Sanay na siguro pagalitan ng isang Eduardo Montefalco ang kanyang uniko ihong anak na si Junaillo.Sa halip kase nasermonan nya ito sa paggamit ng kanyang sasakyan ng walang paalam,natuwa pa ito sa ginawa.
"If you expecting na sermon ang hapunan mo ngayon galing sakin,I will not do that" bungad ng ama pagkapasok ni Juanillo sa sala.Naabutan nitong nakaupo ang ama at nagbabasa ng dyaryo."Masaya pa ako ngayon dahil you already get out in your comfort zone,kala ko habang buhay kang magiging introvert"
Bahagyang natawa si Juanillo "So,do you want to spoil me if gumawa ako ng kalokohan dito sa Sitio Sampaguita? I can do that para naman may pagkaablaahan ako at dumami ang kaibigan ko" malamig nitong sagot,medyo nagulat pa ang ama sa sinabi ng binata,hindi nya lamang ito ipinahata sa halip ay ngumiti pa ito sa anak.
"Hmm...you can do that" napa smirk ito "I know naman how I descipline your spoiled brat attitude kung sakali.At bilang isa sigurong parusa,you will stay here a few months left"
"Are you joking right?" Tanong ni Juanillo "you know na hindi ko kayang tumagal sa baryong to Dad.I can spend more time in my lolas house in california, but not here"
"Thats why Im happy for you... Ipakita mo lamang sakin ang improvement in your social life,hindi kana mahihirapan sa baryong ito." Naka isip ng isang Idea si Eduardo "I want to make deal with you son"
Napaisip si Juanillo sa gustong mangyare ng ama "E ano naman yun,Dad?" Tanong nito.
"Kailangan may ipakita ka sakin kahit isang kaibigan bago matapos ang linggong ito.Babae man o lalaki tatangapin ko,I want you to live with other people and Interact them kahit minsan" kinuha nito ang isang basong tubig sa tabi nitong lamesa at ininom ito "I wont you to be alone forever Juanillo,live the past and move on..."
Pagkatapos sabihin ng ama ang deal kay Juanillo.Nagdesisyon ng umalis ang binata sa harap nito.Pero bago pa sya makaakyat sa hagdan muli nitong nilingon ang ama "I agree to you dad,sige aattend ako ng pista ngayong gabi.And I will bring a friend in front of you"
Mahalaga para kay Eduardo ang magkaroon kahit papano ng kaibigan ang anak na si Juanillo.Sa mura nitong edad ay madame na itong napagdaanan.Hindi normal para sa mga kagaya nitong kabataan.
Masakit mawalan ng mahal sa buhay,masakit mawalan ng ilaw sa isang tahanan.Ang nagbibigay kulay ng buhay nyo at ang liwanag na gagabay sa paghubog ng isang tao sa kanya sarili.Siguro doble pa ang sakit na naranasan ng isang binatang si Juanillo,simula ng mawala ng kanyang ina,nagbago na ang pakikitungo nito sa mga tao.
Laging mapagisa at laging galit sa karamihan.Nagbago din ang ugali nito,ang mabait at masunuring si Juanillo ay naging matigas ang ulo.Napapatawag sa ekwelahan ang kanyang ama,nababalitang nananakit ito ng kaklase.Hindi makontrol ang emosyon.Ang kinatatakutan ng ama'y ayaw ng muli pang maulit.Sa pagkakataon nito,nawalan man sa bagong parte ng kanilang buhay ang kanyang asawa huhubugin nya ang anak sa mabuting tao.
At isa sa susi rito ang pagkakaroon ng bagong tao sa buhay nito.Ang pagkakaroon ng kaibigan ni Juanillo.
---
Lugay ang mahaba at malambot na buhok ni Maria.Pinakulot ang ibaba nito.Sinuot ang gintong kwintas ng dalaga,pinarisan ng bulaklaking daster na hangganan ay tuhod lamang.Labas ang mga braso nito,kita rin ang makinis at maputi nitong dibdib na halatang makakaakit sa mga tao.
Hindi nakakabastos ang pag susuot ng offshoulder na daster para sa isang dalagang si Maria.Kay ganda nitong pagmasdan.Halos maluwa naman ang inang si Pasing ng makitang suot ito ng dalaga,sa ganda nitong taglay.Isa na itong ganap na dalagang pilipina.
"Nay,hindi naman po kasal ang aking pupuntahan.Aatend lang po ako ng sayawan" Saway ng dalaga sa maluha luha nitong ina.
"Natutuwa lang ako anak,parang dati kase.Sukbit sukbit pa kita sa mga bisig ko nung maliit kapa..." Lumapit si Pasing sa dalaga "Ngayon..dalaga kana.Hindi ko na kontrol ang pagkatao mo.Napakaganda mo pa"
Tanging ngiti at mahigpit na yakap nalang ang naisagot ni Maria sa kanyang ina.Pagkatapos nito,dagli na syang nagayos ng sarili.Hindi sya sanay maglagay ng kulerete sa mukha kaya mukhang tutulungan pa ito ng kanyang ina.
"Ano anak? Handa kana ba?" Muling tanong ni Aling Pasing.Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ng dalaga at tumongo pa ito bilang pagsang ayon
"Hihintayin ko nalang po ngayon si Sebyo para sunduin ako,sya po ang una kong makakasayaw sa gabing ito Nay,"
"Osige,ipagbibilin ko din na sya narin ang mag uwi sayo rito sa bahay bukas ng umaga"
Sumangayon nalang ang dalaga kalaunay may narinig ng katok ang dalawa.Si Maria na ang nagbukas ng pinto,pero bahagya pa syang nagulat ng hindi si Sebyo ang bumungad sa kanya."Oh,Kiko.Bakit nandito ka? Nasan si Sebyo?"
Ngumisi ang binata kay Maria,kumamot pa ito sa kanyang batok bago mag salita "Mukhang bababa ang mga anghel sa tala dahil sa kagandahan mo Maria"
Bahagyang hinampas ng dalaga ang biro ni Kiko.Batid nyang nagandahan din sa kanya ngayon ang kaibigan "Bolero ka talaga...nahihiya tuloy akong lumabas.E ano nga? Nasan ba si Sebyo,bakit hindi sya ang nagsundo sakin dito ngayon"
"May inaasikaso lang,katunayan pinapasundo ka nya sakin.Ako nalang raw ang magdala sayo sa sayawan at doon nalang raw kayo magkita"
Mukhang wala ng magagawa ang dalagat sumangayon nalamang ito sa kaibigan.Muli nitong nilingon ang ina at nagpaalam na.
Sa kanilang pagbaba sa munting hagdanan ng bahay,bahagyang nanlaki ang mga mata ni Maria ng may naka park na magarang sasakyan sa kanilang harapan.Nagkatinginan pa sila ni Kiko na parehas rin ang expresyon ng binata.
Ilang saglit nilang inantay ang pagpatay ng ilaw sa harap at makina ng kotse.Nakaramdam pa si Maria ng kaunting pagtataka ng may magbukas ng pinto at lumabas ang gwapong lalaki.
"Mukhang handa kana sa pista Maria?" Tanong ng binata pagkababa nito.
"Juanillo? Ikaw pala,pano mo nalaman ang bahay ko?" Takang tanong ni Maria ng mapagtanto nya na si Juanillo pala ang lalaki sa kotse.
BINABASA MO ANG
Im not Maria Esther (BXB Mystery)
Mystery / ThrillerIsang babaeng taga Sitio Sampaguita ang nag-ngangalang Maria Esther.Sa malapurselana nyang kutis at mala anghel nitong mukha ang nag pabihag sa mga mata ng binata roon.Sa kagandahang taglay isang gwapong binata na taga maynila ang mahuhulog sa dalag...