MFW💫31
KINABUKASAN
tamad na tamad man ay pilit kong kinumbinse ang sarili ko upang bumangon dahil alam kong may pasok pa ako sa trabaho.
"hi Nathan"
bati ko ng maabutan ko si Nathan na pababa ng hagdan."oh?. aren't you going to work? "
" sorry late akong nagising"
"are you sick?"
lumapit pa ito saakin upang masapo ang noo ko." okay lang ako"
ngumiti ako dito"c'mon lets eat"
sabi nito"maya maya na siguro ako kakain Nathan"
"Okay, take a rest. dont go to work today if your not feeling well"
sabi nito habang marahan akong hinihila pabalik sa kwarto kohindi na ako pumalag pa dahil pakiramdam ko naman talaga ay kailangan ko ng pahinga lalo na ang tulog.
muli ay bumalik ako sa mahimbing na pagkakatulog gaya ng bilin ni Nathan.
napaka swerte ko dahil mabait ang mommy ko, at sobrang sweet ng kapatid ko.habang nakahiga ay biglang sumagi sa isipan ko si Gabriel.
kamusta na kaya sya?.
maayos kaya ang lagay nya.
mahigit isang buwan na nang huli ko syang makita.hindi ko akalain na ang masayang buhay na inaakala ko ay isa pa lang kasinungalingan.
sa totoo lang, masaya ako sa piling nya. tahimik at masayang pamilya na kasama si Gabriel ang syang pinangarap ko.
wala akong ibang hiniling,hindi ko akalain na hahantong sa ganito.
kung pinakinggan ko kaya ang paliwanag nya nang araw na yon ano kayang nangyare?.
makukumbinse nya ba ako. o bubuo na naman sya ng panibagong kasinungalingan.habang iniisip ko ang nakaraan ko kasama si Gabriel ay pilit kong nilalabanan ang pag luha,
hindi ko masabi kila mommy at nathan ang tungkol dito pero sa tuwing naaalala ko si Gabriel ay hindi ko mapigilan ang malungkot at maluha.bigla naman akong nakaramdam ng pananakit ng tyan.
tila biglang bumaliktad ang sikmura ko. napabalingkwas ako ng tayo at mabilis na tumakbo patungon sa maliit na palikuran ng kwarto ko.mahapdi sa sikmura ang nararamdaman kong ito dahil tila nasusuka ako ngunit wala akong maisuka kahit na konti lamang.
napalingon ako nang may maamoy akong kakaibang amoy.
dahil sa pagsusuka ko hindi ko namalayan na nasa labas ng cr si Nathan,
nakatayo at nakatingin saakin ng seryoso."are you sure your okay? "
magkasalubong ang kilay nito.ngumiti ako sakanya kahit peke,
sasagot na sana ako nang muli kong maamoy ang matapang na amoy na yon kaya muling tila na baliktad ang sikmura ko at sumuka kahit alam ko sa sarili kong wala akong maisusuka."what is happening to you Love?"
"N-Nathan, ang tapang ng pabango mo. masakit sa ilong"
nahihiya man akong sabihin dahil baka maoffend o magalit ay wala akong magagawa kailangan kong sabihin ito sakanya."what?. its the same perfume i usually use before"
giit nya.nang makaalis si Nathan ay muli akong bumalik sa pagkakahiga at sandali lamang ay agad akong hinila ng antok.
Nathan pov
"nasan si Anastasia? hindi ba sya sasabay sayo? "
tanong saakin ni Mommy nang makitang nag aalmusal ako ng mag isa." she's still sleeping "
" ha?. okay"
"and she act so weird lately "