"Hindi ko inaasahan na malapit kayo ni Keb sa isa't-isa." Nakatitig siya sa akin na para bang may masama akong nagawa. "Ang ibig kong sabihin na sumasama ka sa kanya kahit hindi oras ng trabaho." Pahabol niya.Nahimigan ko ang pagkadismaya sa kanyang boses. May nagawa ba ako?
"Kaibigan na ang turing ko kay Keb."Kinakabahan kong sagot.
Baka naman nagmumukhang tanga ako dito na nagsisinungaling tapos alam na pala niya ang totoo.
Napasulyap ako sa litratong hawak niya at halos mawalan ng balanse ng makitang ako ang naroon sa maliit ang sa picture frame. Hindi niya napansin ang kakaibang reaksyon ko doon. Hindi man ako makatingin sa kanyang mga mata ngunit nararamdaman ko ang tensyon sa pagitan namin.
Di ko masabi kung kilala ko pa ang dating kaibigan at minamahal, sa tinagal ng panahon ng di namin pagkikita at nagkasama ang lahat naman ay nagbabago.
"Inimbitahan niya lang ako dahil may gusto siyang sabihin. Nandito ka rin naman kaya pumayag na akong dito na nga kumain." Pagkukunwari ko.
"Aakyat lang ako sa taas, kakausapin ko lang siya--" Tatalikod na sana ako para mapuntahan si Keb, gusto ko muna siyang makausap kung bakit nga ba ako nandito at kung ano ang ginagawa ni Yvo dito, Pero nawala lahat ng iyon ng uminit ang katawan ko sa maingat niyang pagkakahawak sa aking braso.
"Really? Hmm..Stay here. Wait for him, hindi mo kailangan umakyat sa kwarto niya."
Oo nga naman Selena!
Hindi naalis ang titig ko sa hawak niya kaya ng mapansin ay binitawan niya ang aking braso a t tahimik na naglakad palapit sa isang lamesa kung saan ipinatong ang litrato ko.
"Nakita mo na siya?" Wala sa sarili kong tanong. Alam kong alam niya ang ibig kong sabihin pero mas pinili niya ang mag maang-maangan.
"Iyong babae sa litrato, kapatid ni Sir Sirius. Siya yan hindi ba? Naglakas loob akong naglakad, tsaka lumapit at kinuha ang litrato. Tandang-tanda ko pa ang araw na ito, Masaya akong niregalohan ni Daddy ng relo dito. Ang kauna-unahan kong relo noong bata pa, Si Mommy naman ay inaakayan ni Daddy may hawal din itong regalo habang si Kuya Sirius ay nanatiling suplado ang mukha at walang emosyon.
Pigil ang aking mga luha, hindi pa ako nakikilala ni Yvo. Dahil kung nakilala man ay hindi na sana ako pinigilan pang umakyat sa itaas at puntahan si Keb sa kwarto dahil alam niyang mag- pinsan kami. Pero sa sinabi niya kompirmadong wala pa siyang alam. Palaisipan man kung bakit ako dinala ni Keb dito ay isinantabi ko na.
Isa-isang bumalik ang ala-ala ko noong bata pa sa Iloilo, hanggang sa lumipat na kami dito sa Manila.
"Hindi pa." Sagot niya sa aking tanong.
"Hindi mo pa nakikita?"Pag-ulit ko, hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa sagot na iyon. Pwedeng hindi pa nakikita o nakilala o di kaya---
"Hindi ko pa nakikita ulit." Napaangat ako ng tingin sa kanya, may bahid ng lungkot at galit sa kanyang mga mata. Nasasaktan man ngunit hindi ko din alam kung magagalit din ba ako. May karapatan ba ako? Pwede ban magalit?
Hindi niya ako hinanap, ni hindi siya gumawa ng paraan para puntahan ako. Tapos siya pa itong galit?
"So nagkita na kayo dati? Yon ba ang ibig mong sabihin?" He slowly nodded. Huminga ng malalim at muling kinuha ang litrato sa akin para maibalik sa lamesa.
"Magkasama kaming lumaki--" Pinutol ko agad ang sasabihin niya dahil mas importante sa akin ang dahilan kung bakit ayaw niya akong makita.
"Magkaibigan kayo kung ganoon." Pilit kong kinokontrol ang sarili, takot masabi ang mga hindi niya pa dapat malaman. Napapapikit nalang ako sa sakit sa nga naririnig mula sa kanya. He waited for me, Ilang taon niya akong hinintay ngunit ni kahit anino ay walang nagpakita sa kanya.