Chapter 35

2.6K 102 20
                                    

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Summer nang makita niya si Alex at ang babaeng sa tingin niya ay si May na nakahawak pa sa braso nito, at pa tawa-tawa pa. Pero kung kanina ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig, ngayon naman ay parang inaaapuyan siya.
     Bwisit talaga itong Alex na ito! Pagkatapos siyang halikan kagabi? May isasama na ibang babae rito? Ano ba tingin nito sa sarili niya na pagkakaguluhan namin siya? Huh, hindi! Hinding-hindi niya gagawin ang sinabi nito. Hinding-hindi siya magmamakaawa para lang mahalin nito. Mga bwisit! Dito pa nakuha na maglampungan sa site? Oras ng trabaho? Ang galit na sabi ni Summer sa sarili.
    She tried to be professional, pero itong malanding lalaki na ito ay nakuha pang magdala ng babae sa site at makipaglampungan sa oras ng trabaho.
    Huh, kung sa tingin nito ay maaapektuhan siya, sorry na lang ang galit na sabi ni Summer sa sarili.
    She walked passed them, without even glancing sa dalawang naglalandian sa harapan niya, at hindi na sana niya ito papansinin pero kailangan pa talaga nilang harangan ang kanyang dadaanan.
    “Oh, Engineer Bisset!” ang masayang bati ni Alex sa kanya habang nakahawak ang babae sa braso nito.
    Summer gritted her teeth, “hello” ang pilit na bati ni Summer sa dalawa.
    “Engineer I want you to meet May” ang masayang pagpapakilala ni Alex sa babaeng kasama nito.
    “May?” ang tanong niya at nagtaas pa siya ng kilay.
    “May” ang pagpapakilala ng babae sabay abot ng kamay nito sa kanya. Tiningnan lang iyun ni Summer and she addressed Alex.
    “I’m sorry but I don’t remember any May on the list” ang sabi niya kay Alex at hindi niya inabot ang kamay ng babae for a handshake.
     “List?” ang takang tanong ni Alex sa kanya and that moment gusto niyang sampalin ang nakangiting mukha nito.
    “Don’t play dumb engineer Carpio, was she a volunteer? A benefactor? An engineer? A crew from City Hall? An electrician? Or even a delivery man?” ang inis na tanong ni Summer kay Alex na nawala ang ngiti ng marinig nito ang salitang dumb, well good for him ang inis niyang sabi sa sarili.
    “No, she’s”-
    “Then she’s not needed here, hindi ito tour engineer, I didn’t start this project to amuse people, I started this project in a time table na kailangan kong sundin bago ako bumalik ng France, kaya kung nagpunta kayong dalawa rito para mag date, then, you get your ass off this site at dalhin mo yang girlfriend mo elsewhere nang hindi kayo makaistorbo” ang galit na sabi niya sa mga ito at mabilis siyang naglakad papalayo sa dalawa.
    She stayed inside the lighthouse, at hindi siya lumabas, she supervised the work inside at ayaw niyang lumabas at baka makita lang niya ang mga ito. She went outside the view deck at pasimple siyang sumilip sa ibaba, at talagang nag-init ang ulo niya ng makita pa rin ang “May”na iyun sa ibaba.
   Pero bakit ba siya, nangagalaiti? Ang inis na tanong niya sa sarili. Bakit ba siya magagalit eh hindi ba mas convenient nga sa kanya na may ibang babaeng magugustuhan si Alex? Na hindi na siya nito gagambalain pa?
   Bakit kasi umasa na naman siya rito? Ang galit na sabi niya sa sarili. Kaninang umaga, they exchanged a kiss so hot that it melted her body and her heart. She expected that she will saw his affection on her kinaumagahan.
    She didn’t expected this! Ang galit na sabi ni Summer sa sarili, she never expected Alex to bring another girl na parang sampal sa kanyang mukha after last night.
    And to think na gulong-gulo na siya sa roller coaster like of emotions na nararamdaman at gumugulo sa puso at isipan niya. Hindi na niya alam kung ano ba ang susundin niya ang puso at masaktan? O isipan at bumalik sa France sa naghihintay sa kanya roon?
    She’s not feeling well, she wanted to go home, or sa kanyang office. Yes, mabuti pang pumunta na lang siya sa kanyang opisina. She talked to Alex’s foreman at nagpaalam na siya na kapag kailangan siya ay tawagan na lang siya ng mga ito sa opisina.
    She hurriedly made her way down the staircase at halos magkabanggaan pa sila ni Alex ng Magkasalubong niya ito sa may pinto at hinawakan nito ang balikat niya.
    “Whoah! Careful” ang sabi nito sa kanya.
    “Bitiwan mo nga ako!” ang galit na sabi niya rito.
    “Hey, wala naman akong ginawang masama sa iyo, you almost hit yourself” ang sagot sa kanya ni Alex.
    “Whatever, just stop touching me and kissing me Carpio!” ang banta niya rito at nagmamadali siyang lumabas at naglakad papalayo.
     She was halfway sa ibaba ng daan pababa sa kalsada kung saan naroon ang sasakyan niya ng maramdaman niya ang isang kamay na humawak sa kanyang braso at hinila siya nito para pigilan siya sa paglalakad.
    “Summer” ang sambit ni Alex.
    “Ano ba? Hindi ba sinabihan na kita na tigilan mo na ako?” ang galit na sabi niya kay Alex at pilit niyang hinila ang braso niya sa pagkakahawak ni Alex.
    “Saan ka pupunta?” ang tanong ni Alex.
    “Wala ka ng pakialam kung saan man ako pupunta” ang galit na sagot niya kay Alex.
    “Summer” ang mariing sabi ni Alex.
    “Pabayaan mo na muna ako please lang Alex, may mga commitments ako sa bayan, at hindi ko kailangan na magpaalam pa sa iyo”ang galit na sabi niya at hinila niya ang kanyang braso mula sa pagkakahawak nito.
   
    Napabuntong-hininga na lang si Alex habang pinagmamasdan ang papalayong si Summer. Shit! Mukhang nagkamali yata siya ng desiyun, mukhang sa halip na mapalapit si Summer, mukhang mas lalayo pa yata ito sa kanya. He wanted her to get jealous, and he saw that in her eyes nang makita nito si May kanina. But her reactions just now, made him think twice para sa plano niya. Ang hirap talaga maghabol sa babae, this was his first time to do this at mukhang nagkakapalya palya pa siya.
   Napabuntong-hininga at napailing na lang “woman, love ‘em or hate ‘em” ang bulong niya sa sarili.
   At wala na siyang nagawa kundi ang bumalik na lang sa itaas para isupervise ang lahat, lalo na at umalis si Summer.
   
   Summer looked at her watch, she spend the whole day sa kanyang opisina. And it was a productive one too. Dahil na follow up niya ang mga deliveries, pinirmahan niya ang mga delivery sheets at nag send din siya ng mga payments para sa mga orders.
    Hapon na it was already five thirty ng hapon at alam niya na nagsipag uwian na ang mga gumagawa sa lighthouse. Then all of a sudden her phone rang and it was a foreign number. Agad niyang sinagot ang tawag.
    “Hi! How’s it going?” ang masayang tanong sa kanya ng lalaki sa kabilang linya.
    “Everythings great, how’s France?” ang balik tanong niya at isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga pisngi.
    “Still the same, when will you go back?” ang tanong nito7sa kanya.
   “I-I’m still needed here dad” ang sagot niya.
   Narinig niya na napabunting-hininga ang kanyang papa sa kabilang linya, “you know you have to go back here Summer” ang paalala sa kanya ng kanyang papa.
    Summer tried to swallow her emotion at nangilid ang luha sa kanyang mga mata, “I know dad” ang malungkot niyang sagot.
    “You can’t run from this, he’s waiting for you Summer” ang mahinang sabi ng kanyang papa.
    “I know pa, it’s just that” napabunting-hininga siya, “I just wanted to see the rehabilitation of the lighthouse as long as I can, I promise I will comeback” ang sagot niya sa kanyang papa.
    “Alright, je t’aime mon petite” ang sabi sa kanya ng kanyang papa.
   “Je t’aime papa” ang sagot niya sa kanyang papa, saka niya pinatay ang phone. And that call only reminded her, na hindi na sila pupwede ni Alex.

The One That almost Got Away [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon