Ma'am (One-Shot Story)

8 0 0
                                    

"Ang ganda naman dito nay! 1st time kong makapunta ng Paris!" sambit ko habang inaayos ang mga damit na gagamitin ko. Nais kong maganda ang mga susuotin ko para kapag kumuha ng litrato, maayos at presentable ako tingnan.

"Bilisan mo na dyan, ate Petty! Kanina ka pa dyan. Gutom na gutom na ko" sabi ng kapatid ko na naluluha na dahil sa kagutuman.

Akmang magsasalita na ko nang biglang dumating si kuya. Bahagya akong nagulat sa sinabi niya.

"Hoy Petty! May tao sa labas, hinahanap ka" sabi ni kuya.

"Paano ka naman nagkaroon ng kakilala dito sa Paris, anak? Eh kabago-bago lang natin dito" singit ni itay .

"Hala! Sino yon? Wala naman akong kilala dito sa Paris" sambit ko, kasabay ng pagtakbo ko sa pintuan para pagbuksan ang taong naghahanap raw sa'kin.

Pagbukas ko ng pinto..

"TANGHALI NA! GUMISING KA NA DYAN. MALE-LATE KA NANAMAN!"

Panaginip lang pala. Agad akong napamulat ng mata at nakita ang maamong mukha ni inay.

"Nay? Anong oras na po ba?", wika ko habang humihikab.

"Saktong alas-syete na ng umaga, nakita kong napagod ka kagabi sa kakagawa ng project"

Agad akong napabalikwas. Lagot na naman ako kay Ma'am Layla nito!

Pagbangon palang ay makikita mo na ang nagkalat na scratch paper sa sahig. Lalo akong nanlumo ng maalalang hindi ko pa tapos ang ginagawa kong project kagabi. Nakatulugan ko na pala ito, paano ba naman ay sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip ng isusulat sa sampung reaction paper na kailangang ipasa ngayon din.

Habang nag-aalmusal ay sinasabayan ko ito ng pagsusulat. Konti na lang ay matatapos na din ako. Hindi ko maintindihan kung bakit pinapahirapan ang mga estudyante sa paggawa ng kung ano ano? Hay. Ganon na talaga ata ang sistema ng edukasyon dito sa Pilipinas! Nakakapagod.

"Bilisan mo na diyan at magagalit na sayo si Ma'am Layla."

"Opo, 'nay. "

Dali-dali na akong naligo at pagkatapos ay nagbihis. Suot ang kulay asul na uniporme ay hindi ko na inalintana ang gulo gulo kong buhok at patakbo nang lumabas.

"'Nay, alis na po ako!"

Sa labas ng bahay ay nakaparada na ang sasakyang maghahatid sa amin sa paaralan. Kamuntikan pa akong madapa habang papasakay.

"Goodmorning po!" masigla kong bati sa babaeng halata na sa mukha ang pagkainip.

Inirapan lang ako nito habang isinasalpak na ang kaniyang earphones.

"Manong, tara na po."

Habang binabagtas ang daan patungong eskwelahan ay inaalala ko kung magugustuhan kaya ang proyektong aking pinagpuyatan. Natuyo na ata ang utak ko sa paggagawa n'on.

James International School nakaukit sa malaking gate sa aming harapan. Ang paaralang pinapangarap mula pa pagkabata.

"Ano ba? Tatanga ka na lang ba diyan?" napapitlag ako nang marinig ang mataray na boses na iyon.

"Pasensiya na po." Bumaba na ako ng sasakyan habang inaayos ang mga dalang gamit.

"Tabi nga diyan!"

Bitbit ang gamit ay hinabol ko siya upang sabayan sa paglalakad. Palaging ganito ang senaryo namin sa umaga, palagi akong naghahabol. 
Sunod lang ako nang sunod sa kaniya hanggang sa makadating kami sa room. 

"And where do you think you're going?" mataray niyang tanong nang akmang papasok na ako sa classroom.

"Natapos mo na ba ang pinapagawa ko sa'yo?"

Tatango-tangong inilabas ko ang proyektong pumuyat sa akin kagabi.

Pinasadahan niya lang ito ng tingin at sa halip na magpasalamat ay tumalikod lang.

"Oh before I forget, buy me lunch at Max's and then go to National Bookstore and buy this for me. You should be here at exactly 11am."

"Got it, Yaya?" Hindi na niya inantay pang sumagot ako at pumasok na.

Ma'amTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon