Chapter 38

169 3 0
                                    

"Saan ka ba kasi uuwe baka mamaya gagabihin ka na naman tapos di ka na naman papasok bukas." wika ko kay King, pambasag ko sa dumadagundong na katahimikan, kanina pa siya sipsip ng sipsip sa iniinom niyang milktea.

Nawala siya sa konsentrasyon, lumingon siya sa akin ng may hindi maipintang ngiti, may kung anong asar akong nakikita sa pagngisi niya sa akin ng nakakaloko.

"Ayieeee, sabi ko na nga ba namiss moko e. Deny deny ka pa diyan ah." bakas sa mukha niya yung pang aasar.

"Hoy tumigil ka nga diyan, kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo. Akala mo naman deserve nitong mamiss. At sakin pa talaga ha? Duh!" diniin ko yung banat ko para maalibadbaran siya sa sinasabi niya.

"Haha. Sa totoo lang ano, napapaisip ako kung bakit lagi nalang mainitin yang ulo mo sa akin. Sa pagkakaalam ko wala naman ako ginagawa sayo e. Ikaw lang itong malakas ang salo pagdating sa mga sinasabi ko. Siguro kung bola ako, gustong gusto kong magpasalo sayo." nakakaasar pa rin yung ngiti niya, kita ko pa rin yun kahit gabi na sa sandaling ito.

"Yun ang akala mo, siguro kung bola ka nga talaga. Ang sarap sarap mo lang talaga ihagis ng ihagis." sinuklian ko din siya ng nakakalokong ngiti.

"At bakit naman?"

"Wala lang, trip ko lang!" umirap ako sa kanya

"Hmmm, so trip moko?" kinindatan niya ako

Medyo kinalibutan ako don ah!

"Walanghiya ka, anong pinagsasabi mo. Hindi ba malinaw sayo?" sigaw ko kaunti

"Ang alin?" nang aasar na naman

Pinanlakihan ko siya ng mata, umuukit na naman yung inis sa mukha ko.

"Ay nako, bahala ka diyan! Ang labo mo kausap! Bugok!"

Binilisan ko ang lakad na siya namang sumunod na naman siya sa akin. Parang timang lang.

"Layuan mo nga ako, saan ka ba kase uuwi ha?"

"Malapit nga sa inyo."

"Saan don? Pwede namang klaruhin di po ba manong?"

"Anong manong ka diyan, grabe ka naman sakin! Doon kami sa blue gate." sagot naman niya.

"Blue gate? Eh tapat lang namin yun ah! What do you mean kami? Sinong kasama mo?" usisa ko

"Hmmmm, mga kaibigan ko. Sila Aron, Neil, Jun, Andre at si So----"

"Ano?"

Nakakagulat!!! Kung minamalas nga naman talaga! Bakit doon pa? Nakakainis naman e!

------------------------------

Nung sumunod na buwan ay nakatanggap ako ng mensahe sa cellphone ko. Diko alam kung kanino galing yon. As far as i know, mga kaibigan ko lang ang tanging nakakaalam bawat detalye ng buhay ko, kabilang na yung phone number ko.

Binuksan ko yun para mabasa ang mensahe kung ano man yon.

"Good Day po, we're having a general meeting with Mr. Ruiz. 10:00am at Communication Department Editorial Room. See you!" sabi sa mensahe.

Tumunog ang cellphone ko, tumatawag si Krey. Sinagot ko yun ng walag alinlangan, malamang sa malamang, tungkol sa mensahe yung sasabihin niya.

"Oy beshy, nakatanggap ka rin ba?" excited ang gaga

"Nang alin?" pamatay malisya ko.

"Meeting daw sa ComDept kasama si Mr. Ruiz, hindi ba yun yung sa School paper?" banaad sa boses niya yung kagalakan.

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon