COFFEE

61 2 0
                                    

COFFEE

-5 YEARS AGO-

"Alex oh" sabay abot nya nung coffee na ginawa nya

"thanks Matt"

"ansarap mo talagang magtimpla"

"syempre , ako pa "with matching pacute pa ..

"alam mo ba , lagi akong umiinom ng kape "

"hala ka , baka masobrahan ka nyan, lhat ng sobra masama "

"alam ko, pero kasi yung kape yung nagpapasigla sakin,gumugising sakin kapag inaantok pa ako , parang sa love ,yung kape eh yung taong mahal mo kapag nakikita mo diba yung mahal mo sumisigla ka , tapos nabubuhayan ka ng dugo tas nagiging hyper ka .."

" pare-parehas lang yun ah ? "

" ou nga .. hahahaha "

" napunta na din naman tayo sa love ... hindi ka nagkukwento tungkol sa lovelife mo "

" tsk! pasok na tayo andyan na si ma'am " sabay turo nya dun sa teacher namin na parating .. si ma'am naman eh ..

" andaya nito eh .. "

ginulo nya lang yung buhok ko tapo tinapon na nya yung cups , nilahad nya yung kamay nya at inabot ko naman at [pumasok na kami sa room.. oh diba .. xD

nga pala ako si Alexandra Mendez at yung kasama ko ay si Matthew Aquino ang kababata-kuya-bestfriend- secret love ko .. diba , hindi nya alam na may gusto ako sa kanya o sabihin na nating mahal ko sya .. ayoko ko kasing sabihin kasi may mahal daw syang iba tsaka yung friendship namin baka masayang diba ?

uwian na .. bilis noh , sabay kaming umuwi kasi ganun naman talaga kami..

pag-uwi ko sa bahay, umakyat agad ako sa kwarto ko.Nagbihis lang ako , wala akong ganang kumain , matutulog na sana ako nung nakita ko yung picture namin ni Matt .. naalala ko to .. nasa E.K kami nito nung birthday nya, ansaya namin dito ..

" haaay Matt "

hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako

kinabukasan ganun padin yung routine , sinundo nya ako , binigay nya yung coffee ko tas iinumin lang namin hanggang sa makarating kami nang school ..

days past, napansin kong tumatamlay si Matt .. hanggang sa ilang araw na syang hindi pumapasok, pumupunta ako sa kanila pero laging walang tao .. nag-aalala ako sa kanya kasi kahit isang text wala akong matanggap galing sa kanya ..

hanggang sa tinwag ako ni yaya , may bisita daw ako .. bumaba naman ako at nagulat ako nung nakita ko si Matt na sobrang payat .. naman oh , bat ampayat nitong panget na to ??

" panget bat ang payat mo ?? tas bat di ka pumapasok ?? di ka rin nagsabi kung bakit ?? pumupunta ako sa inyo pero laging walang tao ?? san ka bang lupalop ng mundo pumunta ha ?? "

O.A ba ? sorry naman .. nag-alala ako ng todo eh .. di ba nga mahal ko .

" oh wait lang , isa-isa okay ? andaming tanong eh .. isa lang ako .."

" sorry naman , bat hindi ka pumapasok ? "

" kasi po , pumunta kami sa province dun sa lola ko "

" bat di ka nagpaalam ? "

" kasi po , biglaan "

" eh pwede ka namang magtext ah "

" naiwan ko po kasi yung phone sa bahay namin "

" eh bat ang payat- payat mo ?"

" kasi po , hindi ako makakain ng ayos kasi po hindi po ako sanay dun sa mga pagkain nila "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

COFFEETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon