Pagbalik ko sa office ay pakiramdam ko na sasabog na ang ulo ko sa sobrang pula hindi dahil sa kilig kundi sa sobrang naiimbiyerna ako! Hindi lang dahil sa kumag kundi pati na rin sa mga buhay na cctv na kamag anak ng mga bubuyog na nandito sa kompanyang to. Dahil ang mga mata nila ay nakatutok na naman sa akin at pinagbubulungan na naman ako. Kesyo masaya na naman daw ako dahil bumalik na naman si kumag dito, anak ng tipaklong sila! Kung gusto nila, sa kanila na yung kumag na yun!
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at nagpasyang mananahimik nalang ako dito sa office para iwas na rin sa stress.. hayyys mas nakaka stress pa sila kesa sa trabaho ko dito.
Napaisip tuloy ako. Ngayong nandito na si Eduard, mas mabuti kaya kung maghanap na lang ako ng ibang trabaho? hmmm.. I'll consider that.
Maghapon lang akong nasa office ko. Ginugol ko lahat ng oras ko sa paggawa at pagaayos ng mga reports na kailangang ipasa para sa susunod na meeting. Ni Hindi na nga ako nakapag break manlang.
Sa sobrang focused ko sa ginagawa ay hindi ko na namalayan ang oras. Alas sais na ng gabi ng mapansin ko ang oras Kaya naman nagsaved na ako ng ginagawa at nagligpit ng gamit para umuwi na. Wala na akong mga kasama. Natural Brina, kanina pa'ng alas sinco unuwi yung mga yun!
Bigla na lang akong napatili nang bigla nalang namatay ang ilaw sa office.. omg! Wala yatang power.
Pero mas napatili ako sa gulat nang may sumigaw sa likod ko para mang gulat.
"Pusang inahit kaaaaa!" Gigil na sigaw ko kay kumag. Sobrang nagulat talaga ako at grabe ang kaba ko. Tawa lang naman ng tawa ang kumag.
"Sorry, haha!you're face is priceless! Hahahha" Nakahawak pa ito sa tiyan niya. Tinulak nya ito ng malakas.
"Ano ba'ang tingin mo sa sarili mo ha?!. Sino ka para gawin sa akin yon?!! Sorry SIR pero hindi PO tayo close!" Galit talaga ako nang sinabi ko yun. Nawala naman ang ngiti sa labi nito at sumeryoso.
"I'm sorry, namissed ko lang na asarin ka" sabi nito sa mahinang boses.
"Ha! namissed sir? Sorry po pero. Sabihin na natin na namissed nyo nga yung gawain mo sa akin dati pero iba na po ngayon. Hindi na po tayo tulad ng dati sir! IBA NA PO NGAYON!" Hindi naman sa bitter pa rin ako pero sobrang nainis lang ako dahil kung umasta ito ay parang walang nangyaring break up namin dati at parang hindi niya ako iniwasan dati na parang may nakakahawa akong sakit. At tsaka gusto ko na ring umiwas sa mga issue.
Hindi naman ito makapag salita. Kumukurap kurap lamang ito at bukas sara Ang bibig na parang gustong magslita pero wala itong masabi." Sir hindi po ako bitter sa nakaraan natin pero sana po, alam nyo po ang boundary between employer and employee. With that lumabas na ako sa office para umuwi. Iniwanan ko siya roon na tulala sa mga sinabi ko.
Mabuti nga sigurong magresign na siya.
BINABASA MO ANG
Now That You're Here Again
RomanceSi Brina ang klase ng Babae na naniniwala sa mga lucky charm, horosecopes at mga hula hula, Her long time boyfriend Eduard Pete Dela Vega broke up with her because of that, nagsawa na raw ito sa kanya at sa kawirduhan nya kaya naghanap ito ng iba...