Nagising ako na naka sandal ako sa isang malaking puno. Tumingin ako sa paligid ang Ganda sa bandang kaliwa may mga sunflower. Tumayo ako Para pumunta sa banda doon. Pag Punta ko doon may Lalaki akong nakitang naka talikod. Humarap ang Lalaki sa gawi ko ngunit di ko makita ng maayos ang kanyang mukha. Maliwanag sa banda nyang iyon Kaya lumapit ako.
Habang palapit ako ng palapit sa Lalaki ay namumukhaan ko na sya. Si Dwight, ang Ganda ng ngiti nya na animo'y walang problema na dinadala.
Binigay nya saakin ang bulaklak inabot ko naman ito. Walang sabi sabi na tumalikod sya ulit at biglang lumiwanag sa banda nya.
Tumakbo ako papunta sa kanya dahil ayokong mag Isa dito. Hindi ko kaya na wala sya. Pag punta ko doon ay nag liwanag ang buong paligid, wala ng mga bulaklak. Sinigaw ko ang pangalan nya ng paulit ulit.
"Maayos naman ang pasyente, Kaya huwag na kayo masyadong mabahala." Sabi ng isang tinig na Babae.
Unti unti kong iminulat ang aking mga Mata. Maputing paligid at sa amoy pa lang ng Kwarto alam ko na na nasa Hospital ako.
Tumingin ako sa gawing kanan Kung nasaan ang mga nag uusap.
"Sige Doc, thank you." Sabi ni Miaka sa doctor na kausap.
Tumingin sa gawi ko si Miaka at Dali Dali syang pumunta saakin.
"Hey, are you okay? Ano ba yung pinag usapan nyo ni Dwight? Bakit, Ganon na lang kung maka iyak ka?" tanong ni Miaka na may tonong pag aalala.
Hindi ko Alam pero kusa ko na lang syang niyakap at humagulgol na parang bata sa bisig nya.
Hindi ko na nagawang sagutin ang lahat ng mga tanong nya. Miaka knows me well and I know she'll understand me. Nasasaktan ako hindi dahil sa iniwan na nya ako kundi dahil sa iniwan nya akong walang rason. Kung, Ano ba talaga ang dahilan ng biglaan nyang pang iiwan saakin.
Dahil nadin siguro sa pagod sa pag iyak ay agad din akong nakatulog.
Hindi ko alam kung ilang oras na ako nakatulog pero nang imulat ko ang Mata ay dilim ang bumungad saakin. Napalingon ako sa gawing kanan at doon ko nakita si Miaka na mahimbing na natutulog sa sofa.
Umupo ako sa aking hinihigaan nakita ko yung bag ko sa maliit na lamesa sa gawing kaliwa ko. Kinuha ko iyon at nakita ko doon ang aking cellphone. Tinignan ko ang oras dito alas onse na ng hating gabi.
Nakaramdam ako ng pag kalam ng aking sikmura at nag hanap ng makakain dito sa kwarto. May nakita akong mga prutas at iyon na lang ang aking kinain.
Mansanas, saging at kahel ang aking inuna dahil hindi ko naman pwede kainin iyong mangga dahil baka sumakit lang ang aking tyan. Hindi ko na binuksan pa ang ilaw Para hindi ko na magising si Miaka. Sapat na ang ilaw na nag munula sa lampshade para makakain.
Nasa kalagitnaan ako ng pag kain niyon ng magising si Miaka. Pupungas pungas pa sya bago nya ako makita ng tuluyan. Agad nya akong pinuntahan nang makita nya ako.
"Rhizelle! Bakit hindi mo na lang ako ginising?" Nakasambakol ang kanyang itsura ng sinabi nya ito saakin.
Tuloy lang ako sa pag kain ng mansanas habang sinasagot sya.
"Ayoko ng abalahin ka sa pag tulog, tsaka ayos lang saakin ito." Pag ubos ng mansanas ay iyon namang kahel ang aking nilantakan.
Iiling iling pa sya saakin na parang problema pa nya kung bakit hindi ko sya ginising. Lumingon pa sya sakin at napabuntong hininga.
"Hays. Maayos lang ba saiyo ang prutas? Kung, gutom kapa sabihin mo lang at bibili ako sa canteen ng hospital na ito para di na ako lumayo." Sabi nya saakin at pumunta sa sofa kung nasaan sya kanina at kinuha ang jacket nya at isinuot.
"Sure." ngumuya ako at nilunok ito. Ngumisi ako sa kanya. "Hmm, kung my tapsi sa canteen at pineapple juice ay okay na okay na saakin iyon. Satisfied na ako doon." Sabi ko pa at bumungisngis.
Nangunot ang kanyang Noo saaking sinabi at nginisihan ko na naman sya. Napangiwi sya ng maisip nya siguro'y seryoso ako doon. Napa irap sya sa kawalan at sininghalan ako sa pagkain na akong gusto.
" Seriously, Rhizelle?! Tapsi?! Sa palagay mo ba ay nag luluto dito sa Hospital ng Tapsi?!" Nakalukot na mukha nyang singhal saakin.
She can't blame me, that's my favorite food. Nginitian ko sya na abot hanggang tainga. Ginulo nya ang kanyang buhok na parang Batang nag mamaktol. Tinawanan ko sya dahil doon. She loved me kaya alam ko na hahanapan padin nya ako ng Tapsi na gusto ko.
"Aish! Fine! I will call Kianna or Kyle to help me to find the favorite foods of yours. Hindi nga lang ako sigurado kung sa ganitong oras ay mayroon pa kaming mahahanap! Dammit! Go to hell, Rhizelle Schane!" Diwara nyang Sabi sakin tinignan nya muna ako bago kinuha Yung cellphone at wallet nya at tsaka umibis palabas ng Hospital. Natatawa pa ako pag tapos nyang umimbis Palabas. Kaya mahal na mahal ko iyong Babae na iyon eh.
Dala nadin siguro ng labis na pagka gutom Kung kaya't nakalimutan ko panandalian si Dwight. Tumayo ako para ma buksan na iyong ilaw sa Kwarto na ito.
Dumiretso ako sa mga pinag lagyan ng prutas at itinipon ang mga pinagbalatan ng aking nilantakan. Good thing at mayroon naman na maliit na trashcan dito. Pag tapos ko gawin iyon ay tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa loob ng aking bag at sinagot ang tawag.
"Oppa?" Sagot ko sa tawag, si Kuya iyong tumatawag.
"Hey, Meishi told me na nasa Hospital ka daw. What happened?" Sa tono ng boses nya ay matutunogan ang pag aalala. I miss my Brother. Napabuntong hininga ako at sinagot sya.
"Uhm, I passed out Oppa dahil siguro sa pagod kaya nangyari iyon." Sagot at nag kibit balikat pa. I lied, yes. Ayokong mag alala pa sya ng sobra saakin. Nadinig ko pa ang pag bunting hininga nya sa kabilang linya.
"Paulit ulit ko sinasabi saiyo na Wag mo masyado pagodin ang sarili mo. Tulad nyan, nahimatay at Wal ako dyan para alagaan ka. Thankful naman at andyan mga kaibigan mo para saiyo." Si Kuya na lang kasi ang pamilya ko dahil wala na yung mga Magulang namin.
"Don't worry Kuya, maybe tomorrow ay makaka labas na ako dito. Don't worry to much Kuya. I promised I won't let this to happen again." Nakangiting Sabi ko kay Kuya.
"Alright. Basta, kapag may problema o hindi magandang nangyari. Sabihin mo sakin agad. Okay?" Seryosong Sabi ni Kuya.
"Yes Kuya. Thank you so much Kuya. Send my regards to Ate Chin Sun. Take care Kuya!"
"Sure Rhizelle, makaka dating. Mag iingat kadin dyan. Kuya loves you much." Na pangiti ako sa huling sinabi nya.
"I love you too Kuya."
"I'll hang up. Bye, Zelle." Sabi nya at ibinaba na nya ang tawag.
Ipinatong ko na lang sa maliit na lamesa ang aking cellphone at umupo sa higaan Para mag hantay sa Tapsi ko.
BINABASA MO ANG
When I First Saw You(SECOND CHANCE SERIES:1)
RomansSobra Sobrang hinanakit ang nadama ni Rhizelle ng Iwan sya ng Lalaking Mahal na Mahal nya. She think that she's nothing but a Heartless. She tried to suicide but someone grabbed her Waist. Nagalit at Nagulat sya sa ginawa ng Lalaki. Subalit sa lahat...