"Skyler, kumalma ka nga."
"Paano ako kakalma Maurene?! Tignan mo nga ang ginawa ng lalaking 'yon kay Sabina! Sinasabi ko na nga ba, kaya ang bigat ng loob ko sa lalaking 'yon!"
Pumupadyak sa inis si Sky saka lumingon saakin.
"Wag kang iiyak d'yan, sayang luha mo sa gagong 'yon!"Tumango ako saka pinunasan ang mga luha sa mga mata. Nai-kuwento ko kasi sakanila ang nangyari noong isang araw kaya galit na galit ngayon si Sky.
"Nag-usap na ba kayo ni Elizer, Sab?"
"Ano bang pag-uusapan pa nila, Maurene?" Inis na sagot ni Skyler.
"May girlfriend na nga 'yong gago diba? Ano pa bang explanation ang gusto ninyong malaman?!""Sky, kaylangan nilang mag-usap. Hindi naman pweding gano'n nalang 'yon."
"Hiwalayan mo 'yan."
Tiningala ko si Skyler na naka-pamewang sa harap ko.
"Wag mo akong tignan ng gan'yan Sabina. Hiwalayan mo 'yan kung ayaw mong paulit-ulit ka n'yang lokohin."
Yumuko ako. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa sakit na nararamdaman.
I couldn't think right. Sa tuwing naiisip ko 'yong mga nakita ko sa bahay nina Eli ay pakiramdam ko may mga kutselyong tumatarak sa puso ko.
Dalawang araw na dumaan pero gano'n parin, wala paring nagbabago sa nararamdaman ko. Subrang sakit parin dahil hindi ko naman aakalain na aabot kami sa sitwasyon na ganito.
Hindi ko naisip na sasaktan n'ya ako sa ganitong paraan.
"You two need to talk." May finality na sabi ni Maurene.
"Face your fears, Sabina. Saka in the first place hindi dapat Ikaw ang matakot na harapin si Elizer dahil s'ya naman ang gumawa ng kasalanan."Bumuntong-hininga ako.
"Kakausapin ko...""Argh!" Umupo si Sky sa tabi ng natutulog na si Dani.
"Lintik na pagmamahal 'yan. Nasaksak si Dani, si Saniyah laging lutang tapos Ikaw naman iyak ng iyak. Anong mga klaseng lalaki ba ang mga 'yan? Mga gago!""Skyler Faye Mendoza, tama na 'yang pagmumura mo."
"Sorry." Skyler's face softened.
Nilingon ko nalang si Dani at na realize kong tama si Sky. Ano bang nangyayari saamin? Kahit si Dani na tahimik lang, hindi namin alam na may nangyayari narin pala sakan'yang masama.
Binuksan ko ang cellphone ko na kaninang umaga ko pa hindi tinitignan.
50 missed Calls
63 unread messagesLahat ng 'yon ay galing sakan'ya. Hindi ako nag-abalang replayan s'ya at kahit sa school ay hindi ko rin s'ya pinapansin. Natatakot ako kung anong masabi ko kapag kaharap ko na s'ya.
Pagkatapos naming mag-take ng exam ay deritso agad kami dito sa Hospital at dito narin nag re-review para may kasama si Dani. Hindi namin s'ya iniwan kahit kaylan. Mabuti nalang at kapag may exam ako, minsan si Sky ang wala. Tulad ngayon na si Saniyah nalang ang nasa school para mag exam at kami ay free na.
Nang makarating si Saniyah ay ginising na namin si Dani, hindi pa s'ya pweding ilabas dahil baka bumuka ang tahi nito kaya naman kaylangan pa n'yang manatili dito sa Hospital ng mga ilang araw.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam ako kina Maurene.
Gusto ko lang... makita si Elizer. Ewan, may parte rin saakin na gusto kong mag-explain s'ya at sabihing hindi n'ya kaano-ano 'yong babae.
YOU ARE READING
Unequally Yoked (Series 1)
SpiritualLiving Stone of Jesus' Ministries #1 Mapagmahal na pamilya, supportive na mga kaibigan at spiritual family na gagabayan ka. Lucky? No... Sabina Enriquez is more than that. She is blessed. Napaka-blessed n'ya dahil alam n'yang ang mga taong 'to ay bi...