Chapter 41

3.3K 130 30
                                    

Dahan-dahang iminulat ni Alex ang kanyang mga mata, nasilaw na ang kanyang mga mata, dahil sa liwanag na nanggagaling sa bukas na French doors. Nakasanayan na niyang matulog na bukas ang mga ito,dahil habang nakahiga sa gabi, ay pinagmamasdan niya ang lighthouse.

     Inalis niya ang kumot na nakatakip sa kanyang katawan, ibinaba niya ang kanyang mga paa at nadama niya ang lamig ng kahoy na sahig.

    At katulad ng nakagawian ay lumabas siya patungo sa veranda para tanawin ang lighthouse. Sa loob ng dalawang buwan na rehabilitation ay natapos na rin ito. Mamaya ang blessing at ang opisyal na muling pagbabalik operation ng lighthouse. Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya, kung hindi dahil kay Summer ay hindi maibabalik sa dating ganda at kundisyon ang lighthouse. Lahat ng ito ay utang nila kay Summer.

    Ngayong umaga nga pala ang programa, at inimbitahan siya ng Mayor na maging guest bilang major benefactor at bilang representative ng kanyang asawa na si Summer, for being the muscle, mind, and heart of the project.

    Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Alex, at tulad ng nakagawian niya tuwing umaga paggising ay muli niyang binati ang asawa.

    “I love you Summer” ang bulong niya sa hangin, tila ba kaya nitong ihatid ang salitang sinambit sa asawang, walang araw na hindi niya naalala at walang araw na hindi niya minahal. At sa tuwina kapag pumapasok ang hangin mula sa labas ay lagi niyang naaamoy ang paboritong pabango ni Summer. Tila ba ipinahihiwatig na lagi lang ito sa kanyang tabi.

     Tiningnan niya ang oras, kailangan na niyang magprepara para sa papasinayaang blessing at pagbabalik operasyon ng lighthouse.

    Papalabas na siya ng kanyang kwarto nang lumingon siyang muli sa kama para tingnan ang espasyo na inokupahan noon ni Summer. Umaasa siya na paglingon niya ay makitang muli ang asawa na nakahiga roon. Masaya at masigla tulad ng mga alaala nito sa kanya.

    Akala niya ay kakayanin niya, may mga araw na gusto niyang sumuko sa dalamhati na nadarama, pero laging namumutawi sa kanyang isipan ang mga bilin ng asawa. Alam niyang kapag nalaman ni Summer na malungkot siya at hindi namumuhay ng masaya ay magagalit at malulungkot din ito sa kanya, at ayaw niya iyun na mangyari.

   Nagtungo siya sa kusina para magkape, at tiningnan niya ang naiwan na espresso machine ni Summer. Kinuha niya iyun sa bahay ni Summer para lagi niya itong maalala, lalo na ang masasarap na kape na inihanda nito sa kanya.

    Pilit niyang pinag-aralan kung paano iyun gamitin, hindi man siya gaya ni Summer na nag-aral sa pagkabarista sa France ay pinagtiyagaan naman niya ang panunuod sa YouTube ng mga pagtuturo sa pag gamit at paggawa ng kape gamit ang professional na espresso machine.

    At hindi pa niya ulit nasubukan na gumawa ng kape, at sa pagkakataon na iyun, dahil may isang mahalagang okasyon ay pipilitin niyang gumawa ng kape gamit ang espresso machine ni Summer, at syempre, flat white na paborito ni Summer ang gagawin niya.

    Gamit bilang inspirasyon ang asawa ay mabilis na kumilos si Alex, he tried to recall ang mga tutorial na pinanuod niya.

    “OK Alex you can do this, make Summer proud” ang bulong niya sa sarili. He got himself busy, mula sa pag press ng espresso, hanggang sa pag steam ng gatas para sa froth nito.

    At dumating na ang sandali na kailangan na niyang isalin ang espresso sa tasa at ang equal amount ng steamed milk. At napagtanto niya na dapat din pala niyang pag-aralan ang palalagyan ng gatas sa coffee, yung may design, ang sabi niya sa sarili. Kapag na perfect na niya ang lasa, yun naman ang aaralin niya, ang sabi niya sa sarili.

    The moment of truth, ang sabi niya sa sarili, “cheers Summer” ang malakas niyang sabi na para bang nandun lang si Summer sa kanyang tabi. Iniangat pa niya ang tasa bago hinigop ang mainit at makrema na kape. At isang malapad na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga pisngi nang sandaling dumampi na sa kanyang labi ang inihandang kape, at natawa siya ng malakas.

The One That almost Got Away [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon