Ako si Elvis Gron Filip A. Cruz. Mediyo mahaba pangalan ko, obvious naman. HAHA. Galing kung saan saan. Yung "Elvis", galing sa pangalan ng artista. Yung "Gron" galing sa pangalan ng isang sikat na athlete. At yung "Filip", pangalan ng grandpa ko. Mediyo mahirap sa tuwing nagsusulat ng pangalan sa school, like quizzes. HAHA. Pero proud ako na ganito pangalan ko, ganda kaya. Right? Sa ugali naman. Hmm, ano ba ugali ko? UHMMM. May pagkamayabang ako, pero konti lang. Haha. Super friendly, lalo na sa babae. PLAYBOY! Oo tama, playboy ako. Di kasi ako makuntento sa isang babae, feel ko ang boring pag isang babae lang ang girlfriend. Gusto ko marami. Para pag nagaway kayo ng isa, may reserba ka pang isa! AHAHA *Evil laugh* Pero napakabait ko. Lalo na sa kaibigan. Yung tipong mangungutang sila sakin kahit magkano, tapos di ko na papabayaran. Ganyan ako kabait! Ehem ehem ehem. Pagdating sa physical look. So, may itsura ako, pero di gaanong pogi. Di rin pangit. Hahaha. Totoo yan! Chubby, pero di gaano. Medyo maliit, 5'0 lang :( Pero di ako nawawalan ng pagasa na tatangkad pako. PUSO! Hahaha. Super matulungin ako, magaling magbigay ng advice pagdating sa lovelife. Ako to eh. Hahaha. Matalino ako. Hahaha. Pero sakto lang, bumabagsak din sa mga subjects. Nakakatamad na kasi magaral. Parang ang sarap matulog nalang o manood ng movie o maglaro ng computer games! Isa akong 14 years old, 2nd year highschool. Sa edad kong to, madami nakong naging girlfriend, kasi nga, PLAYBOY ako. Pero ako yung tipo ng PLAYBOY na conservative. Virgin pako noh. Hahaha. Hayy nako 2nd year high school. Daming temptations! Nandiyan yung yosi, weeds, cutting. LAHAT NA! Lahat na pwedeng makasira sa buhay binata ako. Pero kahit isang beses, di ako nagpadala sa kahit anong bisyo. Maganda pagpapalaki sakin ng mga magulang ko eh. Si daddy, isang engineer. Si mommy, isang housewife pero nakapagtapos siya ng 2 years course. May dalawa akong kapatid. Si Kaytee, babae. Si Achilles, lalaki. Sa ngayon, eto muna ang pagpapakilala ko sainyo. Again everyone, I'm Elvis Gron Filip A. Cruz.