Ayoko ng Magbalat ng Patatas

1.1K 0 0
                                    

"Ayoko naaaa!!!!"

Umiiyak na naman ako. Nahihirapan naman ako. Bakit ganito? Bakit ganun siya?

"Ayoko pa. Darating din tayo diyan."

Paulit-ulit pa ring nagrerehistro sa tenga ko ang mga sinabi niya. Paulit ulit pa rin akong umaasa na darating yung panahon na liligawan niya ako at magiging kami.

"5 months na Jun. Pero ganito pa rin tayo. 5 months na."

"Di ba sabi ko maghintay lang muna tayo. Pareho naman natin ayaw ng commitment di ba? Di ba sabi mo okay lang to? Di ba sabi mo maghihintay ka? Di ba sabi mo ayos lang?"

Oo. Ayos lang. Noong nagsisimula pa lang tayo. Ayos lang noong hindi pa malalim ang nararamdaman ko para sayo. "Pero iba na ngayon Jun. Alam mo namang mahal kita. Ano ba kasing dahilan bakit hindi pa pwede?"

"Mag-ayos ka na.." hinawi niya ang naligaw na buhok sa mukha ko at isiniksik sa tenga ko. "May pasok ka pa di ba?" Pinunasan niya ang luha ko.

Tumango na lang ako. Lagi namang ganito. Lagi niyang iniiwasan yung mga bagay na hirap siyang sagutin.

Hinalikan niya ako sa pisngi at lumabas na siya ng bahay.

Umalis na rin ako.

Pagdating ko ng school teary eyed pa rin ako. Halos hindi ko maintindihan ang lesson. Tanging si Jun lang ang nagreregister sa ulo ko.

"Ayos ka lang ba?" tanong sakin ni Carmi.

"Oo. Okay lang ako."

"Kilala ko yan, Twiny. Hindi yan okay."

"Okay lang talaga ako,Camille." yumuko ako at ipinasok ang notebook sa bag ko.

"May masama bang ginawa sayo si Jun?" napatingin ako sa mukha ni Carmi dahil sa tanong niya.

"Wala naman. Tulad pa rin ng dati."

They made faces.

"Buti pa kumain muna tayo tapos pagusapan natin yan."

Pumunta kami ng greenwich para magmeryenda. Buti na lang wala kaming pasok ngayong hapon.

"Okay lang umiyak paminsan minsan. Wag mong pigilan. Mas lalo ka lang masasaktan at mahihirapan."

Hinagod ni Camille ang likod ko kaya mas lalo lang akong nalungkot at naiyak.

"Hindi ko na siya maintindihan ngayon. Hindi ko na alam kung mahal niya pa rin ako."

Binigyan ako ni Carmi ng panyo para punasan ang luha ko kanina pa tulo ng tulo.

"Sabihin mo sa kanya na hindi mo na kaya. Na nahihirapan ka na. Na nasasaktan ka na dahil pakiramdam mo hindi ka mahalaga sa kanya."

"But he always have excuses. Pag tinatanong ko siya ng mga bagay tulad na lang kung bakit hindi pa pwedeng kami iniiba niya yung topic. He can't straightly point out kung ano yung dahilan kung bakit."

"Akala ko noong una lang kayo magiging ganyan. Akala ko dadating kayo sa point na magkakaroon ng kayo."

"Akala ko rin. I expected. nag assume ako na liligawan niya ako. Binaba ko na ang pride ko pero hindi ko alam kung ano pang kulang."

That day was ended and yet the pain still remains.

Nagsimula ang panibagong araw pero nandun pa rin yung sakit. Nandun pa rin yung hapdi.

Tinext niya ako ng good morning. Tinext niya ako na kumusta daw ako. Na parang wala lang sa kanya ang lahat. Na parang ang dali lang lahat ng to.

"Sige guys, alis na ako." paalam ni Camille kasama si Al, ang boyfriend niya.

Mga Kwentong May Hugot (short stories compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon