Chapter 22

17 5 0
                                    

Isha Karmela Montes

halos hindi kami makagalaw sa puwesto namin ni ralph ng makita kami nila mama at papa at ng iba pang mga bisita na lumabas sa garden ng holding hands

"What?" Tanong ko

Si kc, jasmin, pat at berto at humahagikhik habang si monique at brent naman ay nakangiti na may halong pang aasar. Si tita amanda at sir de vera na sobrang lawak ng ngiti halos mapunit na ang kanilang labi ganon din si mama.. pero si papa ang natatanging madilim ang paningin

"Alam niyo naman po na matagal ko ng nililigawan si isha... pero ngayon po sinagot niya na ako" panimula ni ralph

"Congrats my brother! Double congrats!" Ani ni sir de vera

"Oh my gosh bagay talaga kayo!" Sabi ni mama sabay thumbs up na ikinangiti ko

"Isha! Mag-usap tayo!" Seryong sabi ni papa na nagpakaba sa akin

Sumenyas ako kay ralph na susunod kay papa at pumayag naman siya

"Hindi ka man lang nagsabi muna sa amin na sasagutin mo siya.. hindi yung biglaan"

"Pa! Ngayon ko lang din nabuo ang desisyon ko"

"At sigurado ka ba na buo ang desisyon mo.. at hindi ka lang basta nadaan sa emosyon mo?" Seryosong tanong sa akin ni papa

Bigla akong na-blangko.. oo buo na ang desisyon ko na sagutin siya. Pero totoo ngayon ko lang ito nabuo at hindi ko rin alam kung nadala lang ba ako sa emosyon

"Pa.. sigurado ako kilala mo naman ako diba.. hindi ako basta basta nagbibitaw ng desisyon sa isang bagay"

Bumuntong hininga si papa
"Alam ko anak.. ikaw lang naman ang inaalala ko.. ayoko lang na masaktan ka uli dahil sa nagpadalos dalos ka at nagpadala ka sa emosyon mo.. ayokong nakikita kang umiiyak anak"

"Pa.. I appreciate your concern" i smiled "but please trust me... pinag-isipan ko ito ng mahigit limang buwan at alam ko sa sarili ko na napatunayan ko na sa sarili ko na hindi na ako yung dating padalos dalos..."

"Hindi ka ba natatakot anak? Na baka-"

"Na baka ano pa?... na masaktan ulit ako? Of course pa I'm scared, sobra akong natatakot dahil baka mamaya ilusyon lang ang lahat. Pero I've tried pa.. walang mangyayari kung habang buhay akong matatakot... trying is the best way to see your destination pa.. kaya bahala na kung ano ang mangyari"

Hinawakan ni papa ang magkabilang balikat ko at ngumiti siya sa akin sabay buntong hininga

Naiintindihan ko ang ama ko. Takot lang siya gaya ko na masaktan. Pero tama naman diba wala akong mapapala kung magpapakain ako sa takot

Kung hindi ko susubukan ay baka tuluyan lang akong mabuhay sa takot at pangamba, mas okay ng sumugal kaysa mabuhay sa takot

I know everything has a reason... at alam kong may dahilan kung bakit ko sita nakilala

"Your now a grown women anak... but promise me sa oras na saktan o paiyakin ka ng lalaking iyan. Don't hesistate to cry on my shoulder... clear sweetie?"

I nod "clear papa..."

Pagkabalik namin sa loob ng bahay nila ralph ay tinawag naman ni papa si ralph para ito naman ang makusap.. nung una ay kinabahan ako dahil baka kung ako nanaman ang masabi ni papa. Pero ng makita ko na nakangiti naman silang naguusap ay nabunutan ako ng tinik


3 years later

"Hay nako ate! Yan lang si kuya ralph ang tumagal sayo! Sana talaga hindi ka na umiyak!" Sabi ni brent pagkauwi namin galing finn college

Ngayon ay nasa 4th year college na ako at kasalukuyan akong nag OJT sa finn elementary.. habang itong si brent ay 2nd year college na taking mechanical engineering

Hindi ko alam kung pang-aasar ba o pag-aalala ang sinabi ng isang ito. Pero alam kong nag-aalala lang din siya gaya ni papa

Hindi ko na siya inimikan at dumiretso na ako sa aking kwarto  at binuksan ang laptop. At bumungad doon ang message galing sa aking kaibigan na matagal ko ng hindi nakikita

Magrereply na sana ako pero bigla siyang nag video call

"OMG! Isha!! Long time no see I've miss you so much!" Masayang sabi niya

"Serenity! I miss you more girl! Kamusta ka!"

"Ito always pretty pa rin here in new york"

Si serenity ay classmate ko noong grade 3 ako at hanggang ngayon ay mag best friend kami.. kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi ng iba na kapag matagal kayong hindi nagkita o nagkausap ng kaibigan mo ay magiging awkward na

Lalong pumuti si serenity dahil sa kaniyang light brown hair at waivy ito. Plus nag mukha siyang korean dahil sa full bangs niya

"Kailan ka ba uuwi! Si wilson nandito na pero ikaw wala pa!"

Naging kaibigan niya rin si wilson ng nasa new york siya, kaya naging magbesties kami kahit malayo kami sa isa't isa

Biglang nagiba ang timpla ng itsura ni serenity

"Hmp that guys! Sabi niya sabay kaming uuwi pero iniwan na ko here" maarteng sabi niya

Sa pagkakaalam ko ay may gusto siya kay wilson simula nung magkakilala sila.. kaya siguro magandang rason na rin yun para hindi ko tumbasan ang nararamdaman sa akin ni wilson

Alam kaya niya na may gusto sa akin si wilson? Siguro naman dahil ang tagal na nilang magkasama ni wilson sa new york ay nabanggit niya iyon

"Sus na-miss mo lang siya eh!"

"Tumigil ka nga isha. Isa pa i call you because i have good news... next week uuwi na ako diyan!"

"Oh! Dito ka mag su-summer! That great magkakasama na ulit tayo!"

Masaya kong sabi.. si wilson ngayon ay sobrang sikat ng dj sa manila. Kahit sabihin mo na hindi siya nakikita sa telebisyon ay maraming nakakalilala sa kaniya

Ibinaba na ni serenity ang tawag at ako naman ay umidlip muna saglit upang mapawi ang pagod ko

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na may humalik sa aking noo. Pagmulat ko ng aking mata ay nakita ko si ralph na nakasuot ng dark blue stripe na polo at black slacks

"Kamusta ang school?" Tanong ko sa kaniya

"Pagod.. pero nakita na kita ayos na ako"

Ngumiti ako sa kaniya

Isa na siyang ganap na elementary teacher ngayon at ang tinuturo niya ay english at science sa grade 5 and 6 students sa finn elementary

Mas lalo din nag mature ang kaniyang itsura. Mas tumangkad siya lalo at mas nagiba ang kaniyang feature

"dapat ay magpahinga ka na, bakit ka pa pumunta dito"

Humiga siya sa tabi ko at niyakap ako
"Nandito ang energizer ko" sabi niya sabay subsob ng mukha niya sa aking balikat at natulog

"Okay sleep tight love" sabi ko sabay halik sa kaniyang noo

My FateWhere stories live. Discover now