Ako si Micha Shibutani 16 years old, Taga-Ilocos pero lumaki sa Quezon City lumipat kami ng Quezon City ng twelve years old palang ako and after 4 years babalik na ulit kami ng ilocos.
Puntod ni apo yolly ( lola ) malungkot at tahimik ang lahat sa pagbabalik namin ang paghagulhol ng iyak ni papa ang maririnig sa buong lamayan lumapit ako kay papa at niyakap namin sya ni mama sabay lapit ng mga kapatid ni papa at nag-iyakan na kaming magkaka-pamilya .
Lumapit sakin ang isang kapatid ni papa si tiya conching , may inabot siyang maliit sa sobre tinitigan ko siya sa mata, " bat parang masaya si tita? " Sabi ko sa sarili ko." Ikaw ang napili ni apo micha, mahalaga ang laman neto pakiusap ingatan at alagaan mo to, " sambit ni tiya conching sa akin ng naka-ngiti, Dahan dahan kong binuksan ang maliit na sobre at ang laman neto ay isang golden coin na may mark na four cloverleaf.
" Tutulungan ka ng bantay, poprotektahan ka nya at tutuparin ang mga hiling mo, pero mag-iingat ka sa paghiling mo at di muna yun mababago." Pahabol ni tiya conching habang nawe-wirduhan na sa nangyayari, " Tiya conching, ano po ba talaga to? Anting-anting po ba? Mabebenta ko po ba to? " Pabiro kong sinabi, Humarap si tiya conching sa'ken, " Micha , isang bagay pa wag na wag mong subukang ebenta ko o gamitin sa masama ang gintong barya malalaman mo din sa takdang panahon kung gaano ito kahalaga." Lumakad si tiya papalayo saken, Shit sobrang pormal ng mga kapatid ni papa, Apat silang magkakapatid panganay ni tiya conching, sumunod si tiyo cando na di ko pa nakikita, si tiya Cassie at bunso si Carlo Shibutani ang papa ko sanggol pa lang daw si papa ng namatay si lolo, sobrang hirap sila nung nawala si lolo hapon ang tatay nila papa si Tsukasa Shibutani mayaman daw si lolo sabi nila pero nung namatay sya binigay nya lahat ng ari-arian nya sa isang charity. What?! Di man lang nagtira si lolo sa mga anak nya? Parang sobrang damot ni lolo well may tinulungan naman sya kaso dapat nagtira pa din sya. -
Araw na ng libing ni apo yolly malungkot ang lahat, nag alisan na ang ibang nakipag-libing iniwan namin sila papa sa putod ni apo yolly tatlo silang magkakapatid dun at tila may pinag uusapan " malamang pinag uusapan nila ang tito mo, Wala kasing balita sa kanya di rin alam kung nasan na siya." Sambit sa akin ni mama .
" Micha ..! Kamusta kana ? Salamat at Nakita na din kitang kulot ka ! I'm so happy to see you again kulot. " Biglang bati saken ng kababata kong si Jay. " Okay lang pumopogi ka ngayon taba aa." Bati ko rin sa kanya, hmm.. wow tumangkad at pumayat na si Jay Francis , Ang dami na singurong nalokong babae neto halos di ko na nakilala. " Condolences sa Shibutani Family, " Bati ni Jay kay mama na nginitian lang siya. " Kamusta jay? Nagkausap na pala kami ng mama mo." Sabi ni mama sa kanya, Parang may di ako malalaman dito, well, actually mag-bff ang mama ko at mama ni jay francis nung high school palang sila, pero ang alam ko nasa Malaysia si tita at nagta-trabaho as a cleaner.
Iniwan ko muna si mama at si Jay para makapag-usap sila ni mama ayoko na munang sumawsaw sa usapan nila dahil napapa-isip na din ako kung ano ng nangyari kay tiyo cando. Nag biglang may humarang sa dinadaanan ko. " Ikaw pala ang ika-lima ? Sana tama si yolly sa pag-pili sayo, you don't even look smarter or something special." Sabay dumaan sa akin, " excuse me sir,!" Pagtalikod ko nawala na siya.