Chapter 36

2.5K 98 12
                                    

Nagising si Summer kinabukasan at agad siyang bumangon para sumilip sa labas at makita kung nananalanta na ba ang ang bagyo. Pero pagsilip niya ay makulimlim lang ang kalangitan at may panakanakang bugso ng hangin.
     Huh, talaga bang may bagyo? Ang takang tanong niya sa sarili dahil sa ang paligid at panahon ay katulad pa rin ng nakasanayan nila sa Villa Elena. Mukha namang walang pagbabago sa panahon ang sabi niya sa sarili. Mabilis siyang bumangon para sa gawin ang nakasanayan na niyang gawin sa umaga. Paglabas niya ng banyo habang may towel pa sa kanyang basang buhok ay gumawa siya ng kape at nag bake ng tinapay. Muli niyang sinilip ang kalangitan, wala pa ring pagbabago, baka lumihis na ang bagyo o nakadaan na ito at may kabilisan kaya hindi niya ito naramdaman na nanalasa.
     Pero mukhang wala naman ni isang puno na nabali sa labas at may kuryente pa. Baka nga siguro lumihis na ang bagyo, kapag hindi pa nagbago ang panahon at wala naman siyang gagawin sa bahay ay pupunta na lang siya sa lighthouse para magkumpuni. Kahit papaano ay di masasayang ang kanyang araw at oras.
    Matapos niyang maubos ang ginawang kape ay muli niyang sinilip ang labas ng bahay at ang kalangitan. Medyo makulimlim lang ito na pangkaraniwang panahon sa Villa Elena sa tuwing amihanin.
    Kinuha niya ang kanyang bag at naglagay siya ng kape sa thermos at saka ng tinapay. Nagbaon din siya ng powerbank at kanyang airpods para malibang siya habang nagtatrabaho. Siguro naman ay wala si Alex ng mga oras na iyun at na nasa bahay lang ito dahil nga sa pagaakala nitong may bagyo na dadaan.
    Nagsuot lang siya ng  shorts, shirt at jacket saka rubber sandals sa kanyang mga paa. Mabilis niyang ikinandado lang loob ng bahay. May breaker naman ang bahay sa loob na automatic na mag o-off kapag biglang mawalan ng kuryente. At hindi ito agad mag o-on hanggat hindi niya pinipindot ang switch.
     Hindi na siya sumakay ng kotse at pumara na lang siya ng tricycle para ihatid siya sa lighthouse. Hindi rin naman siya magtatagal doon at magpapalipas lang naman siya ng kanyang oras. Maganda ang panahon na iyun para kay Summer, hindi mainit, hindi maalinsangan. Kaya mas mapapagaan ang kanyang paggawa.
    Pagkababa niya sa may gilid ng kalsada ay masaya siyang naglakad patungo sa puno ng narra. Lumina-linga muna siya at masaya niyang niyakap ang malaking katawan ng puno. Hindi niya alam na kung bakit sa kabila ng makulimlim na panahon ay napakasaya at napakagaan ng kanyang pakiramdam.
    “Kamusta ka na kaibigan ko? Pasensiya ka na kung madalas ay nadadaanan na lang kita, naguguluhan ka na ba sa dami ng tao na araw-araw ay dumararaan dito sa iyo? O masaya ka rin makakita ng maraming tao?”
    Napabuntong-hininga siya at muling niyakap ng mahigpit ang matayog na puno ng narra, at nangilid ang luha sa kanyang mga mata, wala na siyang pakialam kung may makakita man sa kanya sa mga sandaling iyun.
    “Mamimiss kita ng husto kaibigan ko” ang bulong niya sa katawan nito, “hindi ko alam kung pagbalik ko rito ay makikita pa kita, pero pag-alis ko, sana bantayan mo ang parola, sana ay parehong magtagal ang inyong tayog at ganda, at sana bantayan mo si Alex habang nasa malayo ako” ang bulong niya rito at gaya ng dati, ang banayad na hangin ang tila sagot ng puno sa kanya.
     Pinahid niya ang luha sa kanyang mga mata at nagpaalam na siya sa puno na naging saksi sa kanyang kabataan at pagdadalaga. Binagtas na niya ang daan pataas at hinikit niya ang suot niyang jacket dahil sa habang tumataas ay lumalakas at lumalamig ang hangin. Pagkarating niya sa itaas ay walang katao-tao, kaiba sa mga nakaraang araw, na sa ganung oras ay abala at marami ng mga tao na paikut-ikot sa paligid ng lighthouse.
    Binuksan niya ang kandado at itinabi ang kadena at kandado sa may tabi. Mabilis niyang inakyat ang hagdan. Hmmm, mukhang kakaunti na lang ang mga gagawin niya, ang sabi niya sa sarili. Tumingala siya, siguro ay sisimulan na lang niya ang pagtatabas ng kahoy para sa kisame. Tiningnan niya, ang mga slabs ng kahoy na may mga marka. Di napigilan ang mapangiti, marahil si Alex ang gumawa ng mga iyun.
    Binuksan niya ang switch ng ilaw at inilapag niya ang dala niyang bag sa may kwarto na ginawa na ring pahingahan ni Alex. She envisioned him lying down on the yoga mat, all alone here every night. Napabuntong-hininga siya, kung pwede nga lang sana. She would spend her remaining days here sa Villa Elena, with him. Pero, masasaktan lang nila ang isa’t isa.
    Agad niyang inalis ang mga isipin niya, she got herself busy. Inalis niya ang suot na jacket at nagsuot siya ng face mask at goggles. Isinuot niya ang kanyang gloves at isinaksak ang circular saw. Isang ngiti na naman ang gumuhit sa kanyang mga labi, napaka generous talaga ni Alex sa pagpapahiram sa kanila ng mga gamit. At hindi mapigilan na tumaba ang kanyang puso sa tuwing maiisip niya ang naging tagumpay ni Alex.
    Sa loob ng sampung taon ay naging isang successful na engineer ito at may sarili na ring firm. Samantalang isang malambing at maaalalahanin na basketball player ng Villa Elena ito dati na puno ng pangarap.
    Inilagay na niya ang airpod sa kanyang tenga at nagsimula na siya sa kanyang ginagawa at naging abala na siya sa pagtatabas ng kahoy. She was so engrossed with what she was doing that she didn’t noticed that the weather outside was quickly escalating and begins to show its violence.

The One That almost Got Away [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon