"oh anak bat ka bumalik?" Tanong ni papa sakin kasi hawak ko pa yung mga papers na isusubmit ko sa bagong school na papasukan ko
"Tignan mo kasi pa oh basang basa yung likod ko halatang halata sa kulay ng damit ko haha" sagot ko kay papa "may nagdidilig kasi na babae kanina sa terrace nila, ayon di niya po ata napansin na dadaan ako" dagdag ko pa
"Sa gwapo ng anak kong yan di napansin?" Biro ni papa habang nakatingin sakin na proud na proud
"Sige na pa magbibihis na muna ako nanguuto ka na eh" sagot ko sakanya
-----------------------------------------------------------------
Naglalakad na ako pabalik ng school, di ko alam kung bakit, pero iniisip ko na sana nagdidilig pa sya hahaha! Ewan, kung nagdidilig pa siya baka lunod na lunod na yung mga halaman.
Wait, siya ba yun? Hala? Makakasalubong ko siya? Teka teka
Inayos ayos ko yung damit at buhok ko at umubo ubo, para kong ewan di naman kami maguusap hahaha
Nakatingin ba siya sakin? Lah? Hahaha!
Nagulat ako nung nagsalita siya bigla
"Ahm excuse me po pwede po magtanong?" Tanong nung babae"Ay miss kung bahay o tao itatanong nyo wala po akong maisasagot kasi kakalipat ko lang dito hahaha" hay nakakahiya naman to, kesa naman tumanggap ako ng tanong di ko naman alam isasagot ko
"Ahh ganon po ba salamat nalang po" napansin kong umiwas siya ng tingin kaya di muna ko umalis ang cute niya eh hahaha ano ba tong pinagsasabi ko "mang bert where na you" narinig ko parin sinabi niya kahit medyo bulong lang
Ano daw? Mang bert!?
"Mang bert? Ay ikaw yung nagdidilig kanina no" dinagdagan ko yung tanong para kung di man mang bert yung sinabi noya at least may kasunod pa
"Opo mang bert, bakit po?" Sagot niya sakin.
Nakita ko yung bike na hawak hawak nya
Ahh baka magpapagawa to kay papa
"Ipapagawa mo ba yan kay papa? Pero ikaw nga yung nagdidilig?" Nagtanong ulit ako ng kasunod kasi narealize ko na obvious namang magpapagawa siya
"Papa?" Tanong niya ulit sakin medyo nagiba yung ngiti niya, ngiting masaya na lalo siyang naging cute :<
"Teka? May anak si mang bert!?" Dagdag niyaDi nya pala alam na may anak si papa
Natawa ko sa tinanong niya, "Oo ako, kakalipat ko lang dito kasi dito ako magcocollege kasama ni papa. Pero ikaw yung nagdidilig diba?" Explain ko sakanya
"Ahhh ganon ba? Osige sa susunod nalang tayo magchikahan pwede bang pakituro sakin kung nasaan shop nyo kasi nakalimutan ko na talaga eh" chikahan? May balak pa siyang kausapin ulit ako hahaha sinuswerte ata ako ngayong araw hahaha!
"Actually malapit ka na, di na kita mahahatid may lalakarin pa kong papers eh. Diretso ka lang tas yung unang kanan na makikita mo mula rito don ka lumiko tapos makikita mo na. Di mo pa ko sinasagot eh ikaw yung nagdidilig kanina diba?" Baka isipin niyang iniisip ko gusto niyang magpahatid kaya dinagdagn ko ulit ng kasunod na tanong
Parang kinabahan siya bigla, bat ayaw nuya bang sagutin? Nahihiya siguro to hahaha
"Ah osige! Salamat ah sasabihin ko kay mang bert nakausap ko mini me nya hahaha! Oo ako yung nagdidilig kanina sorry sorry sorry talaga di ko sinasadya" sorry siya ng sorry sakin eh mas okay nga na nabuhusan niya ako haha joke lang
"Ah oo ikaw nga, bumalik pa ko ng bahay para magbihis eh hahaha" share ko lang sakanya
"Ano nga pala pangalan mo?" Medyo nautal ako sa tinanong niya biglaan kasi haha
"K-kelly" inabot ko kamay ko di ko rin alam kung bakit "ikaw?"
"Kasey" nakipag shake hands siya sakinUmalis na siya at ako naman naglakad na papuntang school, di ko alam pero--
"Kasey" napangiti nalang ako nung binanggit ko pangalan niya
-----------------------------------------------------------------
Andito na ko sa Brown Concepcion School, medyo di ko inakala yung laki niya hahaha grabe laking pasasalamat ko ginawa akong scholar dito haha.
Ayon nakapag pasa na ako ng requirements at pinapunta ako sa waiting room para hintayin yung school uniform ko since bukas na agad ako papasok dahil kahapon nagstart yung second semester.
Ang lamig naman masyado dito, bakal oa yung upuan kaya mas dumodoble lamig sa katawan ko kaya naisipan kong maglibot libot sa kwarto kasi may mga nakapaskil.
Nakita ko list of School's Scholars meron don Academic scholar at sports scholar...
Nakita ko kaagad yung pangalan ko sa academic scholar, naamaze naman ako kasi ang bilis nila mag update.
Pero sabagay, 1st sem palang kinukuha na nila ako haha. Bigla kong nabaling yung mata ko sa may sports scholar at may nakita akong pangalan na kanina ko pa iniisip
"Kasey Ann Mendoza?" Nakita ko rin yung sports na dahilan kung bakit sya sports scholar
"Ahh, nagtataekwondo pala siya" pero di pa naman ako sure kung siya nga kasi malaking posibilidad na may mga kapangalan siya dito hahaha.
Narinig kong bumukas yung pinto
"Kelly Marc Nava?" Tawag nung nagaassist sakin kanina
"Ako po" sumunod ako sakanya hanggang sa natapos na yung processo at pinaready na ako para bukas.
Nakauwi na ako samin pero iniisip ko parin yung basaan moments kanina, I mean yung nabasa ako dahil sa nagdidilig haha, ewan ko ba? Bat ba ako nagkakaganto hahaha.
YOU ARE READING
Puzzle of my Heart
RomantikIn every piece of writings, there's always a whole that shows how my heart was saved to the point that I can say, he's the puzzle of my heart.