LOA Part 8: Ang Puting Van

1.8K 126 12
                                    

Cover by Miss Justine a

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by Miss Justine a.k.a Eludia

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League of Angels

AiTenshi

Dec 16, 2019

Part 8: Ang Puting Van

Alas 2 ng umaga, habang nasa kasarapan kami ng tulog ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Cookie. Umiiyak ito at sinabing puntahan ko siya sa ospital. Ang kanyang tinig ay takot na takot na para bang binabawian na ng hininga. Syempre ay agad naman akong bumalikwas ng bangon at sumakay sa taxi upang siya ay sunduin.

Pag dating sa ospital ay nakita ko nga itong si Cookie na naka upo sa isang silya, umiiyak, wasak ang damit at wala na sa ayos ang kanyang wig na suot dahil ang likurang parte nito ay napunta na sa kanyang mukha. "Cookie, ano bang nangyari sa iyo? Narape ka ba?" tanong ko noong makita itong takot na takot.

"May humintong puting van sa harap ko saka ako pinasinghot ng kakaibang amoy. Nahilo ako at doon ay hinampas nila ako. Limang lalaki ang dumukot sa akin, pilit nila akong ipinasok sa sasakyan. Ang akala ko noong una ay nasa baitbus dot com ako at igagang bang ng mga lalaking iyon pero may nakita pa akong dalawang babaeng dinukot rin at nakatali ito sa likod ng kanilang sasakyan." ang umiiyak na salaysay ni Cookie.

"Ano pag katapos ano ang ginawa mo?" tanong ko.

"Edi siyempre nagalit ako. Sumigaw ako "bakit may babae? Hindi ako pumapatol sa babae!!" Pero nag tawanan lang sila at pinag susuntok ako hanggang sa mawalan ulit ako ng malay." ang wika niya.

"Pambihira ka naman Cookie, bakit hindi ka lumaban? Kaya nga hindi ko na binawi sa iyo yung bracelet ni Gene at Asis para magamit mo iyon in case of emergency!" sermon ko.

"Iniwan ko, kasi hindi bagay sa bestida ko! Naka red dress ako tapos may bakal na bracelet sa braso ko? Ang pangit diba? Paano ko mag P-phoenix walk kung mag mumukha akong asong may posas kapag suot ko iyon?" ang tugon niya dahilan para mapa kamot nalang ako ng ulo at maupo sa tabi niya. "Saan ka dinala ng mga iyon?" tanong ko pa.

"Dinala nila ako sa isang gusali na puro salamim, tapos doon ay nakita ko yung dalawang babae na nakahiga sa isang lamesa, inaalisan nila ito ng lamang loob. Nanghingi pa ng tulong sa akin yung babae pero wala akong nagawa! Mag tatangka sana akong tumakas pero nahuli ako ng isang lalaki at dito ay nag laban kami dalawa. Kinuha ko ang mahiwagang bato sa dibdib ko at nilunok ko ito. Sumigaw ako "Nardo!" pero bumalik lang ang bato at kusa itong lumuwa sa bibig ko. Bakit bumabalik? Sinubukan ko itong lunukin ulit at sumigaw ako "COOKIE!!" pero wala pa rin! Bumalik lang ulit ang bato. Kaya naman tumakbo nalang ako at iniligtas ang aking sarili. Noong maka kita ako ng kotseng dumaraan ay sumabit ako sa likod nito para lang makatakas." ang umiiyak na wika ni Cookie.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon