8th Head Teacher.

5 0 0
                                    

------------------

NATASHA'S POV

------------------
Masaya kaming nagtapos ng aking mga kaibigan sa Municipal Highschool ng Morató. Sa kasamaang palad, ang mga kaibigan ko ay mga exchanged students o transferee. Ibig sabihin hindi ko na sila makakasama sa kolehiyo.
-
Akala ko nung una masaya akong magaaral ng kolehiyo ngunit pagkarating ko sa aming bahay galing closing party ng aming school ay nakita kong umiiyak ang mama ko at papa ko. "Ma, bakit kayo umiiyak?"tanong ko sa kanila.

"Anak magkokolehiyo ka na."sambit ng mama ko.

"Ano namang meron kung magkokolehiyo na ako ma?"dugtong ko.

"E anak, ibig sabihin non hindi mo na kami makakasama, titira ka na sa isang apartment malapit doon sa paaralan niyo.doon kana titira"maluha-luhang sabi ni papa.

"Hala, mamimiss ko kayo mama at papa."naluluhang sinabi ko sa kanila at niyakap ko sila.

"Sige na anak, mag ayos kana ng mga gamit mo at sa bukas ihahatid na kita sa apartment mo"sabi sakin ni papa.

"Sige po."pagkatapos kong sabihin yan. Umakyat na agad ako sa aking kwarto at nagisip kung ano meron sa unibersidad na iyon at bakit parang ayaw nila mama na pumasok ako rito. "Siguro maraming masasamang tao at ibat ibang ugali ang makakasalamuha ko rito kaya nagaalala sila mama baka anong mangyari sakin." sabi ko sa isip ko."hay nako bahala na" dugtong ko pa. Pagkatapos non ay nag ayos na ako ng aking gamit at natulog.
-
-
-
-
-
-
Narinig kong bumukas ang pinto sa aking kwarto at naramdaman kong bumukas ang ilaw dahil nasilaw ako rito.

"Anak gising na, hahatid na kita." Sabi sakin ni papa.

"Anong oras na po ba?ang aga pa po a."sabi ko ng inaantok antok pa.

"Anak,sa susunod na araw ang enrollment mo. Mas mabuti pang sanayin mo na ang sarili mo at kabisaduhin ang lugar na tatahakin mo" pangaral pa sakin ni papa.

"Sige na nga pa,susunod ako sa baba magbibihis lang ako. Maniwala kayo pa I'll make you and mama proud!" Sambit ko to kay papa ng pag may mamalaki.medyo naluha si papa at sinabing

"Sana nga anak".at bumaba na ito

Sabi ko sa isip ko. "Makapagsalita naman ako ng ganon akala ko nama  sobrang talino ko e ang tamad tamad ko nga. HAHAHAHA. Pasang awa pa nga ako ng makapagtapos ng high school e" pagkatapos ay naligo at nag bihis na ako ng pinaka maayos kong damit at bumaba dala ang aking dalawang maleta.
-
-
-
-
-
-
"Oh anak, bilisan mo at matatraffic tayo. Kumain kana" sinabi sakin ni papa habang nagaayos ng buhok.

"Sige na anak, kumain ka ng madami kase eto na yung huli luto ko na makakain mo." Seryosong sinabi ni mama.

"Ano ba kayo ma, pa. Kaya ko to ako pa ba. Eto na kakain na ako eto na yung huli kong makakain na luto ni mama e. Di ko na ulit to matitikman sa limang taon" pabiro kong sinabi.

"O hindi na muli." Bulong ni mama.

"Ano ma?" Tanong ko dahil hindi ko narinig ang sinabi ni mama.

" wala anak,sige tapusin mo na yang pagkain mo at pag tapos na e sumakay ka na sa sasakyan para makarating agad tayo sa apartment mo." Sabi ni mama at lumabas na para sumakay sa sasakyan.

Habang kumakain ako, iniisip ko na kung ano meron sa unibersidad na iyon at kung anong mangyayari sakin. "Siguro naman masaya don anlaki ba naman ng school na yon." sabi ko sa isip ko at tumayo na at nag hugas ng kamay at lumabas.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Makalipas ang apat na oras ay nakarating na ako sa apartment ko. Bumaba ako sa sasakyan at yumakap at  Nagpaalam na ako sa aking  mama at papa at sinubukang tignan ang napaka taas na gusaling ito.

Pagkapasok ko sa gusaling ito. Sobrang laki ng bawat floor kahit ang lobby sobrang laki para akong nasa hotel. Dahil hindi ko alam kung saan ang room ko Nagtanong ako sa isang ale na nasa counter kung saang palapag ang "58f" na room." Ah ate, saang floor po yung '58f' na room?" Tanong ko.

"Ayan na nga yung clue mo e. Kung ano name ng room mo ayon na rin kung nasaan ang room mo. Hay nako, 5th floor at pang 8 na room" pagtataray nito.

"So ikaw pala si Natasha Monbleik?pirmahan mo ito at pagkatapos ibibigay ko na sayo yung susi ng aprtment mo."pataray ulit na sinabi ni ateng nasa counter.

"Mukhang unang araw ko palang sa pa-apartment may mabibigwasan na ako a." Sabi ko sa isip ko.

"Ah sige po salamat po ate..."

"Ate Pontrei?"tanong ko nung nakita ko yung name niya sa tag na nasa kaliwang dibdib niya.

Tinaasan niya ako ng kilay at sinabing..

"Maam, Maam Pontrei Resureccion. Isa ako sa head teacher ng university na papasukan mo. Sampu kaming head teacher at pang eight ako."

Nagulat ako at nahiya kaya yumuko ako at nagsorry. Habang nakayuko ako ay biglang binagsak niya yung isang key sa table. Kinuha ko yon ang nagpasalamat at nag sorry ulit.
-
-
-
-
-
-
-
Habang nasa umaakyat ako sa hagdan at pagod na pagod na. "Jusko. May sampung palapag ang building na ito hindi man lang nila naisipang maglagay ng elevator. Yung matabang masungit na may makapal na make up na head teacher pa na yon. Nakaiinis." Sabi ko sa sarili ko habang hingal na hingal. "Ano ang ibig sabihin niyang pang eight? May leveling? Pataaasan ng degree? O may kanikanilang lakas?hay nako. Bahala na." Dugtong ko pa at nung nakarating na ako sa 5th floor ay hinanap ko na agad ang pang eight na room dahil pagod na pagod ako sa araw na iyon . Nung nahanap ko na binuksan ko na agad ang kwarto. Sobrang dilim ng kwarto. Binuksan ko ang switch sa gilid ng pinto at pagkabukas, halos mahimatay na ako sa gulat ng biglang may sumulpot na babaeng may mahabang buhok sa harap ng kinatatayuan ko.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Masayang pagbati!salamat sa pagsubaybay ng aking kwento,ang mga katulad niyo ay may lugar sa puso ko. Ituloy niyo lang ang pagbabasa at iboto. Magkomento ang mga may suggestions sa kwento at itatry kong ipasok sa kwento.hintayin niyo ang aking update. Salamat ng marami!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Classroom Clash.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon