Capítulo 1: Princess
Dana's POV
"Dana! Jessica! bumangon na kayo!" Malakas na sigaw ni Mama. The best na alarm clock talaga siya.
Kahit na antok na antok pa ako pinilit ko pa rin bumangon. Tanging ang malamig na tubig lang sa umaga ang magpapagising sa akin.
"Ate bilisan mo na! Naiihi na ako." Utos ng makulit kong kapatid sa akin.
"Kakapasok ko pa lang para maligo! Maghintay ka!"
Binilisan ko ang aking pagligo. May awa rin naman ako sa bata.
"Ang tagal."
Pero siya walang awa sa akin. "Ikaw bata ka baka nakakalimutan mo, ate mo ako." Pinisil ko yung pingi niya.
Kala mo kung sinong matanda.
Pagkabihis ko ng uniform bumaba na rin ako kaagd para kumain ng almusal.
"Bilisan mo na Dana, baka malate ka pa." Natatarantang naghain naman si Mama ng pagkain ko.
"Tignan mo ito. Imbis na magtulungan tayong mga Filipino, nagsisiraan." Si Papa 'yan. Nagbabasa na naman ng newspaper, libangan niya daw pero mostly nagagalit siya sa mga balitang nababasa niya.
"Mirko kung ikaw din kaya magmadali na? Wala tayong magagawa ganyan ang mga Filipino. Hindi nga makasarili pero masyadong makapamilya kesa sa makabayan." Pagbibigay opinion ni Mama habang nilalagyan ng kape ang tasa ni Papa.
"Tama ka Niella, pero dapat nating baguhin yan. Gusto kong maging katulad tayo ng Leuropia."
Natahimik naman si Mama. Napatingin ako sa kanila at sila sa akin.
"Pasensya na." Mahinang sabi ni Papa at ibinalik na ang sarili sa pagbabasa ng dyaryo.
"Hehehehe! Ano ka ba Mirko my love? Pa kiss na nga lang?"
"Hehe! Halika dito Niella. Hehehe!"
"Mirko ano sa tingin mo sexy na ba ako?"
"Ako?"
Nagiging ganyan sila pag nabangit na ang bansang...
Leuropia...
<3
Simple at tahimik lang naman ang buhay ko. May sapat na kita si Papa sa trabaho niya habang si Mama ay isang mananahi.
Kada umaga busy kami sa paghahanda sa pagpasok sa paaralan. Bago ako makarating sa unibersidad na pinapasukan ko hinahatid ko muna si Jessica sa day care center. Pagkatapos, sasakay lang ako ng subway at maglalakad ng bahagya. Ago makarating sa isang presteryosong unibersidad.
Sa lahat ng simple sa akin eto lang ang naiiba: ang makapasok sa isang pang-aralang pang-elite.
Pano ako nakapasok kung pangkaraniwang tao lang ang pamilya ko?
Nagsikap ako.
Varsity player ako dito: volleyball and fencing. Kasali din ako sa choir at kung minsan, part time ako sa orchestra ng school bilang tagatugtog ng pluta.
Bukod pa sa mga nabanggit kong extra curricular, dean's lister din ako sa program kong Global Hospitality Management.
"Ayan na siya"
"Sino?"
"Shhh! wag kayong maingay baka kulamin tayo nyan."
"Pre, ang ganda niya talaga."
"Miss! Pahingi ng number."
"Kahit kailan hindi ko pa siya nakikitang ngumiti."
"Gold digger kaya 'yan."
"Wow! Pare sexy."
BINABASA MO ANG
My Royal Secret✔️
Dla nastolatkówJhon Ybardolaza, makulit, joker, walang trip sa babae magkakagusto... Sa akin? Pano kung malaman niya yung Royal Secret ko?