Nakatulala sa bituin, Nakatingin sa salamin
Tinatanong sa sarili kung may kulang ba sa akin
Bakit ba niya na isipan na ako'y palitan
Binigay ko naman ang lahat ng kanyang kagustuhan
Ni hindi ako nagsalita nung nakita kong may kasama siyang iba
Kinimkim lahat ng sakit, tanging unan lang ang nakasama
Ganon ako ka-tanga
Mga basang unan sa kama na kailangan ng palitan
Itapon lahat ng alaala na hindi na dapat balikan
Kalimutan ang lahat ng salita na iyong binitawan
Buksan ang mata sa katotohanan
Na hindi ito pantasya na laging nagtatapos sa kasiyahan
Yan ang realidad masasaktan ka at paulit ulit na masasaktan
Di mo maitatago ang sakit na nararamdaman
Ganon talaga wala tayong magagawa
Sa aking pag-iisa ay tanggap ko na
May mahal ka ng iba at ako'y balewala
Handa ko ng itapon ang mga alaala
Na ginawa nating dalawa
Bibitaw na ako at kakawala
Haharapin ang mundo na ako mag-isa
Kakayanin ko to' ng wala ka
At hindi mo na ako muling makikita
Ang tanging hiling ko lang ay wag ka ng bumalik pa
Dahil wala ka ng mapapala
Kahit ilang beses ka pang humingi ng tawad
Ay hindi na kita pababalikin pa
Hindi na kita mamahilin
Dahil alam kong ako'y lolokohin mo parin
Dahil sa akin pag-iisa ako ay naging mahina
Ako'y pinaluha, Ako'y nawalan ng gana
Ako'y nag-antay sa tamang oras at panahon
Sumasabay lang sa pag-agos ng alon
Napagtanto ko na ako'y kawal sa laban ng pagmamahalan
Kahit ilang beses akong lumaban ay patuloy paring natatalo
Ngunit sa aking pagbagsak ako ay natututo
Na ang mga babae ay hindi LARUAN na linalandi-landi para sa sariling KASIYAHAN
Na ang mga lalake na panay laro lang ang alam ay hindi karapat-dapat sa pagmamahalan
Hindi na tayo mga bata na puro laro
Subukan niyo naman na magseryoso
Magmahal ng iisa at pahalagaan siya
Intindihin siya at tanggapin ng buo
Wag kumaliwa at siya lang ang isipin mo
Sapagkat mag ingat tayo sa mga taong mapaglaro
Sa mga taong landi lang ang habol sainyo
Kaya't sa akin pag iisa nalaman ko na
Mas masarap magmahal sa taong iniintindi, tanggap at pinapasaya
Mas masarap magmahal kung hindi ka sa itsura bumabase
Magseryoso ka at mahahanap mo siya
At yun nga nahanap ko na....
Ang ngalan ko ay si Marc isang manunulat
Marami ng gera ang sinalian
Marami ng sugat ang naranasan
Nag-antay sa kanya sa babaeng akin na
Papahalagahan at mamahalin
Aalagaan at iintindihin
Hindi distansya ang problema
Sa dalawang taong tunay ang nadarama
Masasabi ko na, na akin ka na
Tutuparin ang pangarap nating dalawa
Kaya't sa aking pag-iisa ikaw Glyza
ang nakilala