MSH- Awkward moment

140 10 3
                                    

Hi Readers... Di ko kayo matiis eh lalo na yung kaklase ko.

Kasi sabi niya mag-update daw ako kaya sa kaniya ko to idededicate.

Yey! Atleast ngayon alam ko na na may nakaka appreciate pala nitong story ko.. Thanks ^___^

______________________

Alexa's POV

Hoo! Buti naman dumating na yung Prof. namin kung hindi baka nahabol na 'ko nun. Tiningnan ko yung katabi kong upuan. Wow! Infairness hindi siya late.

Nakashades? Kung makapagshades naman siya parang tirik na tirik yung araw ah? Hayaan na nga trip niya yun eh, paki ko ba? 

Nagsimula ng magdiscuss si Sir Velaquez at infairness tahimik lang siyang nakaupo. Ano kaya nakain nito? 

Teka nga Alexa bakit ba lagi mo na lang siyang pinapansin ha? - epal kong utak

Huh? Hindi noh? Napansin ko lang. Hoy hindi ko siya tinititigan ahh! - defensive kong utak

Nakinig na lang ulit ako kay sir Velasquez at doon ko na lang tinuon ang aking pansin.

Nang matapos nang magdiscuss ang aming guro nagsilabasan na ang iba naming mga kaklase at ang naiwan na lang ay ako at si Ivan.


tinitigan ko ang kaniyang mukha. Hindi kaya......tulog to? At kaya siya nagshades ay para hindi mapansin na natutulog siya?

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.

Tatanggalin ko sana ang shades na suot niya pero nagulat ako nung gumalaw siya kaya nahulog ako sa upuan ko.

"Aray! Bakit ba bigla bigla ka na lang nanggugulat?" inis na sabi ko sa kaniya habang dahan dahang tumatayo.

"Ikaw nga tong nagtatangkang halikan ako eh!" sambit niya ng may halong pang-aasar

"H-Hoy a-anong hahalikan ang pinagsasasabi mo diyan? Hindi noh! Tinitignan ko lang kung tulog ka!" nakakainis. Hindi ko naman siya hahalikan eh. Kasalanan ko rin naman.

BAKIT KO BA NILAPIT YUNG MUKHA KO?!! 

"Sus! Nagdeny ka pa. Wag kang mag-alala secret lang natin na may gusto ka sa'kin. 'Di ko ipagkakalat." sabi niya habang tumatawa

"Hoy, ikaw! For your information hindi kita type noh! At isa pa wag kang masyadong assuming tinitingnan ko lang kung natutulog ka no. Diyan ka na nga! Sinisira mo yung maganda kong araw. Bwiset!!" inis na sabi ko sa kaniya sabay walk out pero naririnig ko pa rin yung tawa niya.

Grabe! Ang kapal talaga ng mukha niya. NAKAKAINIS! 

Pero ang cute niya tumawa...

 Pumunta na ko sa next subject ko.

Naglesson lang kami, pero wala akong naintindihan dahil lutang ang isip ko dahil sa nangyari kanina. 

Kainis >__< Masyado siyang feeling! 

"Class dismiss" hoo! Sa wakas naman at makakakain na rin ako. 

Ginutom tuloy ako dahil sa bwisit na yun!

Hinintay kong matapos si Jane sa klase niya para sabay na kaming mag-lunch.

"Ano? Tara na?" masayang sabi niya. Tumango na lamang ako bilang tugon.

Pagkadating namin sa cafeteria sakto maraming tao, at halos wala nang bakanteng upuan.

"Sige Jane humanap ka na muna diyan ng bakanteng upuan. Ako na bibili ng order mo." sabi ko sa kaniya. 

Sinabi niya sa akin ang order niya at umalis para humanap ng mauupuan. Ako naman ay pumila na lang. 

Pagkabili ko ng aming makakain ay agad kong hinanap si Jane.

Nakita ko siya sa isang malaking table at meron siyang mga kasama. Teka, anong ginagawa niya dun sa table nina Vince? 

Nang makita ako ni Jane ay agad niya akong tinawag upang lumapit kung saan sila naroroon.

Inilapag ko ang pagkain namin sa lamesa at hinila si Jane.

"Uy! Bakit dito tayo kakain? Humanap na lang tayo ng ibang pwesto." bulong ko sa kaniya.

"Ano ka ba? Wag ka na mahiya. At isa pa wala na akong choice kasi puno na yung cafeteria. Sila naman pati yung nagsabi sa'kin na dito na tayo kumain eh. " sagot naman niya sa'kin

Aishh!! >__< Ano ba yan? Umiiwas nga ako kay Ivan at Vince eh tapos dito pa kami kakain?!

Pero nakita kong si Lance at Kris lang ang nasa table kaya tinanong ko si Jane kung nasaan yung dalawa. At ang sabi niya yung dalawa daw yung umorder ng pagkain nila.

Hinintay muna namin dumating yung dalawa bago kumain. Bale ang pwesto namin ganito.

Kris      Ivan      Lance

Vince    Ako      Jane

Bale katabi ko si Jane at Vince at katapat ko naman si Ivan. 

Hindi ako makakain ng ayos dahil nakikita ko si Ivan na nakasmirk.

Oh no!! Naalala ko kaklase ko nga pala silang lahat sa next subject! T_____T

"Bakit parang wala kang ganang kumain?" pagtatanong sa'kin ni Vince.

"Huh? Ah ano---kasi ayy w-wala pala" nauutal na sagot ko.

Tiningnan naman nila ko ng may halong pagtataka maliban lang kay Ivan. Nagulat na lang kami nang bigla siyang tumawa.

Tiningnan siya nina Vince nang may halong pagtataka. Uh-oh mukhang alam ko na kung bakit siya tumatawa.

"Uy, pre ba't ka tumatawa dyan? Para kang baliw." sabi sa kaniya ni Lance.

"Hahaha si ano kasi -hahahaha- haha--" bago pa niya matuloy yung sasabihin niya sumigaw ako.

"Aaaahhh!!!" sigaw ko.

"Bakit ka sumisigaw?" tanong nila sa'kin

"Ah ano, kasi---Yung ipis naapakan nung lalaki! Oo tama naapakan yung ipis. Kawawa naman." Grabe! Sa dami ng pwede kong idahilan bakit yun pa? Tiningnan tuloy nila kong lahat sabay tawa.

Namumula na siguro yung buo kong mukha sa kahihiyan.

"Mauna na ko sa inyo ha? Byeee!" paalam ko sa kanila sabay takbo.

Waaahhh!! Nakakahiya talaga! T__T

____________________________

Author's Note: Nagustuhan niyo po ba yung chapter na 'to? Please Vote and comment ^___^ 

Anong kahihiyan nanaman ba yang ginawa mo Alexa? Hahahaha kawawa naman yung ipis...xD

Ms. Sungit and the HeartthrobsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon