Hello Master 1

0 0 0
                                    

Kain. Tulog. Repeat.

Paulit ulit at nakakasawa na ang buhay ni Chinkole Zephia Natasha Ambrosio o mas kilalang "CZ". Kakagraduate lang nya sa kursong Business Add last year sa isang di gaanong kilala na Unibersidad ngunit magiilang buwan na ang nakalipas at hindi parin sya makahanap hanap ng maayos at permanenteng trabaho. Kakagising nya lang at ng makita nyang magaalas dos na ng hapon ay bigla nalang syang napabalikwas ng bangon at tumungo agad sa kusina upang humanap ng pwedeng makain.

'Hay buhay. Nalipasan na naman ako ng gutom itutulog ko na nga lang ulit to. Sabi nya sa kanyang sarili ng makitang walang laman ang kanilang ref at ganon narin ang kanilang bigasan. Pahiga na sana sya sa kanyang higaan ng biglang mag ring ang Di Keypad nyang cellphone na iniregalo pa ng kanyang ama nung mag desi Otso anyos sya. Tiningnan nya ang tumawag at bigla nalang syang sumalampak ng higa bago sagutin ang cellphone ng malaman nyang ang bading nyang kaibigan noong college ang tumatawag sakanya.

"Hello? Oh napatawag ka Edgarciano?" sabi nya. Napangisi nalang sya bigla ng makarinig ng isang matinis na sigaw galing sa kabilang linya.

"Jusko naman Sisteret Cz! sinong Edgarciano ang pinagsasabi mo? Hindi mo ba ako kilala? Eddy ang pangalan ko. Ang Dyosang Eddy ng Business Add Year 2018!" maarteng sabi ni Eddy.

Napahalakhak nalang sya bigla dahil sa hindi nya matiis na hindi matawa sa tuwing maguusap sila ni Eddy dahil paulit ulit paring bumabalik sa isip nya kung paano sila naging matalik na magkaibigan na dalawa. Naalala nya noong First year pa lamang ng unang makita ang kaibigan noon ay na "Love at First Sight" na ito agad at ni hindi manlang sumagi sa isip neto na may kalahi pala ni barbie ang kanyang first love. Halos ilang linggo din syang kabilang sa isang "Gang" na kung tawagin ay "GANG"Tingin at "GANG"Panaginip lang  kay crush ang naging tema nya. Nalaman nalang nya na bakla pala ito nung nagkataon na mag ka grupo sila sa isang activity at halos lumundag ang puso nya nung bigla nalang magtama ang kanilang mga mata. Dahan dahan syang lumapit dito habang hindi maalis alis ang ngiti sa mga labi nya nung mga panahon na yun hanggang sa bigla nalang syang lagpasan ni Eddy at nakita mismo ng kanyang dalawang mata ang walang kahiyaan ng kanyang first love dahil sa biglang pagkabit ng braso ni Eddy sa isang basketball player netong kaklase at akmang hahalikan pa eto nito. Nakita rin ni Eddy ang ekspresyon ng kanyang mukha at tinaasan lamang sya neto ng kilay. Sa panahong iyon, Doon nya nalaman ang pinakamasakit na katotohanan sa buong buhay nya na kalahi nya rin pala si Eddy at hanggang ngayon hindi parin matanggap ng sistema nya na isang Baklang nagbalat anyong makisig na tao na may matinis na boses ang first love nya.

"Hooy! Hello? CZ? Ano ba yan tulaley kana naman. Ano ba? Nakatulog kaba? O baka naman pinagpapantasyahan mo na naman ako no? Yak CK ang puri ko! Ang Dangal ko!" mala artistang sabi ni Eddy sa kabilang linya na agad namang nagpabusangot sa mukha kung kaya't hindi na nya napigilan ang sariling masigawan din ang kaibigan.

"HOY Excuse me Edgarciano Pitumpotwalo Jr. Hindi kita pinagpapantasyahan no? At ano nga ulit ang sinasabi mo?" pagiiba nalang nya bigla ng usapan.

"Duhh Jr jr ka jan! Actually sabi ko nga kanina may nahanap akong isang Ad. Sa facebook at naghahanap sila ng magiging sekretarya ng Boss nila. Nakachat ko na rin ang isa sa mga empleyado dun at according sakanya Yummy daw ang boss nila." Maarteng pahayag ni eddy sakanya nakapagbigay ng interes sakanya.

"Talaga? Saan mo nakita? Imention mo nga ako dun sa comment section at para makapagpasa ako agad ng resume ko". Mabilis na sabi ni Cz.

"Wow te! Agad agad? Hahahaha sinabi ko lang na Yummy ang boss nagkainteres ka naman agad". Biglang sabat ni Eddy na nakapagbusangot ulit ng mukha ni CZ. Natawa si Eddy sa sarili dahil alam nyang nakabusangot na naman ang mukha ng kaibigan kahit na hindi sila magkausap sa personal alam na alam nya kasi na halos applyan na ng kaibigan lahat ng trabahong alam nya para magkaron na ng income at makatulog sa magulang.
"Oh? Hahaha Joke lang yun sisteret alam ko naman na Hindi Yummy na Boss ang hanap mo. Wag kana magalala naipasa ko na ang resume mo at ang sabi ng nakachat ko ay pumunta kanalang daw sa sabado for interview." Pambawi nya sa kaibigan.

"Hahahaha Alam na alam mo talaga kung pano bumawi sister. Maraming salamat Eddy The Dyosa HAHAHA ilalalalalabyuu" panlalambing ni CZ.

"Yak kadiri ka talaga. Oh sya sige na at may workiz pa ang Dyosa mong friend. Goodluck sayo. Tumawag lang talaga ako para dyan! Naku ikaw ayusin mo dun ng matanggap ka at maafford mo ng magrenta ng Lalaki HAHAHAHA sige na bye na!" Mahabang litanya ni Eddy na nakapagpangiti sakanya.
"Oo naman yes Sister! Hahaha Bye!" Masayang paalam nya.
"Hoy Wag ka malalate! Sa Sabado ha?" pahabol pa ni eddy.

Pinatay na ni Cz ang Cellphone nya dahil alam nyang baka bukas pa matapos ang usapan nila ng kaibigan nya. Nawala ang gutom na naramdaman nya kanina at para syang nakalanghap ng isang katutak na Rugby dahil sa sobrang energenitc nya. Bigla nalang syang bumangon at may pasayaw sayaw pang nalalaman habang papunta sa lumang aparador at maghalungkat ng kanyang masusuot sa darating na sabado. Tiningnan nya ang maliit na kalendaryong nakasabit sa likod ng pintuan ng aparador nya at tiningnan kung anong petsa na ngayon.
*March 19, 2*** Thursday'.
'Hmm. Dalawang araw na paghahanda para sa gyera hahahaha magbabaon ako ng sandamakmak na tissue sakaling duguin ang ilong ko' natatawang isip nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hello MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon