Prologue

602 26 2
                                    

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Naghahanda sa pagpasok at nagpapaganda na rin para kay Sir Kobe hihi!

Crush na crush ko yung Prof namin! Ang gwapo naman niya kase, makalaglag panty yay! Hahahaha!

Actually he's only 24, I'm 17. Not bad. 7 years lang naman ang agwat namin. Age doesn't matter duhhhh!

Done.

Bumaba na ako at nagtungo sa kusina para kunin yung lunch box na ibibigay ko kay Kobe—-ay este Sir pala. >___<

"Mommy, asa'n na po yung 'pinahanda kong baon?" Tanong ko kay Mommy pagkapasok ko.

"Nandiyan. Hoy, ikaw Psyche! Tigil tigilan mo si Sir Kobe ha? 'Wag na 'wag kong malalaman na nakipag away ka na naman ng dahil sakanya." Pangangaral ni Mame. Napanguso naman ako. Pagtutusukin ko lahat ng mga matang titingin sa asawa ko. Hmp!

"Yes Mom!" Sumaludo ako. Napailing nalang si Mommy habang nakatawa.

Pagpasok ko sa school ay pinagtitinginan ako ng mga studyante. Alam kong maganda ako, 'wag naman kayong pahalata! Inismiran ko dilang lahat. May mga bumabati ng magandang umaga at meron ding nagbubulong bulungan tungkol sa'kin. Pake ko naman? Hmp! Mga plastic!

At dahil maaga pa, nagpunta muna ako sa office ni Kobe—-ay este, Sir Kobe.

Here you go!

Pagdating ko sa tapat ng pintuan ay walang katok katok kong pinasok yung office niya.

"GOOD MORNING SUNSHINE!!!" Malakas kong sigaw.

Napaiktad naman ito sa pag kakaupo at muntik nang mahulog. Napabungisngis naman ako.

"What the f*ck woman?!" Nakakunot noong sabi nito sabay tayo. So hot!

"Watch your mouth Mr.Lavins." Seryoso kong sabi sabay lapit sa table niya at inilapag ko yung inihanda kong pagkain niya.

"What are you doing here?" Humalukipkip siya sa harap ko. D*mn biceps!

"Dinalhan kita ng pang breakfast. Kainin mo 'yan. 'Wag na 'wag ko ulit malalaman na ipinamigay mo iyan sa iba. Makakatikim ka talaga sakin." Sinamaan ko siya ng tingin.

"'Wag mo'kong matigna-tignan ng ganyan Ms.Buenavista. I'm your prof, so matuto kang rumespeto. Hindi ko kailangan 'yang pagkaing dala mo. Kaya kong bumili ng pagkain ko." Pagsusungit nito. Nyenyenye!

"Basta! Kainin mo 'yan. See you later!" Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa kaliwang pisngi. Hmmm bango.

"MS.BUENAVISTA!" Bago niya pa ako maabutan ay kumaripas na ako ng takbo.

HAHAHAHA! Gandang simula ng araw ko.

Back In My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon