The Story

15 2 0
                                    

"Nasaan na ba yon?" nakakainis naman. Nawala pa!

"Oy Trixie. Anong hinahanap mo? Kanina ka pa ah nahihilo na ako." sabi ni Dyan na nasa tabi ko lang.

Nandito ako sa school ngayon at wala kaming teacher dito sa room. Bawal kaming lumabas kasi class hours pa.

"Tatlong beses mo nang hinahalughog yang bag mo." sabi ulit ni Dyan.

"Nawawala kasi yung panyo ko eh."

"Wala ba sa bulsa mo?" chineck ko naman bulsa ko pero wala.

"Andito lang kasi yun eh. Aish! Bibili na naman ako niyan."

"Ano ba itsura ng panyo mo?"

"Puti siya na may green sa gilid tapos checkered-checkered siya."

"May pangalan ba yon?"

"Ummm... Meron ata?"

"San ka ba kasi nagpupupunta?"



Makalipas ang ilang araw. Hindi ko nahanap panyo ko kaya bumili na talaga ako ng bago.

Mag-isa lang ako sa room ngayon at may kinukuha ako sa bag ko.

"Trixie" nagulat ako kasi may biglang nagsalita. Kala ko ako lang nandito sa room.

"Oh Gelo. Ikaw pala." si Angelo yan. Crush ko yan eh. Kinikilig tuloy ako dahil kinakausap niya ako.

"Panyo mo pala." sabi niya sabay bigay ng panyo. Akala ko nawala talaga to.

Teka! Bakit parang may dumi? Hindi ko sure kasi nakasara ilaw dito sa room. Lunch na kasi.

"G---"

Ayy wala na pala siya.

Tinanggal ko yung pagkatupi ng panyo para tingnan yung dumi.

Nagulat ako kasi hindi pala dumi iyon. May nakasulat sa panyo ko gamit ang marker.

Mas nagulat ako sa nakasulat.

"Trixie, gusto kita at gusto rin kitang ligawan."


END♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Panyo (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon