7 things I hate About him

465 0 1
                                    

7 things I hate About him

1. I hate how he makes me smile.

2. I hate how he makes me feel special.

3. I hate how he makes me find him.

4. I hate how he makes me think of him.

5. I hate how he makes me like him.

6. I hate how he makes me assume that he loves me.

7. I hate how he make me fall in love with him.

Sabi nila, The best way to forget your crush is to write all the things you hated him tha most. At least 7 things will do. This is the best way daw to forget someone who doesn't even know/care that you exist.

Before I start writing,Let me define what crush is. I used this term to describe Christian . Christian =Crush.He is one of my closest friends. He is one of my classmates.He is one who makes me feel special.He is the one who made my heart beat. I mean, Siya 'yung unang lalaking nagpatibok sa puso ko.

Ooops...Eh bakit ko siya gagawan ng listahan? Simple lang. I don't want to be listed as one of martys na nakilala sa ngalan ng pag-ibig.All I want is someone to love,not someone to long for. Susulat ako ng listahan para magkaroon ng someone,Hindi humanap ng nagpapaasa. Call me corny, pero wala eh. Na-inlove ako. At heto ako ngayon, iniiwasan na 'wag maging isang hopeless romantic na nag-aassume na sana magustuhan niya rin ako.

"Abbey! Anong ginagawa mo at seryoso ka d'yan? Tanong ni Christian. Okay fine. Kaya nga ako gumagawa ng listahan eh para kalimutan siya. Tapos heto, parang one typical day lang sa kanya ang abalahin ako at istorbohin.

Agad kong isinira ang notebook na pinagsusulatan ko ng listahan para makalimutan si Christian. (Nag-rhyme talaga ah). Sa likod lang ng notebook ko na gamit ko sa school ko sinulat yung mga bagay na yon. Ayoko namang kumuha pa ng special paper para lang kalimutan siya. Sayang di ba?

#1. I hate how he makes me smile.

Naaalala ko pa rin 'yung una kong sinulat. I hate his smile. Katulad ngayon. Dahil maaga akong pumasok sa school, kaming dalawa lang ang nasa loob ng classroom.Seatmate ko siya. Pero hindi ko in-expect na darating siya ng ganito kaaga.

Nginitian niya ako. Kainis! Ayoko sa nakakatunaw niyang ngiti. Na kahit isang dipa ang layo naming sa isat isa,parang paulit ulit na tumatalbog sa mata ko ang nakakatunaw niyang ngiti.  Di ba may kasabihan no "Nobody'sperfect.?"Eh bakit siya perfect?Kainis!

Lumapit sya sakin."Peram naman ng homework  sa Math. Kopyahin ko lang yung given," sabi niya.

"HINDI PWEDE," sabi ko. Baka kasi makita niya pa 'yung sinulat ko sa likuran ng notebook. Nakakahiya.

"Sige na,Please?" Nginitian niya ako. Kahit halos mawala na yung mata niya sa subrang pagngiti,kinikilig parin ako. Sobrang magcomplement 'yung pink na niyang labi at makinis niyang mukha.idagdag pa ang hair style niyang ang lakas maka Daniel Padilla.

"Ganito na lang. Bigay ko na lang sayo yung may sagot na. Sa yellowpad isusulat. Di ba?" Palusot ko nang matapos na ang usapan.

Natapos ang umagang yon ng mabilis. Pinakopya ko siya ng assignment 'wag lang niyang mahiram 'yung notebook ko. Wala  sa kanya ang mangopya ng assignment,pero absent  siya kahapon at wala siyang idea sa ginawa namin. Kaya,Okay lang naman.

#2. I hate how he makes me feel Special.

"Sabay na tayo mag-lunch?" Alok ni Christian dahil lunch break namin. Ano ba. Isa na naman 'to sa mga paraan niya para iparamdam sakin na special ako sa kanya. Kahit buong tropa namin ay niyaya niya ng mag-lunch.

Pwede ba,Abbey.' Wag ka na kasing mag- hallucinatine na special ka kay Christian. You are just one of his friends. Tsaka, lahat naman naalok na ng lunch. Magtigil ka nga. Hay. Kainis. Sarili ko na lang ang kinakausap ko.

"Uy. Sige na. Wala kasi akong kasabay ngayon. Ang lungkot kaya kumain mag-isa."

"Okay fine. Sa isang kondisyon." Pinagmasdan ko muna ang mukha niya habang hinihintay niya akong magsalita."ililibre mo ko."

Pumayag naman siya na ilibre ako.Aba.Kahit college na kami,hindi ko mapigilang hindi kiligin habang nasa may iisang table lang kami. At parang isa siyang prinsipe na nagdadala ng favorite na pagkain ko sa mesa. Siya ang nag serve ng kakainin namin. Siya rin ang nagdasal bago kami kumain.Makadiyos talaga sya kaya gustong gusto ko siya eh kaso di naman nya ko gusto.

But still,I hate how he makes me feel special. Baka masaktan lang ako sa huli. Mukhang wala rin namang mararating ang pag-ibig na to eh.

After ng lunch break, hindi na kami sabay bumalik sa classroom. Nagpasabi na siya sa akin na mauna na lang daw ako dahil may kailangan pa siyang puntahan which is hindi na niya sinabi.

#3. I hate how he makes me find him.

Tulad ngayon, kahit gaano ko sabihin na ayoko siyang hanapin,Hindi ko mapigilang hindi siya hanapin. San kaya siya pumunta?Sino kayang pinuntahan niya? 15 minutes na lang before 1:00pm pero wala pa rin siya.Nag cutting kaya siya? Hindi niya naman ugali yun.

'Di bale. Isinulat ko nalang ulit yung pangatlong reason kung bakit DAPAT ayaw ko na sa kanya. At ito na 'yung bagay na ginagawa ko ngayon.Hinahanap ko siya.

Parang 'yung sa kanta lang,"Hinahanap  hanap kita...hinahanap  hanap kita ahh..."Ang OA lang. Pero, wala akong magawa kundi mag-antay kung papasok ba siya o hindi. Eh! Papasok naman siguro 'yun kasi kung hindi,Hindi  na siya mag-effort na kumopya ng assignment sa akin.

Ilalabas ko plang ang cellphone ko (baka kasi nag text siya kung saan siya pupunta) kaso,Bago ko pa magawa iyon. May humawak na magkabilang balikat ko at ginulat ako.

"Anak naman ng cauliflower!"Nabigla ako kasi bukod sa hinawakan niya 'yung weakest point of my life,Eh ginulo niya pa'yung buhok ko. In short, na combo ako.Kainis.

"Wag mo na nga akong isipin.Siguro,ite-text mo na naman ako para pumasok 'no."Sabi niya."Naku. Ngayon plang iwasan mo na'yan"

At dito naman pumapasok 'yung pang-apat na dahilan kung bakit ayaw ko sa kanya.

To be Continued...

:Paki hintay nlang po sa Susunod na chapter.Kamsa😊

#Nag-Assume
#Nagmahal
#Naiwan
#Nasaktan

A/N:Skl yung story na ito,Subrang tumatak sa isip at puso ko to, kahit ilang ulit ko pa tong basahin ay di pa din ako nag-sasawa.Vomment naman jan para ganahan si Author:)

Short love storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon