Chapter 7

256 2 0
                                    

"Good afternoon sa'yo, Ms. San Jose." pagbati sa akin ni..

Ay, si Ma'am Roxas lang pala..

MA'AM ROXAS???!!!

Napatayo ako sa aking kinauupuan "Good afternoon din po, Ma'am. Hehe." at nginitian siya.

Kelan pa siya nakapasok dito? Nakakapanlaki ng mata.

"You may now sit class." Tumingin ako sa paligid. Ba't di ko napansin? Ganon ba ka-occupied ang isip ko?

"Ms. San Jose, pakibura naman 'yung blackboard. Please." sabi ni teacher ng mahinahon.

Burahin 'yung blackboard?

O 'yung nakasulat sa blackboard?

Nung nasa harap na ako at nagbubura, sumingit uli si Ma'am at nagsalita, "Bakit hindi mo nalinis kahapon 'yung room ng advisory ko?"

Patay. Nawala sa isip ko 'yun ah. Ano ba sasabihin kong excuse?

Hininto ko muna ang pagbubura at nagsalita, "Sorry po, Ma'am. Ano kase.."

"Don't make fake excuses, Ms. San Jose." Aww. Konsensyahin daw ba ako.

"Sorry po talaga Ma'am. Ang totoo po.. Kasi, ano.." nakatitig lang siya sa akin at naghihintay ng sasabihin ko. Lagot ako nito.

Whew. Intense 'di ba?

"nawala po sa isip ko.." I almost whisper at yumuko na lang. 'Di nagsasalita si Ma'am. Hala. Galit na galit 'to panigurado sa'kin. Nakakatakot mag-angat ng ulo. Mahal ko pa po buhay ko.

Nung 'di na ako makatiis, sumilip silip na ako sa kanya.

Nakangiti?! Looks like she find this amusing. Ang ganito, na natatae na ako sa kaba.

"Sige na. Bumalik ka na sa pagbubura mo."

Ganon na lang 'yon? O baka mamaya may binabalak na naman 'to?

Nang makatapos na ako. Bumalik na ako sa aking upuan. Nagsimula nang magturo si Ma'am at ako, katulad pa rin ng dati lutang sa kanyang klase.

"Babe.." Napalingon naman daw agad ako sa may likod.

"Oh?"

"Haha. Tanggap na tanggap mo na ako ha." ngumiti siya at nag-thumbs up pa.

Oh, I don't need this right now.

Humarap na lang uli ako sa may blackboard at sinubukang makinig.

.

.

.

.

.

.

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiing*

Haaaaaaaaaaaaaaaaay. Ang sarap talaga pakinggan ng tunog ng bell. Tumayo na ako at nag-inat. Nakakangawit kayang tumitig sa blackboard.

"Tanya, tara na?" aya sa akin ni Ash. Sumunod na ako sa kanya papalabas.

"Sandali lang Ms. San Jose." Kinabahan ako bigla.

"Yes po?" I tried to look calmed and relaxed.

"Wala. Make sure mamaya malilinis mo na 'yung room, ha."

"Sige po, Ma'am." So ano ang nakain niya? Ba't ganon?

Habang papunta na kami sa susunod naming klase, Ash tried to have a convo with me.

"Ang bait ata sa iyo ngayon ni Ma'am?"

"Yup. Nakakapanibago nga eh. Ano kaya nakain nun?"

"Meatloaf at itlog sa umaga. Kare-kare, munggo, salad at saging nitong tanghalian."

PAST, PRESENT, FUTURE w/ my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon