Prologue"Ma'am, may meeting po kayo with Mrs. Ferrer by 11:00am." pagpapaalala sa akin ng aking sekretarya.
Tumango lang ako at sinabihan na siya na maari na siyang lumabas ng aking opisina.
Napatingin ako sa aking wall clock at nakitang 10:36am na pala. And what did my secretary said? A meeting with that old woman again. Seriously? Kailan siya mapapagod na pilitin ako sa bagay na 'yon?
Bago pa ako mabaliw ay buti na lang at tumawag ang tanging nagpapasaya sa akin sa ngayon.
"Yes, baby?" nakangiti kong bungad.
He just woke up for sure or baka naman ay kakatapos lang makipaglaro.
"Mama! Mama!" mas lalo akong napangiti dahil sa kung pano niya ako tawagin. Ang cute talaga ng boses ng batang ito, hays.
"Yes, baby? Bakit ka napatawag?" tanong ko dahil tumatawag lang ito sa akin kapag magpapabili ng pasalubong o di kaya'y naiinis na naman siya sa yaya anne niya.
Matagal siyang hindi nagsalita kaya medyo kinakabahan na ako. Naririnig ko rin na may kung anong maingay sa background.
"Baby? What's wrong?" tanong ko dahil ilang minuto na siyang hindi nagsasalita.
"Mama! Buy me a new toy!" inilayo ko ng konti yung cellphone ko sa tenga ko kasi ang lakas ng sigaw niya.
"Theo marami ka nang laruan 'di ba? Sa susunod ka na lang bibilhan ni mama." pakikiusap ko sa kanya. Sa totoo lang ay sobrang dami niya nang laruan. Halos araw araw siyang nagpapabili sa akin ng laruan.
"But mama!" halata sa boses niya na medyo nadismaya siya kasi ngayon lang ako humindi sa gusto niya. Ayoko naman na maging spoiled siya at lumaki na parang nakukuha niya lang lahat ng gusto niya.
"Don't worry, Theo, I will buy you lots of toys tomorrow." nabigla ako nang marinig ko ang boses ni Troy sa kabilang linya.
"Really, Dada?"
"Ofcourse, anything for my baby Theo." parang pakiramdam ko pinariringgan nila ako kaya napa-roll eyes nalang ako.
"Okay, I gotta go now. May meeting pa ako later." pagpapaalam ko.
"Okay, Mama. Ba-bye! I love you." napangiti ako dahil sa sinabi ni Theo at saka pinindot ang end button.
Hays. Theodore Angelo Cordova.
"Ma'am? Start na po ng meeting niyo. Nasa conference hall na po si Mrs. Ferrer." pagtawag sa akin ni Angelica, yung secretary ko.
Agad akong tumayo at kinuha ang aking bag.
Habang papunta sa conference hall ay hindi natigil sa pagdaldal si Angelica. Nakakairita na nga pero wala ako sa mood makipag-away kaya hayaan na.
"After this meeting with Mrs. Ferrer ay meron kang appointment with Valerie Mendiola, and by 2pm ay meeting with the investors, by 4pm ay may appointment ka with Sasha Olivero." kanina pa daldal ng daldal si Angelica at 'di pa man kami nakakarating sa conference room ay sumasakit na ulo ko.
"Cancel mo lahat." diretso kong sabi. I wanna rest naman. This week is a hella tiring week.
"Bakit po, Ma'am?"
Hindi ko na sinagot si Angelica at agad na pumasok sa conference hall. Doon ko naabutan si Mrs. Ferrer na may kausap sa kanyang telepono.
"Good morning, Mrs. Ferrer." pagkuha ko sa kanyang atensyon.
Agad naman siyang napalingon sa aking gawi at saka nagpaalam na sa kung sinong kausap niya sa telepono at nginitian ako.
Tumayo siya't niyakap ako.
"It's been a while, Amanda! I'm so glad to see you again my future daughter-in-law."
YOU ARE READING
One To Remember
Teen FictionOne summer night, Amanda Cordova was in a bar when she met a hot and handsome guy.