VICKYLA'S P.O.V
Bumaba ang taong nakasakay sa kotse at hindi ko napigilan ang agarang pagtaas ng kilay ko ng makumpirma kung sino ang taong yun.
" Hi " bati nito pagkalapit na pagkalapit sa akin. Bahagya pa nitong itinaas ang kanang kamay bilang pagbati.
Tsk! Anong ginagawa ng lalaking ito dito? May hahanapin na naman ba siyang kung sinong poncio pilata at ako na naman ang hihingan ng tulong? Heh! What a nice di ba? What a nice. Fck! Iniisip ko pa lang eh may kumikirot na sa bandang dibdib ko. Huttiikkk talaga.
" Hi " balik bati ko sa kaniya. Bahagya naman siyang ngumiti na parang nahihiya pa. Takte! Biglang nagto-throwback sa isip ko yung pagkikita namin sa P.U kung saan bwiniset niya ako para lang i-cheer siya. Oh-em-gee,shut up brain.
" Wala kang pasok? " tanong pa niya habang bahagyang nakahawak sa batok niya. Hays! Matagal tagal na rin simula ng huli kaming mag-usap ng ganito. Hindi naman kasi kami nagkikibuan sa bahay. Ewan ko ba.
" Ah! Meron,kaso nagalit yung gurang kong teacher dahil napupunta na daw sa planetang Namic yung utak ko,kaya ang ending hayun at napalabas ako't pinadiretso sa detention achuchu nila " awtomatikong sagot ng bibig ko na wala yatang balak pa-kontrol sa utak ko. Takte! Ang daldal,pahamak na letche.
Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa niya. Oh dear god! Nananaginip na naman ba ako? My goodness talaga. Ngayon ko na lang ulit narinig yung tawa niya. Hays! Nakakamiss rin pala.
" Eh na-detention ka pala,ba't ka nandito? " nagtataka pa nitong tanong habang nakangisi. Tila naaaliw sa nangyayari.
" Abah,eh di tumakas ako. Obvious naman di ba? " umiikot na lang ang mga matang sagot ko. My gahd Cassie. Ang hin a naman ng utak nito.
" Silly " natatawa na ngayong saad nito saka muling inangat ang kanang kamay niya. Akala ko kung anong gagawin pero hmp! Guguluhin lang pala ang buhok ko. Takte! Ba't ba ganiyan ang mga lalaki. Like duh! Hindi na kami bata noh. At isa pa hindi rin kami aso. Parusa,psh!
" So saan na ang punta mo niyan? " tanong pa nito saka namulsa. Hays! Ba't ba ang dami niyang tanong? Kanina si Manong ngayon naman eh siya?
" Uuwi,kakain,matutulog "
" Ahh " napatango-tango pa ito saka napanguso. Tsk! Eh di siya na cute sa lagay na yan
" Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito? Don't tell me may hahanapin ka na namang kung sino dito ha? " biro ko sa kaniya. Nakaka-miss din talagang kausap ang Rosales na 'to.
" Ahh,actually ikaw talaga ang pinunta ko " agad na kumunot yung noo ko sa sagot niya. Ako? Pinuntahan? Ni Zai? Bakit?!
BINABASA MO ANG
Changed by a Misery (Variance Of Fate Series #1)
Teen FictionHow do I Changed??? Well...I really don't know.. I just woke up one day that I'm already like this... and until now, It's still a MYSTERY! and no one know... Why and How? Thanks for the very beautiful book cover Luxxane♥