"Loving someone doesn't need any reason."
- Yan ang paniniwala ng isang babaeng katulad ko. Ako nga pala si Roxanne. -simple, makulit, boyish, at mapagkakatiwalaan. TAKEN na nga din pala ako. Yes. As in IN A RELATIONSHIP.
Nick ang pangalan ng taong pinakamamahal ko (Mabait, sweet, dancer, pogi, at friendly). Di ko na nga alam ang hahanapin ko sa kanya eh. kasi feeling ko, kumpleto na ang pagkatao ko sa kanya.
SEPTEMBER 15, 2012..
Ang araw na sinagot ko sya.
"Thank you nga pala sa ma ginawa mo sakin ngayong araw na to, Alam mo daig ko pa ang nanalo sa lotto dahil sa pag-OO mo.Di ko alam kung pano kita mapapasalamatan. Basta mahal na mahala na mahal na mahal kita yan lang ang masasabi ko. Pasensya na din pala sa nobela kong text. Basta tiwala lang, hindi tayo sabay pinanganak pero sabay naman tayong tatanda.. Goodnight na ang baduy ko na . Ilove you Roxanne." Text ni Nick sakin. :">
Npapangiti ako lagi sa mga simpleng kabaduyan nya. Pero sa kabila ng mga kabaduyang yun, dun naman ako na-inlove. ewan ko. sa dinami-dami ng manliligaw ko, siya ang pinili ko!
"YABB" isang simpleng text nya na ganyan buo na araw ko. (Yabb nga pala ung Call sign namin.) Lagi rin kaming nagkakasundo ng boyfriend ko. parehas kasi kaming Hyper. kaya in short komportable ako pag kasma sya.
"OCTOBER 3, 2012" First kiss namin =g dalawa. Di ako makapaniwalang mangyayari un. Eto din ang araw na nalaman kong protektado ako sa kanya. "Savemore" after practice nila naggala kami with our anakis Yeng and her boyfriend David. Napagtripan namin ung parang robot na tao. "Yabb magkabilang robot tayo. (sabay naming hinulog ung barya at gumalaw na ang mga robot.)
Takot ako kaya lumalayo ako, biglang lumapit sakin ung robot at gustong makipag-shake hands. (iaabot ko na ung kamay ko) Biglang hinawi ni Yabb ung kamay ko. sa isip ko OMG Kinikilig ako! :""">
Ang saya ko talaga non. Parang ayko na nga matapos yung oras na niyakap nya ako palayo sa robot.
--
Dumating ung time na papalapit na ang practice nila sa HANE FESTIVAL. Isa kasi sya sa mga Movers. At hanggang sa eto na ung araw na sumasayaw sila.
"Ang galing ng boyfriend ko sumayaw."
And kahit busy sya, proud akong sabihin na hindi sya nawawalan ng oras sakin.
Akala ko lang pala yon. After ilang weeks, nagiging busy na talaga si Nick. Hindi na nya ako sinusundo or inaantay pag uwian, di na sya sumama sa pagsimba at higit sa lahat hindi na sya nagtetext. PAGOD SYA KAYA PINAPABAYAAN KO NALANG.
Tulad nga ng sinabi ng bestfriend ko na si Andy, "Ang babae porket sinagot kana ay hindi mo na susuyuin, ang babae kahit kayo na, nililigawan mo pa rin."
Naka-relate ako sa Bes ko. And oo nga pala speaking of my bestfriend sya ung maasahan , mabait at hyper.
Siya ung madalas kong kasama. Mapalungkot man o mapasaya, wala kaming iwanan.
"Bes ok ka lang ba? Anong problema?"
"Wala namimiss ko na sya bes."
"Ok lang yan, pareho lang tayo kaso hindi naman tama na hindi ka nya itext kahit ilang beses."
"oo nga eh, pero hayaan na natin baka pagod lang talaga sya." :/
Yung Feeling na gusto mong magalit sa bagay na hindi mo naman dapat ikagalitan? Nararamdaman ko na ngayon eh. :(
Parang lumalayo na kasi ung loob nya sakin (Nick). Feeling ko tuloy, ung Practice ung girlfriend nya kasi mas palagi syang may oras dun!! Tas ang lagi pa nyang mga kasama ay mga babae. at ang mga babaeng yon ay ang mga kaklase kong mapanira sakin. Di ko alam kung magseselos ba ako o hindi. Kasi ang sasabihin nya lang naman kaibigan nya lang si Mandie.
Baka nga kung anu-ano ang sinasabi nun sa boyfriend ko.
"Pero kung mahal ka non, hindi nya paniniwalaan ang mga sinasabi ng ibang tao tungkol sayo. In fact, tatanungin ka nya."
Indi ko alam, parang hindi na sya ung Nick na sinagot ko. Dati lagi syang nagtetext pagkagising nya at pahabaan pa ng sasabihin bago matulog..
"HAYAAN NA DAPAT SUPORTAHAN AT INTINDIHIN MO LANG SYA BAKA NGA PAGOD LANG."
"Pero pag sa iba may time?"
"Hindi ah, Ganun lang talaga un"
"Hindi ka naman ipagpapalit nun.
Ang mga bagay na lagi kong sinasabi sa sarili ko. Pero nilalawakan ko ang isip ko para walang away.
"At dahil mahal kita handa akong magparaya"
- Turo ni Teacher Arante. Sya ung teacher namin sa English subject.
Dapat daw magparaya ksi mahal mo ung tao.
October 14, 2012 nagkaayos ulit kami.
October 15, 2012: First Monthsary namin ni Nick, bes Andy and pareng Anthony..
Hindi ko inaasahang may ibibigay sakin si Nick. "SULAT". :"> ayon! kilig!
"Hi baby! Happy monthsary sana magtagal pa tayo ng sobra pang tagal. sorry sa lahat ng ginawa ko. mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita, di ko na yata kayang mawala ka pa sakin. I love you to infinity and beyond. Ikaw lang ang prinsesa dito sa buhay ko wala ng iba. Ikaw at ako tayoy pinagtagpo. Happy monthsary ulit Roxanne Mislang! I love you."
"Sana di na matapos tong araw na to."
Kaya nga sabi ko sa sarili ko,
Kahit gaano pa sya ka-busy, handa pa rin akong intindihin sya.
Kahit gaano siya kakulit, sasabayan ko pa rin sya,
Kahit gaano pa sya ka-seloso, aamuhin ko pa rin sya.
At higit sa lahat, kahit gano pa sya kahirap asikasuhin, mamahalin ko pa din sya. :">
Sya nga ba ang huli ko?
Sana nga po siya na. <3 :*
BINABASA MO ANG
Eto ang True Love. :">
Teen FictionLove has no Definition and definitely no ending. :)