“ ANNNNNNNNNNOOOOO? Ex mo si elize?” pasigaw kong tinanong si Tristan. Tapos na kami sa pamimili ng gamit at nasa kotse na niya kami pauwi.
“ oo nga, bakit ba? Is it that hard to believe?” sabi niya habang kinukuha niya yung earphone niya sa kanyang bulsa.
Nag ala ninja ako at mabilisang pinigilan siya sa pagkuha nito.
“ wag ka munang mag soundtrip jan! explain mo muna sakin! Bakit hindi ko alam na naging kayo?” I asked “ ay hindi. PANO naging kayo?” dugtong ko.
“ ikaw pam ha! Nagiging chuchay the second ka na!” hinatak ni Tristan yung earphone mula sa kamay ko at nagsimulang makinig sa music. Tumalikod siya sa akin.
Uuuuurrrrggghhh! Na cucurious ako. Pano nga ba naging sila? tumingin nalang ako sa labas ng bintana habang nagfaflash back ang mga nangyari kanikanina lang.
“ Tristan? Is that you? Ikaw na ba yan?My god. I missed you.”
Sabay kaming humarap sa babaeng nagsabi nun..
Nabigla ako. “ elize?”
“Tristan, it really is you.!” Agad agad na lumapit at niyakap ni elize si Tristan.
Nanlaki ang dalawa kong mata dahil sa sobrang pagkabigla. “and who is this girl? Siya ba ang bago mong girlfriend?” tanong ni elize
Bigla akong sumagot “ sira ka ba?” nabigla siya sa sinabi ko “ I mean, joker ka eh no? hindi kaibigan ko lang yan si Tristan, IBA ang gusto ko.” I put emphasis sa word na IBA hoping na tingnan ako ni ranz my love, but no… his eyes were fixed on elize. SAKLAP.
“ ah ganun ba? Okay.” She answered. Binalik naman niya yung atensyon niya kay Tristan
“ how are you babe?” tanong niya habang naka tingin kay Tristan. “ elize,babe? Seriously?” sagot naman ni Tristan “ sorry, nasanay lang. ano bang ginagawa niyo dito?” she asked again
Ahh. Nag babasketball? Grocery store .. malamang nag gogrocery. Star section ka ba talaga teh?
Pabara ko siyang sinagot sagot sa aking isip
“ sinamahan ko lang to si pam, paalis na nga kami eh.” Sabi ni Tristan habang naka tingin sakin
“alis na tayo?” bulong ko sakanya “ pwede ba, sumunod ka nalang.”sinabi niya sakin habang tinitignan ako ng masama “ o..okay. chill” maamo kong sinabi
“ is that so? Oh. Okay. Alis na rin kami. By the way si Ranz pala. Special Friend ko”
Kumulo ulit ang dugo ko. Special friend? SPECIAL friend? SPECIAL???? What the f*ck. p*nyeta. G*go.
Hindi na ako nakatingin kay ranz at mas lalo na dun sa elize na yun na mukhang anak ni satanas at ni dionisia.
“kalma lang pam.” Bulong ulit sakin ni Tristan
Tumango nalang ako.
“ sige alis na kami.” Sabi ni bespren , hinatak niya ako sa counter at binayaran na namin yung aming pinamili.
Lumingon ulit ako sa direksyon kung nasaan sina elize at ranz. Mukhang tuwang tuwa si ranz pag kasama niya si elize. Sino ba naman ang hindi matutuwa?
..pumasok na kami sa kotse.
----*kinaumagahan*
Kriiiinnnng.. kriiiinng…kriiiiinnnggg..
Gabi na akong natulog that day. Depressed ako ehh. Brokenhearted again. Nakakainis.
Kriiiinnnng.. kriiiinng…kriiiiinnnggg..
Nagising ako dahil sa sira ulong cellphone na yan. Tinignan ko yung alarm clock ko. 6:15a.m.
T*ngina. 6:15? Ang aga pa ah. Sino ba ang tatawag sakin na ganito kaaga?
Kriiiinnnng.. kriiiinng…kriiiiinnnggg..
Inabot ko yung cellphone sa desk.
“ hello?” mala haggard kong sagot.
“ pam? Goodmorning.” Sabi nung caller
“ ah. Goodmorning rin. Sino to?” I asked. Narinig ko siyang tumawa. Familiar ang boses niya.
“ ginising ba kita? Pasensya na.”
“ ano pa nga ba. Okay lang. gising na eh. Teka, sino ba kasi to?” I asked again
“ahh. Si ranz to, nakuha ko number mo kay marie.”
I froze. Literally. Hindi ko alam kung maniniwala ako. Malay ko ba kung isa sa sa mga kabarkada nina marie o Tristan na nangtitrip lang.. kahit na! baka si ranz talaga to. Ano kayang sasabihin ko? * ranz? Really. Ohmygosh buti naman naisipan mong tumawag * I like you a lot * ang hot mo dude * tayo nalng pwede.. haaayy. Kung ano ano nanaman naiisip ko.
Ah. Alam ko na ang sasabihin ko.
“ hello. Sabi ko si ranz to”
Eto na sasabihin ko na “ ranz…. Weh?”
Natawa ulit siya. “ haha. Ang tagal mong hindi sumagot tapos WEH lang pala sasabihin. Iba ka rin eh.”
“aah. Pasensya na. ranz talaga ‘to? Naku tumigil ka. Baka nantitrip ka lang pare ah. Humanda ka”
“ oo nga, Ranz Joseph delCastillo.”
“ oh?ba-bakit ka tumawag?” tinanong ko siya
“ ah. Oo, pinapasabi ni ms. Clarina na may sasalihan daw kayong contest”
Ms. Clarina- ang pinakamaganda at pinaka mabait na teacher sa school para sakin. Napaka down to earth niya at hindi siya terror. The best :D
TE-TEKA. CONTEST? What the?
“ contest? Anong contest?bakit ako? Di ko kaya yun, iba nalang.” Mabilis kong sinagot
“ relax pam. Marami naman kayo eh. Atsaka magpapractice naman eh. Sige ha? Tumawag lang naman ako para sabihin yun. Bye.”
Toot.toot.tooot. binaba niya agad yung phone
“bye” haaaayy. Marami kami? Di lang pala ako yung tinawagan niya. ANO KA BA PAM! Tumawag sayo si ranz. Achievement nay un. Hahahahahahaha. Ayyyyyiiiiee. Kinikilig ako. Konti lang ang taong nakakausap si bebe ranz ko. I love this day.
Tumayo na ako sa kama ko at bumaba. Nagluto, naglinis,naglaba, namalantsa, nagluto, kumain, nagluto, kumain, nagluto, kumain,kumain,kumain at kumain.
Teka. Kailan ba yung practice? Hihi. Eh kung tawagan ko si ranz. Hihi. Tanungin ko siya kung kailan practice.
Kinuha ko yung cellphone ko at tinangkang i-dial ang number ni ranz, pero bago ko napindot nag vibrate ito. May nagtext sakin. Tiningnan ko muna yung text bago ko tawagan si bebe ranz, para dirediretso yung usap namin mamaya..
From: 0946143****
Pam, Yung practice pala. Bukas yun. 8am. Nakalimutan kong sabihin. Sorry.
-Ranz :)
Haaayy. Ang first ever text sakin ng future husband ko, may smiley face pa. aayy. Ano ba yan namumula ako dahil sa kilig, ay teka pimples ko lang ata to. Hehe.
Owmygash. Hinding hinding hindi ko ito buburahin kahit kailan, ma delete na lahat ng contacts ko, mawala na lahat ng quotable quotes, jokes at chain messages dito at maubos pa ang load ko.. magkamatayan na. hindi ko talaga to buburahin kahit kailan. Napaka memorable ng araw na ito. Hindi niya lang ako tinext, tinawagan pa.
Haaaayy, pam! I think it’s the start of something new. Fighting! :DDDDD
BINABASA MO ANG
My Love, Please Be Mine ♥
RomanceAraw- araw ginaganahan pumasok sa school, hindi para makakuha ng baon, hindi rin upang may matutunang makabuluhan, kundi upang may masulyapan. Kung iisipin, mali ang rason ko eh, pero aminin RELATE kayo. Ito ay ang kwento ni Pam, isang simpleng high...