'Tsaka Na

185 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Tsaka Na

Tsaka na siguro, kapag ako na 'yong priority mo.
Tsaka na siguro, kapag binitawan mo na siya.
Tsaka na siguro, kapag nakita mo na 'yong halaga ko.
Tsaka na siguro, kapag natuto ka nang mag-seryoso.
Tsaka na siguro, kapag hindi mo na ako tinataboy.
Tsaka na siguro, kapag hindi na kita kailangang papiliin sa 'AKO' at 'SIYA'.
Tsaka na siguro, kapag kaya mo na akong panindigan.
Tsaka na siguro, kapag hindi ka na madamot na ipagkaloob sa'kin 'yong pagmamahal na gusto kong maramdaman mula sa'yo.

At tsaka na siguro, kapag tapos ka nang magmahal ng iba.
Tsaka na lang, mahal ha. Tsaka na lang. :'(

Maghihintay ako, pero sa ngayon tsaka na.


-FLORDELUNA

Spoken Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon