(Reymarkable)

88 1 0
                                    

One Shot Story

WrittenBy:IreneBrutas

A/N: Pasensya na po sa wrong grammar.I hope na magustuhan niyo po ito. And please do leave your comment about this story and vote .Thank you. Godbless!

You're Always Here In My Heart

      (ReyMarkable)

Minamahal kita ng hindi mo alam. Isang biro lang sana ang lahat ng ito. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang pag-ibig ko sayo. Sana nasabi ko sayo ...

Holly POV

"Arrgghh. Ayoko talaga ng mga tragic love stories."nasabi ko nalang sa sarili ko. Mahilig kasi akong magbasa ng mga novel, pocketbooks, at mga wattpad stories basta  mga love stories, dahil isa akong hopeless romantic na tao. Kahit saan ako pumunta lagi akong may dalang libro or laptop para makapagbasa lang , basta sa isang tahimik na lugar para madama ko talaga yung emosyon duon sa kwento na binabasa ko.

*PEEEEEEEP*

"Ay Fuschia!" OMG! nabagsak yung cellphone ko. Pinulot ko ito agad.

"Hoy Miss tumingin ka naman sa dinadaanan mo.Kung may plano kang magpakamatay duon ka sa sementeryo! Wag dito , idadamay mo pa ako sa kata*han mo!"

"Sorry po." sabi ko sa driver nang jeep. Papasok na kasi ako ngayon sa school, at naglalakad na ako papuntang sakayan , habang naglalakad nagbabasa ako ng story sa wattpad sa cellphone ko. Alam ko naman, kasalanan ko din. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Pumara na ako ng jeep. Sa school ko na ngalang ipagpatuloy ang pagbabasa. Sa pagsakay ko nang jeep duon ako sa may bukana, para mabilis akong makababa. At masaya ako dahil walang pasahero, hindi siksikan kasi 9am na , at ang oras ng pasok ng mga estudyante 7 am so wala nang masyadong pasahero at ang college students hindi pare pareho ang oras ng pasok. Pagsakay ko ng jeep , napansin ko na natanggal sa pagkakasintas ang sapatos ko , kaya sinintas ko ito , PE namin ngayon. Kumuha na ako ng pera sa bag ko para ibayad kay kuyang driver, at nang magbabayad na ako napansin kong may iba pa palang pasahero bukod sa akin. Nasa dulo siya nakaupo , sa likod ng upuan ng driver. Lalaki. Sa school din namin siya nag aaral dahil sa patch na nakita ko sa uniform niya . Kumakain siya ng tinapay nun, ang sarap pa nga ng upo niya , parang nasa bahay lang. Gusto kong tumawa dahil ang cute niya tingnan habang kumakain, pero pinigil ko na lang ang tawa ko at inabot ko sa kanya yung bayad ko para iabot niya kay manong driver. Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya at ngumiti nalang ako ng pasikreto.

*After 1 Year*

"Hollyyyyyy" ito ang sigaw ng taong miss na miss ka. Para namang ilang taon kaming hindi nagkita. Pasukan na naman. >.<

"Hello Aya." kaway ko sa kanya. Tumatakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako .

"I missed you so much."

"I missed you too.Ang bilis nga ng bakasyon, pasukan na agad.Nakakatamad pa nga pumasok ."

"Oo nga. Ako din eh." Pag sang ayon niya.

"Aya, Holly" napalingon kaming dalawa at nakita naming paparating narin ang iba pa naming mga kaibigan , sila Ria, Marie, Jenna at Vina.

You're Always Here In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon