Kabanata X

9 0 0
                                    

"Maybe the reason we go back to our old path is that we're afraid of better opportunities"

–Water Boyy (The Series)


Glaidyl's POV

Naalimpungatan ako sa ingay sa labas. Bigla akong napabangon at nakita ang mga kaibigan kong tulog pa. tiningnan ko ang orasan at mag – aalas singko na.

Bumangon ako at nagtungo sa banyo para magtoothbrush. Parang hotel naman itong bahay na to, may palibre ng gamit.

After kong magtoothbrush ay lumabas ako ng kwarto. Nagkakagulo ang mga kasambahay. Nakapantulog parin ako.

"Ano pong nangyayari?" Tanong ko sa isang kasambahay.

"May Void attack po sa gubat. Malapit po dito sa kastilyo." Natatarantang sagot nung kasambahay at tuluyang na siyang naglakad paalis.

Pumasok ulit ako sa kwarto at ginising ang mga kasama ko.

"Girls, gising! Kailangan na nating umalis. Ngayon na!" Sabi ko sa kanila. Kinakabahan na ako.

Agad naman silang bumangon kahit naguguluhan pa sila. Kailangan naming makaalis dito as soon as possible.

"Ano bang problema? Ba't parang hindi ka mapakali?" Tanong sa akin ni Mavhie.

"Nagkakagulo sa labas. May namataang Void sa gubat. Magbihis na kayo at aalis na tayo ngayon din." Matigas na utos ko sa kanila.

Agad naman nilang sinunod at nagbihis na sila. Nakabihis na din naman na ako.

Lumabas kami ng silid at bumaba ng hagdan. Nakita ko na naman yung kasambahay na pinagtanungan ko kanina.

"Ahmm ate, saan po ba ang kwarto ng mga lalaking kasama po namin?" Tanong ko sa kanya.

"Nako ma'am, nasa gubat po sila ehh. Tumulong po sa mga kawal." Sagot nung kasambahay. Naloko na. Paano kami makakauwi?

Lumabas ako ng mansiyon at hinanap kung saan banda ang gubat. Nasa kaliwang bahagi ito. Sa labas ng gate.

Gusto ko sanang lumabas at pumunta sa gubat kaso pinigilan ako nung tatlo at hinarangan naman kami ng mga kawal ng kastilyo. Wala na din akong nagawa.

Bumalik kami sa loob at wala parin ang apat na lalaki. Hinintay na lang namin sila sa living area.

Ilang oras ang lumipas at wala parin sila. Magtatanghali na at nandito parin kami. Late na kami sa klase. At kinakabahan na din ako.

Tanghali na at wala pa rin ang Prime. Alam kong malalakas sila pero hindi parin mawala ang kaba ko. I hope they're okay.

Inaya na kami ng mga kasambahay na kumain pero wala akong gana. Hindi ako mapakali. Maya maya lang ay may kaguluhan na sa labas.

Lumabas ako at sumunod naman yung tatlo. Maraming tao sa bandang gilid ng kastilyo. Mga kawal. Pumunta ako doon para mang usisa.

There I saw the Prime. Mukhang napalaban talaga sila. Mukha silang pagod na pagod. Buti hindi naman sila napuruhan.

"What happened?" Tanong ko kay Jonathan.

"There's a Void sighted near the forest." Sagot niya naman.

"Did you get them?" Kinakabahang tanong naman ni Pearl.

"We get rid of them. You don't have to worry." Pag – aassure naman ni Ethan.

"Is it safe to travel? Kasi kailangan na nating bumalik sa school." Sabi ko naman.

Juvelynaticsxz High: The Lost TribesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon