Chapter 1: Kasey's POV

0 0 0
                                    

"in every little piece of her is right just thinking abou---"

Habang feel na feel ko yung pagkanta habang nagdidilig ng halaman sa may terrace namin

"Miss!! Tignan nyo po muna kung may dadaan!" sigaw ng isang lalaki.

"Ay sorry po! Sorry po!" Nagsorry ako syempre kasi nakakahiya naman sa japorms (porma) nya today baka mamaya may date pa sya na pupuntahan, sabihin pa sakanya nung kadate nya bat sya basa HAHAHA!

-----------------------------------------------------------------

"Mama nasira yung kadena ng bike ko kanina habang pauwi galing school" lambing ko kay mama para bigyan nya agad ako ng pera pampagawa

"Oh anong gagawin ko?" Sagot ng mama ko na napakabait

"Ehh mama naman eh, maglalakad lang ako neto bukas ang layo layo  ng bahay natin sa entrance ng subdivision oh, please maa" sabi ko sakanya with beautiful eyes, tinulak nya muka ko bigla

Napakabait talaga ng mama ko

"Pacute ka pa dyan, kumuha ka ng pera sa bag ko ipacheck mo kay Mang Bert" sagot ni mama habang busy sa cellphone nya kakapanood ng videos sa facebook.

"Yey! Labyu ma! Mwah mwah" Sabi ko with matching kiss sa pisngi nya

Naaninag ko syang pinunasan pisngi niya pero okay lang at least mapapagawa ko na kaagad hihihihi

Habang naglalakad ako sa labas kasama nung bike ko, napakunot noo ko

"Hala san nga ba ulit banda shop nila mang bert?" Napakamot nalang ako sa ulo ko

"Ahh baka dito" liko naman ako sa kanan pero di talaga ako sure sa dinadaanan ko kung doon ba talaga yung shop medyo matagal tagal na rin kasi nung last na punta ko kila mang bert eh.

Sakto may makakasalubong ako, wait lang parang ayon yung nabasa ko kanina habang nagdidilig? , kaya medyo nagdadalawang isip ako magtanong

Pero sige na nga di naman nya ata ko makikilala.

"Ahm excuse me po pwede po magtanong?"

"Ay miss kung bahay o tao itatanong nyo wala po akong maisasagot kasi kakalipat ko lang dito hahaha" sabi nya with kabadong ngiti

"Ahh ganon po ba salamat nalang po" umiwas na ko ng tingin kasi baka mamukhaan niya ko "mang bert where na you" sabi ko nalang

"Mang bert? Ay ikaw yung nagdidilig kanina no" Tanong nya

"Opo mang bert, bakit po?"

Tinignan niya yung bike na hawak hawak ko.

"Ipapagawa mo ba yan kay papa? Pero ikaw nga yung nagdidilig?" Tanong niya ulit, ako naman yung nanlaki mata

"Papa?" I'M SO LUCKY TIGNAN MO NGA NAMAN ANAK PA NI MANG BE---
"Teka? May anak si mang bert!?"

Natawa siya sa tanong ko, "Oo ako, kakalipat ko lang dito kasi dito ako magcocollege kasama ni papa. Pero ikaw yung nagdidilig diba?" sagot nya saakin

"Ahhh ganon ba? Osige sa susunod nalang tayo magchikahan pwede bang pakituro sakin kung nasaan shop nyo kasi nakalimutan ko na talaga eh"

"Actually malapit ka na, di na kita mahahatid may lalakarin pa kong papers eh. Diretso ka lang tas yung unang kanan na makikita mo mula rito don ka lumiko tapos makikita mo na. Di mo pa ko sinasagot eh ikaw yung nagdidilig kanina diba?" tanong nanaman nya saakin

GRABE BESH DI NIYA MAKALIMUTAN YUNG DILIG MOMENTS!

"Ah osige! Salamat ah sasabihin ko kay mang bert nakausap ko mini me nya hahaha! Oo ako yung nagdidilig kanina sorry sorry sorry talaga di ko sinasadya" Sabi ko naman sakanya, nakakahiya naman to!

"Ah oo ikaw nga, bumalik pa ko ng bahay para magbihis eh hahaha"

Wow natawa pa sya? Pero sige okay lang di siya galit wews!

"Ano nga pala pangalan mo?" Tanong ko
"Kelly" inabot nya kamay nya "ikaw?"
"Kasey" ayon nagshake hands kami tapos umalis na ako.

Katulad nga ng sinabi niya, diretso tapos unang kanan--

"Kelly" ang cool naman ng pangalan niya, napangiti nalang ako kasi nabanggit ko bigla pangalan niya

Nakita ko na yung shop ni mang bert at nagawa niya agad yung bike kasi kadena lang talaga yung sira.

Tuwang tuwa siya na marinig na nakausap ko yung anak niya.

Nabalitaan ko rin na sa school namin siya mag-aaral, ipapagpapatuloy niya don yung second sem hanggang sa 4th year college.

Parehas din pala kami ng course sabi ni mang bert, kaya sana magkaklase kami... Para masaya hahaha!

Puzzle of my HeartWhere stories live. Discover now