ko yun kay Kenneth.

Juvelynaticsxz High: The Lost TribesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon