Toot..tooot..toooot..
From: 0946143****
Pam, Yung practice pala. Bukas yun. 8am. Nakalimutan kong sabihin. Sorry.
-Ranz :)
Haaaayyy. Isang oras ko na tong tinitigan, binabasa,hinahalik halikan, inaamoy amoy. Muka na talaga akong tanga inaamoy ko siya. Malay mo diba mag transfer yung wonderful scent ni ranz dito.
7:30 na, eehh. Hindi ako na eexcite mag practice, kinakabahan pa nga ako eh. Parang ayaw ko pumunta dun, wag magpakita. Indianin ko kaya sila? pero, nakakahiya naman kay ranz, tumawag pa siya at tinext niya ako, malaking effort yun ah. I appreciate it . para sakin malaking bagay na yun.
Okay. Here I go. Nagpaalam na ako kay mader dear at naglakad papuntang school, malapit lang naman eh, sayang ng pera kung magcocommute pa ako, pwede lang naman lakarin exercise pa fresh air with alikabok nga lang.
Binagal bagalan ko yung paglalakad ko, baka kasi Makita ko si ranz by chance, malay mo lumabas siya para bumili ng tinapay o kaya para magpahangin o baka nasense niya na may magandang nilalang na nagaabang sakanya. Tengene. Imagination ko nanaman ang wild!
Too bad, hindi ko nakita si ranz. Tss. Tumakbo na ako papuntang school mag aalas otso na. baka pagalitan pa ako ni Ms.Clarina.
Pag dating ko dun , mahingal hingal akong bumati, napansin kong marami ng tao at mukang ako nalang yung hinihintay.
“ good morning, pasensya na ho, nalate ba ako? O maaga lang kayo?” I said hoping na tumawa sila sa joke ko. Tugsh. Epic peyl. Walang tumawa. Ang seserious!
“ sorry po.” Sabi ko ulit.
Umupo ako sa gilid ng malaking hall na practice area namin. Ano ba yan, tiningnan ko lahat ng kasali sa contest halos lahat star section. Siguradong ma a-out of place ako nito. Nakakainis naman.
“good morning students!” dumating na si miss Clarina. “ good morning miss.” Lahat kami tumayo at binati namin siya
“ okay. Mag squat na kayo. I’m guessing nabigla kayo at hindi niyo alam kung ano gagawin niyo dito.” She said “ so basically sasali tayo sa isang prestigious contest. It is an interpretative dance contest at kinuha ko na lahat ng alam kong magagaling sumayaw sa school. So be proud.”
Lahat sila natuwa at nagpalakpakan. Tengene. Bakit naman sila natutuwa? Nakakakaba kaya yun. I raised my hand to get ms.Clarina’s attention.
“ yes Ms.Alvarez?”
“ ah. Ma’am. Sabi niyo ho kinuha mo yung nga magagaling sumayaw sa school, eh bakit po ako nandito?” narinig ko silang tumawa. Nakakagago ah. Kaninang nagpapatawa ako hindi man lang bumuka bibig nila kayong seryoso ako, kung makatawa wagas.
“ Ms. Alvarez I saw you dance before, you were great.”
“ mam matagal na po yun, hindi na ako kumikembot.” Tumawa ulit sila, this time may kasama nang panlalait
“ pam,would you just sit down and trust me on this? Better yet, trust yourself.”
“ okay po.” Dahan dahan akong umupo.
“ okay. Pairing na tayo.” Isa isa na niyang tinuro yung magka pares .
“ trisha and juaquin, jewel and kristoff, patricia and dave” habang pinapares ni ms clarina yung mga kasali narinig kong nag uusap yung ibang star section girls. Pinag uusapan nila kung sino ang makaka pares ni ranz.
“ girl, who’s gonna be the ka pair ni ranz kaya?, I hope it will be me nalang.” Sabi nung isa
“ I know right? Sana wag naman ikaw , me nalang.. me!” sabi naman nung katabi niya
“ ayy, whatever girl. Basta wag yung babaeng walang class na nakahalo satin, bakit ba naman yun nandito, I’m gonna kill her kung siya yung napili.” Sabi ulit nung girl number 1.
Naku!! Mapapatay ko sila. pinag aagawan pa si bebe ranz! Ranz? Ha? Kasali siya?!!
“good morning, pasensya na ho, nalate ba ako? O maaga lang kayo?” tumingin ako sa may door ng hall. Si ranz, kararating palang.
“ hahahahahahahaha!” tumawa bigla yung mga babae
“ ikaw talga ranz, joker ka. Nakakatawa yun ah!” “oo nga, you have such a big sense of humor talaga” sabi nanaman nung mga babae. Jusko! Eh yun rin naman yung sinabi ko kanina ah! Bakit hindi sila tumawa? Tapos nung si ranz ang pumunch line. Tawang tawa sila. tss.. sabagay kahit ako naman eh matutuwa kung si ranz my love my darling so sweet na ang nagsabi nun.
“ hay naku mr. delCastillo, pumasok ka na nga!” sigaw ni ms.clarina
“ okay po. Sorry” he said with a smiling face, parang yung text niya lang. haaay. Ang gwapo niya talaga.
Pumunta si ranz dun sa isa pang corner nung hall. We are so so so so far apart :( maya maya nandun na lahat ng mga babae. Haaay. May mas malandi pa pala sakin akala ko ako na yung pinaka pinaka worse. Ano to? Parang magnet lang si ranz?! Ayus ayusin nila baka di ako makapag pigil ma tadyakan ko sila :|
“okay, lahat na ba natawag? Lahat na ba may ka pair?” tanong ni ms.clarina
Ahh!” ma’am!” tinaas ko yung kamay ko “ wala pa po ako.”
“ganun ba? Tamang tama, kayo nalang ni ranz” ma’am clarina said
Pagtingin ko kay ranz, nakataas rin pala kamay niya :3
Oh lord. Iba rin ang mga paraan mo eh. I praise you!
“ oh my G. bakit siya pa? kawawa naman si ranz mangangati siya.” Sabi nanaman nung isang babae
Aba. Namumuro na talaga @_@
“oh sige na, puntahan niyo na mga ka pair niyo”
Papalapit na si ranz, ang gwapo -_- maka laglag panty talaga, next time hihigpitan ko yung garter nito, just to make sure, baka malaglag talaga.
“ sige, di muna tayo magpapractice ngayon ah, kailangan muna ninyong maging close at comfortable ng partner niyo, got it?”
“yes ma’am!”
Umupo si ranz sa tabi ko. Nanginginig ako, di ako makapag salita, ni hindi nga ako maka hinga eh. Lord, help me po please!
“ hi pam!” bati ni ranz
Tumango lang ako.
“ ui sabi ko HI!” he said again “ ah. H-hi r-ranz.” Ma utal utal kong sinabi
Ano ba pam? Mahahalata ka ni ranz, tumigil ka na. chill.
“ ayy. Alam ko na!” ma suspense niyang sinabi. Lagot.
“ ha?”
“ alam ko na kung bakit ka ganyan.”
Nanlaki mata ko “ talaga?”
“ oo, may sakit ka noh? Halata eh, nanginginig ka atsaka grabe yung pawis mo.”
Huminga ako ng malalim. Huu. Akala ko buking na niya na may gusto ako sakanya, ayoko naming isipin niya na patay na patay ako sakanya which is true, pero slight lang :DD
“ Ah. Oo. Tama! May sakit ata ako.” Mahina kong sinabi
“ pero.. hindi ka naman mainit.” Linagay niya kamay niya sa noo ko. sobrang namula ako dahil dun. At dahil din dun, ayun, nag black out ako -_____- hinimatay.

BINABASA MO ANG
My Love, Please Be Mine ♥
RomanceAraw- araw ginaganahan pumasok sa school, hindi para makakuha ng baon, hindi rin upang may matutunang makabuluhan, kundi upang may masulyapan. Kung iisipin, mali ang rason ko eh, pero aminin RELATE kayo. Ito ay ang kwento ni Pam, isang simpleng high...